There were 717 press releases posted in the last 24 hours and 404,788 in the last 365 days.

Cayetano: Faith-driven vision key to personal and national transformation

PHILIPPINES, August 18 - Press Release
August 18, 2024

Cayetano: Faith-driven vision key to personal and national transformation

"Ang iyong sense of purpose ay magandang bagay sa iyong vision."

This was the message of Senator Alan Peter Cayetano in his inspirational speech at the 42nd anniversary celebration of Mandaport Apostolic Pentecostals (MAP) on August 18, 2024 in the City of Taguig.

Drawing inspiration from the recent triumph of Paris 2024 Olympics gold medalist Carlos Yulo and other Filipino athletes, Cayetano emphasized that their clear vision propelled them to success and continues to drive them forward.

"Dahil klaro sa kanila na gusto nilang maging champion athlete, may vision sila. Ngayon, nagkakaroon sila ng purpose kapag may laban [tulad ng Olympics]," he said.

The senator stressed that a clear vision, purpose, and identity are crucial to achieving success as these elements cultivate the discipline needed to fulfill one's goals.

"Kapag klaro po ang iyong vision at mayroong plano, purpose, at identity, babantayan ka Niya. Kung nandiyan ang tatlong 'yan, magkakaroon ng disiplina patungo sa iyong vision," he said.

Cayetano noted that some people struggle to find their vision because they let the negative influences of the world cloud their judgment and obscure their path.

"Marami tayong mga kapatid na hindi umaabot sa vision kasi nauunahan ng kasinungalingan na ikaw ay hindi special. 'Pag ikaw ay may identity sa Panginoon, alam mong mahalaga ka sa Panginoon," he said.

He also emphasized that a strong foundation - rooted in the Word of God - significantly impacts not only an individual's vision but also the country's vision toward true transformation.

"Marami tayong darating na magagaling na politiko at sistema galing sa ibang bansa, pero kung wala ang salita ng Diyos, walang transformation," he said.

"Ang mas mahalaga po nating task ay ayusin ang pundasyon sa ating sariling pamilya, sa sariling community, sa sariling church," he added.

In closing his remarks, Cayetano urged the members of MAP to continue inspiring the public, much like Filipino athletes do, saying that preaching becomes more effective when it also inspires.

"Success inspires; your church will inspire. Pero ano ang mag-i-inspire sa'yo? Is it the gold medal, or is it the Word of God? Mas maganda kung both," he said.

"Sa lahat ng ating ginagawa, dapat ginagawa natin para sa Panginoon," he concluded.


Cayetano: Faith-driven vision, susi sa personal at national transformation

"Ang iyong sense of purpose ay magandang bagay sa iyong vision."

Ito ang mensahe ni Senador Alan Peter Cayetano sa kanyang inspirational speech sa 42nd anniversary celebration ng Mandaport Apostolic Pentecostals (MAP) Jasper nitong August 18, 2024 sa Lungsod ng Taguig.

Itinukoy ni Cayetano ang tagumpay ng Paris 2024 Olympics gold medalist na si Carlos Yulo at iba pang Pilipinong atleta, at sinabing ang kanilang malinaw na vision ay naging susi sa kanilang mga tagumpay.

"Dahil klaro sa kanila na gusto nilang maging champion athlete, may vision sila. Ngayon, nagkakaroon sila ng purpose kapag may laban [tulad ng Olympics]," wika niya.

Binigyang-diin ng senador na ang isang malinaw na vision, layunin, at pagkakakilanlan ay mahalaga sa pagkamit ng tagumpay, dahil ang mga ito ay naglilinang ng disiplina na kinakailangan upang matupad ang mga layunin ng isang tao.

"Kapag klaro po ang iyong vision at mayroong plano, purpose, at identity, babantayan ka Niya. Kung nandiyan ang tatlong 'yan, magkakaroon ng disiplina patungo sa iyong vision," wika niya.

Aniya, ang ilan ay nahihirapang hanapin ang kanilang vision dahil nakikinig sila sa mga negatibong impluwensya ng mundo na nakakaapekto sa kanilang mga landasin.

"Marami tayong mga kapatid na hindi umaabot sa vision kasi nauunahan ng kasinungalingan na ikaw ay hindi special. 'Pag ikaw ay may identity sa Panginoon, alam mong mahalaga ka sa Panginoon," wika niya.

Binigyang-diin din niya na ang matibay na pundasyon na nangggagaling sa Salita ng Diyos ay mahalaga hindi lamang sa vision ng isang tao kundi pati na rin sa vision ng bansa patungo sa tunay na pagbabago.

"Marami tayong darating na magagaling na politiko at sistema galing sa ibang bansa, pero kung wala ang salita ng Diyos, walang transformation," wika niya.

"Ang mas mahalaga po nating task ay ayusin ang pundasyon sa ating sariling pamilya, sa sariling community, sa sariling church," dagdag niya.

Sa kanyang pagtatapos, hinimok ni Cayetano ang mga miyembro ng MAP na magpatuloy sa pagbibigay inspirasyon sa publiko, tulad ng mga atletang Pilipino, at sinabing ang pangangaral ay nagiging mas mabisa kapag ito ay nagbibigay din ng inspirasyon.

"Success inspires; your church will inspire. Pero ano ang mag-i-inspire sa'yo? Is it the gold medal, or is it the Word of God? Mas maganda kung both," wika niya.

"Sa lahat ng ating ginagawa, dapat ginagawa natin para sa Panginoon," dagdag niya.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.