There were 1,666 press releases posted in the last 24 hours and 405,764 in the last 365 days.

Cayetano to address modernization concerns as Senate seeks to halt PTMP Implementation

PHILIPPINES, July 31 - Press Release
July 31, 2024

Cayetano to address modernization concerns as Senate seeks to halt PTMP Implementation

Aiming for a more efficient and inclusive Public Transport Modernization Program (PTMP), Senator Alan Peter Cayetano, along with other senators, seeks to temporarily suspend its implementation through a Senate resolution.

Filed on July 30, 2024, Senate Resolution No. 1096 underscores the valid and urgent concerns raised by affected drivers, groups, unions, and transport cooperatives, aiming to improve the execution of the PTMP, formerly known as the Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Under the program, individual operators are required by the government to "consolidate" or join cooperatives and corporations for easier processing of bank loans when they avail themselves of the modernized public utility vehicles.

Cayetano and his co-authors acknowledged the plight of drivers who will be left behind, writing in the resolution that the small stakeholders, "particularly the drivers, who remain unconsolidated, are effectively forced out of their livelihoods, with most of them expressing that the only skill they have is driving."

As of April 30, 2024 - the latest deadline set by the Department of Transportation (DOTr) for the consolidation of public utility vehicles (PUVs) - 36,217 units, or approximately 19% of the jeepneys and other PUVs, have not yet consolidated.

The resolution states that the high figure of unconsolidated units is primarily due to "insufficiency of information drive on the part of the government to educate the drivers, operators, and transport groups about the PTMP and burden of financing the cost of modern PUVs, which greatly exceeds the financial capacity of drivers and operators."

While Cayetano and the co-authoring senators believe the goal of modernization is commendable, they assert that there is an urgent need to thoroughly review and reassess the program's impact due to these matters.

"While the intent of PTMP is laudable, continuing with the Program without threshing out these concerns would go against the Constitutional directive of promoting social justice in all phases of national development," they stated in the resolution.

Cayetano earlier said the PTMP presented a "one-size-fits-all" transport modernization program and had not taken the differences among localities into consideration.

"Kung sa gamot walang cure-all, sa programa ng gobyerno lalo in a country with more than 7,000 islands, wala namang one-size-fits-all," he said.

Cayetano also said that drivers, transport groups, and cooperatives would be willing to modernize as long as it does not overly burden them and ensures the sustainability of their livelihoods.

"Basta 'win-win' ang sitwasyon, most drivers and operators ay papayag sa modernization," he said.


Pagtugon sa mga isyu ng modernization, pagpapatigil sa implementasyon ng PTMP inihain ni Cayetano, mga senador

Sa paghahangad ng isang mas mahusay at inklusibong Public Transport Modernization Program (PTMP), naghain si Senator Alan Peter Cayetano, kasama ang iba pang mga senador, ng isang resolution na pansamantalang magsususpinde sa implementasyon nito.

Inihain ng mga senador ang Senate Resolution No. 1096 nitong July 30, 2024 upang bigyang-diin ang mga hinaing ng mga tsuper, mga unyon, at transport cooperatives para sa mas maayos na pagpapatupad ng PTMP, na dating kilala bilang ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sa ilalim ng programa, ang mga individual operator ay inoobligang mag-"consolidate" o sumali sa mga kooperatiba at korporasyon para mas madaling maproseso ang kanilang bank loans na ipambibili ng modernized public utility vehicles.

Kinilala ni Cayetano at ng mga co-author niya sa resolusyon ang kalagayan ng mga apektadong "unconsolidated drivers" at sinabing ang mga ito ay pwersahang mawawalan ng kabuhayan lalo na at karamihan sa mga ito ay pagmamaneho lamang ang tanging kakayahan.

Sa pinakahuling deadline na itinakda ng Department of Transportation (DOTr) noong April 30, 2024 para sa pag-consolidate ng mga public utility vehicle (PUVs), 36,217 units o humigit-kumulang 19 percent ng mga jeepney at iba pang PUV ang hindi pa nakakasapi sa kooperatiba.

Isinaad sa resolusyon na ang marami pa ring mga unconsolidated unit dahil kulang sa information drive ang gobyerno upang maabisuhan ang mga driver, operator, at transport groups tungkol sa PTMP at dahil sa pasanin ng mataas na presyo ng modern PUVs, na labis sa kakayahang bayaran ng mga drivers at operators.

Bagama't naniniwala si Cayetano at ang mga senador na kapuri-puri ang layunin ng modernization, iginiit nila ang mas masusing pagsusuri sa epekto ng programa.

"While the intent of PTMP is laudable, continuing with the Program without threshing out these concerns would go against the Constitutional directive of promoting social justice in all phases of national development," pahayag nila sa resolusyon.

Nauna nang tinawag ni Cayetano na "one-size-fits-all" ang PTMP at hindi aniya isinasaalang-alang ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga lokalidad.

"Kung sa gamot walang cure-all, sa programa ng gobyerno lalo na in a country with more than 7,000 islands, wala namang one-size-fits-all," wika niya.

Sinabi rin ni Cayetano na handang mag-modernize ang mga tsuper, transport groups, at cooperatives kung matitiyak ng pamahalaan na ito ay makakabuti at hindi ito makakaapekto sa kanilang kabuhayan.

"Basta 'win-win' ang sitwasyon, most drivers and operators ay papayag sa modernization," aniya.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.