Tulfo files bill to strengthen PCG, receives Arrival Honors
November 5, 2024
Tulfo files bill to strengthen PCG, receives Arrival Honors
Sen. Idol Raffy Tulfo has received Arrival Honors and recognition by the Philippine Coast Guard (PCG) today at their National Headquarters in Port Area, Manila today, Nov. 5.
As Chairperson of the Senate Committee on Public Services, Tulfo said he aims to ensure that all government agencies covered by his committee can properly perform their duties for the public.
The Department of Transportation (DOTr) is covered by the committee of Sen. Idol while the PCG is under the DOTr.
"Napag-alaman ko na matagal nang hindi nabibigyan ng sapat na suporta ng ating pamahalaan ang PCG kumpara sa ibang ahensya ng gobyerno, gaya ng AFP at PNP, bagama't masalimuot ang kanilang trabaho," he said.
"Kasama halimbawa sa mga tungkulin ng PCG ang pagsisiguro sa proteksyon sa ating territorial waters at pagresponde sa mga sakuna kasama na ang search and rescue operations.
"Trabaho rin nila ang mag-monitor at tumugis sa lahat ng uri ng smugglers at iba pang masasamang elemento na gustong maglabas pasok sa bansa sa pamamagitan ng ating karagatan," he added.
Meanwhile, in relation to the issue in the West Philippine Sea, Tulfo learned that PCG lacks modern equipment that would help them perform their duties properly.
That's why Tulfo said PCG can count on his support as he also filed Senate Bill No. 2864 to help with strengthening and modernizing PCG.
Tulfo naghain panukalang batas para palakasin ang PCG, nakatanggap ng Arrival Honors
Binigyan ng Arrival Honors at parangal na rin si Sen. Idol Raffy Tulfo ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos siyang imbitahan na dalawin ang kanilang National Headquarters sa Port Area, Manila ngayong araw, Nov. 5.
Bilang Chairperson ng Senate Committee on Public Services, sinisiguro ni Sen. Tulfo na ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan na sakop ng kanyang komite ay makapagbibigay ng maayos na serbisyo sa sambayanan.
Ang Department of Transportation (DOTr) ay sakop ng komite ni Sen. Idol samantalang ang PCG naman ay nasa pangangasiwa ng DOTr.
"Napag-alaman ko na matagal nang hindi nabibigyan ng sapat na suporta ng ating pamahalaan ang PCG kumpara sa ibang ahensya ng gobyerno, gaya ng AFP at PNP, bagama't masalimuot ang kanilang trabaho," saad niya.
"Kasama halimbawa sa mga tungkulin ng PCG ang pagsisiguro sa proteksyon sa ating territorial waters at pagresponde sa mga sakuna kasama na ang search and rescue operations.
"Trabaho rin nila ang mag-monitor at tumugis sa lahat ng uri ng smugglers at iba pang masasamang elemento na gustong maglabas pasok sa bansa sa pamamagitan ng ating karagatan," dagdag niya.
Sa umiinit na issue naman sa West Philippine Sea, nakitaan rin ni Sen. Idol ng kakulangan ang PCG sa kanilang mga makabagong kagamitan para magampanan nila ng maayos ang kanilang trabaho at upang hindi sila basta na lamang madehado.
Dahil dito, nangako si Sen. Tulfo na maaasahan nila ang kanyang buong suporta kung kaya't agad siyang naghain ng Senate Bill No. 2864 para sa modernization program ng Coast Guard.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
