There were 1,482 press releases posted in the last 24 hours and 404,875 in the last 365 days.

Gatchalian seeks to strengthen LGU disaster preparedness program; distributes aid to Cavite

PHILIPPINES, August 16 - Press Release
August 16, 2024

Gatchalian seeks to strengthen LGU disaster preparedness program; distributes aid to Cavite

Senator Win Gatchalian wants local government units to strengthen their respective disaster preparedness programs to help sustain economic development in their communities.

"Any form of disaster, natural or otherwise, pushes back economic development in any area and thus the need for LGUs to build on their disaster reduction and preparedness capacity," Gatchalian said, as he is scheduled to distribute sacks of rice to fire victims in Cavite City and victims of Typhoon Carina this afternoon.

Gatchalian will personally assess the situation of the fire-affected families residing along Badjao Street, Dalahican in Cavite City during his visit today. According to him, fire incidents are particularly unfortunate as such disasters are preventable. A huge residential fire struck Barangays 5 and 7 in the city on July 14 displacing 718 families.

Sacks of rice will also be given to families in Cavite who were evacuated due to heavy rains and floods brought about by Typhoon Carina. At least 1,309 families are reported to have been affected.

Senate Bill No. 939, An Act Expanding The Application Of The Local Disaster Risk Reduction And Management Fund, which was filed by Gatchalian, seeks to amend Republic Act 10121 or The Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010. According to the senator, enactment of the proposed measure would provide LGUs with more capability to implement projects that would strengthen their disaster preparedness, mitigation, response, and rehabilitation capabilities.

He emphasized that disaster-mitigation efforts would be greatly improved if LGUs had the necessary funds to provide local infrastructure projects designed to protect their localities against disasters.

"Kailangan nating pag-ibayuhin ang ating mga information drive upang maiwasan ang anumang sakuna para sa ating kaligtasan," Gatchalian said.


Gatchalian nanawagang palakasin ang disaster preparedness program ng mga LGU; mamamahagi ng tulong sa Cavite

Nais ni Senador Win Gatchalian na palakasin ng mga local government units ang kani-kanilang disaster preparedness programs upang makatulong sa pagpapanatili ng pag-unlad ng ekonomiya sa kanilang mga komunidad.

"Anumang anyo ng kalamidad, natural man o hindi, ay nagpapabagal sa pag-unlad ng ekonomiya sa anumang lugar kaya't kinakailangan na palakasin ng mga LGU ang kanilang kapasidad upang makapaghanda sa anumang sakuna," ani Gatchalian, na naka schedule na mamamahagi ng sako-sakong bigas sa mga biktima ng sunog at ng nagdaang bagyong Carina sa Cavite City ngayong hapon.

Personal na susuriin ni Gatchalian ang kalagayan ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Badjao Street, Dalahican sa lungsod ng Cavite sa kanyang pagbisita ngayong araw. Ayon sa senador, labis na nakakalungkot ang mga insidente ng sunog dahil ang mga ganitong sakuna ay maaaring iwasan. Isang malaking sunog ang tumama sa Barangay 5 at Barangay 7 sa lungsod noong Hulyo 14 na naging dahilan ng paglikas ng 718 pamilya.

Sako sakong bigas din ang ipamimigay ni Gatchalian sa mga pamilyang lumikas sa Cavite dulot ng nagdaang Bagyong Carina. Naiulat na umabot sa 1,309 ang mga apektadong pamilya.

Ang Senate Bill No. 939 o Act Expanding The Application Of The Local Disaster Risk Reduction And Management Fund, na inihain ni Gatchalian, ay naglalayong amyendahan ang Republic Act 10121 o The Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010. Ayon sa senador, ang pagsasabatas nito ay magbibigay sa mga LGU ng higit na kakayahan na magpatupad ng mga proyektong magpapalakas sa kanilang disaster preparedness, mitigation, response, at rehabilitation capabilities.

Binigyang-diin ng mambabatas na ang mga pagsisikap para sa isang disaster-mitigation ay magiging mas epektibo kung ang mga LGU ay may sapat na pondo para magpatupad ng mga lokal na proyektong pang-imprastraktura na dinisenyo upang protektahan ang kanilang mga nasasakupan laban sa mga sakuna.

"Kailangan nating pag-ibayuhin ang ating mga information drive upang maiwasan ang anumang sakuna para sa ating kaligtasan," aniya.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.