Tolentino on Alice Guo, other national issues
September 14, 2024
Tolentino on Alice Guo, other national issues
Interview with Senate Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino on DWIZ - PART 1 of 3
Question: Mali pala ang pag-assume ng jurisdiction ng Capas Tarlac laban dun kay dismissed Mayor Alice Guo, ano po ang inyong impression o analysis , Sinadya ba na dun ifile yun kaso sa Capas Tarlac RTC?
Majority Leader Francis Tolentino (MLFT): Siguro na-overlook lang yun, pero may poder naman yung judge na kahit mali yung initial actions, ay irefer nya sa tamang husgado. Nagawa naman yun. Kahit siguro hindi natin tinawag ang pansin ay baka gagawin niya yun. Pero nagpapasalamat tayo sa kanya kasi kung hindi nagawa yun ay mali na ang lahat sa simula, at baka maabswelto pa si Alice Guo. Mabablewala lahat ng pinaghirapan na imbestigasyon at pagkalap ng ebidensya. Mabuti na lang at nakaayos na, all is well that ends well. Salamat din kay Judge delos Santos.
Q: Marami pong saludo sa inyo dahil kayo ang tanging nakasilip nun. No need na pagpaliwanagin ang Ombudsman o RTC?
MLFT: Hindi na, out of respect to both institutions, at na-refer na sa tamang husgado, sa RTC ng Valenzuela City. Nag-assume na ng jurisdiction ang RTC kahapon at yung raffling na lang ng case kasi naka-leave ata ang judge kahapon. Pag ayos na ang lahat ng yan, itatama lahat pati proseso, at pwede nang ma-arraign si Alice Guo at tuloy-tuloy na ang trial dyan.
Q: Dahil nasa tamang korte na ang kasong graft ni Alice Guo, hindi na kailangan iinsist ng Senate na mapunta ang jurisdiction ni Alice Guo sa Senado?
MLFT: Sinabi ko lang yun kasi nung Martes ay nagataka na ako, paano nangyari ito, ang ginamit na warrant ay Senate tapos mali pa ang husgado? Kaya kung matatandaan n'yo tinanong ko dun sa [DOJ Undersecretary], "ano ibig sabihin 'pag mali ang venue sa criminal case?" [Sagot ng Usec] "Pwede ma-invalidate ang warrant of arrest." Kaya sabi ko, naloko na, baka pati PNP makasuhan ng unlawful arrest. Ngayon tama na, maku-cure na ang lahat ng defects at gugulong na ang hustisya.
Sa tanong mo kung iiinsist pa, palagay ko maganda naman ang relasyon ng hukuman at Senado. Balita ko sinulatan na ni Senator Risa Hontiveros ang Valenzuela RTC para sa hearing sa Martes, itinama na po ang lahat ng ito.
*Q:" Kung malilipat na sa tamang korte yun kaso ni Alice Guo, magpapatuloy pa ba ang hearing ng Senado?
MLFT: Iba naman yung in aid of legislation, siguro yung pangkasalukuyan na binabalangkas namin, yung bagong Immigration Code of the Philippines. May mga detalye dito na makukuha na pwedeng gamitin. Kung maaalala n'yo nung Martes, tayo din ang nagtanong kay Immigration Commissioner [Norman Tansingco] kung natanggal na sya, apparently natanggal na nga siya. Baka may mga gaps, medyo may edad na itong immigration law natin. Pwede pang ipagpatuloy ang hearing in aid of legislation at tutulong tayo d'yan bilang Chairman dati ng Committee on Justice. Sa akin unang pumatak ang Immigration Code, hindi lang natapos kasi isang dangkal ang kapal nun, kaya inabot na ng mga changes sa Senate kaya hindi natin natapos yun, pero for sure tatapusin yan ni Senator Pimentel.
**********
(Tolentino on Alice Guo, other national issues Interview with Senate Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino on DWIZ - PART 2 of 3)
Q: Sa Tuesday ipagpaptuloy ang hearing. Ano ang maaaring gawin ng mga senador para makumbinsi na si Alice ukol sa kanyang tunay na pagkatao? Sa mga tumulong sa kanila para makalabas ng bansa?
Majority Leader Francis Tolentino (MLFT): Siguro sa ibang konteksto ng tanong ay palagay ko pwede na ang executive session. Maaari noong oras na yun ay iba lang ang context ng mga kinukuhang sagot. Siguro pag-uusapan namin pero ako, papayag ako na magkaroon ng executive session.
Ngayon nakikita ko na medyo kampante pa rin sya [Guo], medyo relaxed pa rin sya, sang-ayon doon sa huling hearing, sa demeanor nya, the manner how she answers. Nakikita ko rin maraming nagiging online supporters pa sya, kung mapupuna n'yo, so may mga tumutulong din sa kanya.
Q: Kung sakaling humirit uli si Alice Guo ng executive session, magmo-mosyon kayo na payagan na?
MLFT: Papayag po ako doon, sa ganung aspeto, kasi ang ultimate goal naman natin is to determine the truth. Sa executive session malalaman din naman namin kung nagsisinungaling sya.
Q: Umaasa kayo na sa pamamagitan ng executive session, at least doon baka may mapala pa kayo, may makuhang mga impormasyon mula kay Alice Guo?
MLFT: Palagay ko po.
Q: Sinasabi si Alice Guo is allegedly a Chinese spy. Ano po kaya ang motibo sa pagpapatayo ng POGO para makapag operate sila rito?
MLFT: Hindi ko po masagot. Kailangan buuin muna ang buong ebidensya at factual basis ng lahat ng yan speculation tayo. Kahit dumating ito sa husgado, yung katotohanan, yung ebidensya naman ang magiging basehan. Hindi ko pa masagot yan. Kailangan yung ebidensya ay maging sufficient for her conviction. So hayaan muna natin na gumulong ang proseso.
Q: Sir, yung ilang Chinese nationals na name-mention na sangkot sa POGO na tumulong makalabas ng bansa si Alice Guo....dapat bang habulin at panagutin kahit sinasabing nasa labas na ng bansa?
MLFT: Siguro po para mabuo ang istorya at kung ano ang talagang partisipasyon nila, lalong lalo na kung may nilabag silang batas sa Pilipinas, kahit nasaan sila ay dapat managot sila. Kasi may mga lumalabas ngayon na may mga bangkay na raw na mahuhukay doon sa isang lugar na naka-link din dyan. So iba na yun, violation of our Revised Penal Code, kung may murder na, kahit ibang nationality ang pumanaw eh batas ng Pilipinas ang nilabag.
Q: So magiging mabigat na ebidensya sakaling may matatagpuan na may mga bangkay dun?
MLFT: Palagay ko papunta na doon sa ganung direksyon. Kasi 'di naman libingan yun. Madi-DNA naman yun, incidentally, kakapasa lang namin ng DNA Law.
Q: So makakatulong yun sir?
MLFT: Opo.
Q: Kaugnay sa isyu sa panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP), paano dapat i-handle ng Senate ang deliberation ng OVP budget considering na nagkaroon ng desisyon ang House Appropriations Committee na tapyasan ng higit 60% ang OVP budget?
MLFT: Ang sa Senate side, parating na sa plenary yan, depende yan sa desisyon ng plenaryo at kung hindi magkatugma sa desisyon ng Mababang Kapulungan, ito na yung pagpasok sa bicameral conference committee, ay paplantasahin yan doon kung ano talaga ang budget na maaaprubahan.
Q: Pwede bang humantong ito sa pagdating sa bicam, na dun magkaroon ng mainit na debate?
MLFT: Hindi ko rin ma-speculate yan, pero may naririnig ako na statement coming from the Chair of the Lower House committee na pwede pa raw madagdagan. Mas updated kayo sa mga ganung report...pero ang magtatapos nito ay yung bicameral conference committee.
*********
(Tolentino on Alice Guo, other national issues Interview with Senate Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino on DWIZ - PART 3 of 3)
Q: Paano n'yo raw iba-balanse ang legislative tradition na nagbibigay ng courtesy sa OP at OVP during budget process, doon sa inyong tugkulin bilang lawmakers na tiyakin ang accountability at transparency sa paggamit ng public funds?
MLFT: Ang alam ko na approve na ng committee yan, gayunpaman alam ko na aware naman ang committee doon sa COA findings. So yung pagbabalanse nun, syempre lahat sang-ayon dapat sa batas.
*Q:" Two weeks na lang at magbi-break na ang session. Kayo po bilang Majority Leader, ano pa po ang target maipasa ng Senate?
MLFT: Marami pang nakasalang, dami pang ia-approve sa Lunes on third reading. Nagpi-prepare na rin sa budget deliberations. Ako, yung budget ng Philippine National Police (PNP) yung tututukan ko.
Kasi para sa akin, may epekto rin itong usapin na naalis ang Sulu, na ako rin ang naglabas noong hearing yata noong Martes o Miyerkules, sa pag-alis ng Sulu sa BARMM. So it's not just one agency but all other national agencies, at budget making process tayo ngayon ay apektado. Halimbawa, kakasalita ko lang po ngayon sa Camp Aguinaldo, sa Armed Forces of the Philippines. So halimbawa yung Office of Civil Defense, na dati ay hindi nakatutok sa Sulu dahil mayroon sariling BARMM agency na tumututok dyan. Ganun din ang social welfare, may ministry po sila. Ngayong naalis ang Sulu, sino ngayon ang magco-cover sa Sulu? Kawawa naman ang Sulu, dapat tulungan ang Sulu. Ang PNP, tinanong ko sila, hinahawakan ko yung budget, tinanong ko sila, hindi pa nila alam eh. So sabi ko [saan] na ngayon ang provincial office ng Sulu, na dating hawak ng BARMM? Saan natin ilalagay yung Sulu? Ang sabi ng isang general, eh baka mapalagay sa Region 9. So alam ba ito ng NEDA? For purposes of planning, so kung mapalagay sa Region 9 yan, may kalayuan ang Pagadian City sa Sulu. So may mga kumplikasyon yan, 'di lang sa PNP, kundi DOST, lahat na ng ahensya, apektado nito. Ngayon ano naman ang mangyayari sa naiwang budget ng Sulu sa BARMM? Kasi block grant yan.
So for purposes of plannning, and budget making, and for the welfare of the citizens of Sulu, hindi sila dapat mapabayaan. Isa yun sa mga nire-raise ko sa budget hearings na huwag naman nating pabayaan ang Sulu.
Ngayon, ang problema, saan naman natin kukunin yung budget kasi nahimay-himay na yun? Nailatag na yun, may kaunting kumplikasyon. Ngayong 2024 okay pa yan, pero pagdating ng 2025, baka may epekto na yan. These are some of the implications and legal consequences in terms of policymaking that arose after the Supreme Court decision was released. Lahat po ito in a matter of two weeks dapat ma-address po namin ito.
Q: So iaaddress n'yo yan during the budget deliberation?
MLFT: Opo, lahat ng inaattend-an ko na committee hearing, lahat sila tinatanong ko, wala pong makasagot na cabinet member kasi hindi sila prepared. Prepared sila sa budget na hindi kasama ang Sulu, kasi ang Sulu nga [noong inihanda ang budget ay] nasa BARMM.
Q: So magkakaroon ng mga pagbabago sa proposed budget dahil sa nangyari sa Sulu?
MLFT: Definitely. Ako ang gusto ko magkaroon sana ng transition fund para sa Sulu, pero kung paano gagawin yun, hindi ko pa maisip, not even DBM has thought of this. Siguro tatawagan ko rin yung DBM Secretary kung paano ang approach nila rito para hindi naman maging kawawa ang Sulu.
Q: Yung sinasabing Chinese Trader na nilapitan daw ni Alice Guo at inalok ng P1 billion para mailapit lang sya sa unang pamilya, dapat din bang ipatawag sa Senate hearing?
MLFT: Puro anecdotal news report yung narinig natin d'yan so siguro kung magkakaroon nga ng isang executive session, ay pwedeng pag-usapan yan at matanong natin si Alice Guo. Im sure di n'ya aadmit-in yan, at mas lalong maraming sasabit, baka sabihin nya marami syang death threats. Palagay ko, kailangan d'yang magkaroon ng isang executive session kung kasama yan sa mga pag-uusapan.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
