Statement of Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada on the planned filing of candidacy of Alice Guo a.k.a. Guo Huaping et al
October 4, 2024
STATEMENT OF SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA ON THE PLANNED FILING OF CANDIDACY OF ALICE GUO A.K.A. GUO HUAPING ET AL
Karapatan ng kahit na sinong Filipino ang iprisinta ang sarili sa taumbayan para manilbihan bilang isang lingkod bayan. Ang pribilehiyong ito na nakasaad sa ating Konstitusyon ay para lamang sa ating mga kapwa at hindi kailanman maaaring ibigay sa mga pekeng Filipino.
Bukod sa pagiging isang tunay at walang bahid na pagdududa sa pagiging Filipino, responsibilidad ng bawat kandidato na magbigay ng tamang impormasyon sa kanilang sarili at sumunod sa mga alituntunin na pinag-uutos ng ating batas sa pagiging kandidato sa isang elective position at pagiging lingkod-bayan.
Tungkulin din ng Commission on Elections na tiyakin na ang bawat kandidato ay sumusunod sa mga itinakdang pamantayan para masiguro na walang botanteng Filipino ang malilinlang sa kawalan ng kwalipikasyon ng kanilang mapipiling kandidato sa araw ng halalan.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
