There were 1,059 press releases posted in the last 24 hours and 404,947 in the last 365 days.

Sen. Robin: Yulo Showed Height or Foreign Roots Not a Requirement to Bring Honor to Country

PHILIPPINES, August 5 - Press Release
August 5, 2024

Sen. Robin: Yulo Showed Height or Foreign Roots Not a Requirement to Bring Honor to Country

One does not need to be tall or a foreigner to bring honor to the Philippines, and this was proven by Carlos Yulo when he earned two gold medals for the Philippines in the 2024 Paris Olympics.

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla stressed this as he said Yulo has given inspiration to Filipino youths - that they need not be tall to succeed.

"Binigyang diin ko na ito noong 2023, at uulitin ko ngayon: Si G. Carlos Yulo po, siya po ang halimbawa ng isang atletang Pilipino na hindi kailangang matangkad, hindi kailangang dayuhan, hindi kailangang isang atleta na tinatawag nating sumasali sa mga paligsahan na kailangan ay medyo ikaw ay pang-dayuhan. Siya po ay sukat na sukat (I said this last year and I'll say it again: Mr. Yulo is an example of a Filipino athlete who need not be tall or a foreigner. His height is just perfect)," he said.

"At ito po sana ay maghikayat sa ating kababayan na kaparehas niya na magkaroon ng lakas ng loob na magsanay at hindi nila kailangang isipin sila ay kailangang maging matangkad o mag-training sa ibang bansa kundi kanilang pagyamanin ang kanilang talento, kanilang galing bilang mga Pilipino (This should be an inspiration to our fellow Filipinos to have the courage to train without thinking they are not tall, or thinking they cannot succeed because they did not train abroad. They only need to enhance their talents as Filipinos)," he added.

In his co-sponsorship speech for Senate Resolution 458 in 2023, Padilla pointed out height is not a requirement to give honor to the country - rather, it is the Filipino's heart.

But he also stressed in December 2022 that he is not opposed to naturalizing basketball players like Justin Brownlee as he noted basketball is a sport where height is crucial - especially if the player is willing to be a military reservist for the Philippines.


Sen. Robin: Pinakita ni Yulo na Hindi Kailangang Matangkad O Dayuhan Para Magbigay Dangal sa Bayan

Hindi kailangang maging matangkad o dayuhan para magbigay ng dangal sa Pilipinas - at ito ang napatunayan ni Carlos Yulo sa pagbigay ng dalawang gintong medalya para sa Pilipinas sa 2024 Paris Olympics.

Iginiit ito ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla na nagsilbing inspirasyon si Yulo para sa mga kabataang Pilipino na hindi kailangang maging matangkad upang magtagumpay.

"Binigyang diin ko na ito noong 2023, at uulitin ko ngayon: Si G. Carlos Yulo po, siya po ang halimbawa ng isang atletang Pilipino na hindi kailangang matangkad, hindi kailangang dayuhan, hindi kailangang isang atleta na tinatawag nating sumasali sa mga paligsahan na kailangan ay medyo ikaw ay pang-dayuhan. Siya po ay sukat na sukat," aniya.

"At ito po sana ay maghikayat sa ating kababayan na kaparehas niya na magkaroon ng lakas ng loob na magsanay at hindi nila kailangang isipin sila ay kailangang maging matangkad o mag-training sa ibang bansa kundi kanilang pagyamanin ang kanilang talento, kanilang galing bilang mga Pilipino," dagdag niya.

Sa kanyang co-sponsorship speech para sa Senate Resolution 458 noong 2023, ipinunto ni Padilla na hindi sa pagiging matangkad ang pagbigay ng karangalan sa ating bayan kundi sa sukat ng ating mga kababayan.

Nguni't iginiit din niya noong Disyembre 2022 na hindi siya tutol sa pag-naturalize ng basketball player tulad ni Justin Brownlee dahil mahalaga ang pagiging matangkad sa laro tulad ng basketball - lalo na kung payag ang manlalaro na maging military reservist ng Pilipinas.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.