There were 981 press releases posted in the last 24 hours and 403,002 in the last 365 days.

Senate approval of CMEPA to encourage more investments in capital markets--Gatchalian

PHILIPPINES, January 29 - Press Release
January 29, 2025

Senate approval of CMEPA to encourage more investments in capital markets--Gatchalian

Senator Win Gatchalian said the enactment of the proposed Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA) is expected to draw more Filipinos to invest in the country's capital markets.

"CMEPA will not only make investments more affordable, but it will also empower our countrymen to take control of their financial futures," Gatchalian said following the Senate's approval of the proposed measure on third and final reading.

Once enacted, the measure will reduce stock transaction tax from 0.6% to 0.1%. "By slashing this rate to 0.1%, we dramatically reduce the cost of investing and trading, allowing us to align more closely with our regional peers who offer more competitive rates," said Gatchalian, chairperson of the Senate Committee on Ways and Means.

The senator emphasized that strengthening the capital market would give people the chance to grow their savings and encourage more investments.

"We cannot ignore the reality that investing in the Philippines is more expensive compared to many of our neighboring countries, which creates barriers for more Filipinos to participate in our capital markets, thus the need for the enactment of CMEPA," Gatchalian said.

He disclosed that the country's stock market capitalization to Gross Domestic Product (GDP) stands at only 54.1%, significantly lower than the average of 78.3% in other major economies in Southeast Asia.

"Kapag mas maliit ang stock market capitalization, nangangahulugang mas limitado ang daloy ng pera sa merkado na magagamit sana ng mga negosyante sa pamumuhunan. Ang mga datos ay malinaw na nagpapakita na ang Pilipinas ay napag-iiwanan sa ating mga kapitbahay na bansa," he said.

Based on the 2021 Financial Inclusion Survey conducted by the Bangko Sentral ng Pilipinas, only 1 out of 10 Filipino adults have investment products as many Filipinos often view the capital market as something inaccessible to ordinary people and available only to affluent individuals or entities.

Another crucial provision of the proposed measure includes lowering the documentary stamp tax on the original issue of shares of stocks to 0.75% from the current 1%.


Pag-apruba ng CMEPA makakahikayat ng mas maraming pamumuhunan sa capital market--Gatchalian

Sinabi ni Senador Win Gatchalian na ang pagsasabatas ng panukalang Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA) ay inaasahang makakaakit ng mas maraming Pilipino upang mamuhunan sa capital market ng bansa. Ito ay ang sistema o lugar kung saan isinasagawa ang kalakalan ng pangmatagalang puhunan, tulad ng stocks at bonds.

"Sa pamamagitan ng CMEPA, hindi lamang magiging mas abot-kaya ang pamumuhunan. Magbibigay rin ito ng kapangyarihan sa ating mga kababayan na kontrolin ang kanilang financial future," sabi ni Gatchalian matapos aprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas.

Kapag naisabatas na, babawasan ng panukalang ito ang stock transaction tax sa 0.1% mula 0.6%. "Ang mababawasang rate na 0.1%, ay malaking kabawasan sa gastusin ng pamumuhunan at kalakalan, at magbibigay-daan para mas maging malapit sa ating mga kapitbahay na bansa sa rehiyon na nag-aalok ng mas competitive rates," sabi ni Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Ways and Means.

Binigyang-diin ng senador na ang pagpapalakas ng capital market ay makakahikayat ng mas maraming pamumuhunan at magbibigay ng pagkakataon kahit na sa mga ordinaryong Pilipino na palaguin ang kanilang ipon.

"Hindi natin maipagkakaila ang reyalidad na ang pamumuhunan sa Pilipinas ay mas mahal, kumpara sa marami nating mga kapitbahay sa rehiyon, bagay na nagiging hadlang sa maraming Pilipino na mag-invest sa capital market. Dahil dito, kailangan nating maisabatas ang CMEPA," sabi ni Gatchalian.

Dagdag pa niya, ang stock market capitalization ng bansa sa Gross Domestic Product (GDP) ay nasa 54.1% lamang, mas mababa sa average na 78.3% sa iba pang malalaking ekonomiya sa Southeast Asia.

"Kapag mas maliit ang stock market capitalization, mas limitado ang daloy ng pera sa merkado na magagamit sana ng mga negosyante sa pamumuhunan. Ang mga datos ay malinaw na nagpapakita na ang Pilipinas ay napag-iiwanan na ng ating mga kapitbahay na bansa," aniya.

Batay sa 2021 Financial Inclusion Survey na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas, 1 lamang sa 10 Pilipinong nasa hustong gulang ang nag-iinvest sa capital market. Ang tingin kasi ng maraming Pilipino, ang capital market ay para lamang sa mga mayayaman at hindi naa-access ng mga ordinaryong tao.

Ang isa pang mahalagang probisyon ng panukala ay ang pagpapababa ng documentary stamp tax sa original issue ng shares of stocks sa 0.75% mula sa kasalukuyang 1%.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.