There were 165 press releases posted in the last 24 hours and 404,152 in the last 365 days.

Gatchalian pitches 'Batang Magaling Act' anew to boost SHS grads' employability

PHILIPPINES, July 15 - Press Release
July 13, 2024

Gatchalian pitches 'Batang Magaling Act' anew to boost SHS grads' employability

Senator Win Gatchalian pitched anew his proposed 'Batang Magaling Act' (Senate Bill No. 2367) to boost the employability of senior high school (SHS) graduates. Gatchalian reiterated his push following statements made by the President to make sure that SHS graduates are ready and employable for the workforce.

The proposed measure seeks to institutionalize the provision of free national competency assessments for the awarding of national certifications, which are provided for under the 2024 national budget. The Batang Magaling Act shall boost the work readiness of SHS graduates by aligning schools' curricular offerings and the SHS program's work immersion component with market needs identified by industry partners and government agencies. It also aims to enhance the preparedness of senior high school graduates for their chosen pathways, whether it be higher education, skills development, employment, or entrepreneurship.

It can be recalled that for this fiscal year, Gatchalian proposed the allocation of more than P438 million under the Technical Education and Skills Development Authority's (TESDA) Regulatory Program to assess SHS learners under the Technical-Vocational-Livelihood (TVL) track for the issuance of national certification. The allocation seeks to benefit more than 420,900 TVL graduates.

"Patuloy nating isinusulong ang Batang Magaling Act upang paigtingin ang kahandaan ng ating mga senior high school graduates para makapagtrabaho. Kung hindi natin maipapakita sa ating mga kababayan ang dagdag na benepisyo ng dalawang taon sa high school, dadami ang ating mga kababayang hindi makukuntento sa programang K to 12," said Gatchalian, Chairperson of the Senate Committee on Basic Education.

Gatchalian said that the proposed measure mandates the Department of Education (DepEd) to ensure that the SHS program complies with TESDA's quality assurance framework and training regulations.


'Batang Magaling Act' muling isinulong ni Gatchalian para sa kahandaan ng SHS grads sa trabaho

Muling isinulong ni Senador Win Gatchalian ang panukalang 'Batang Magaling Act' (Senate Bill No. 2367) upang iangat ang kahandaan ng mga senior high school (SHS) graduates. Kasunod ito ng direktiba ng Pangulo na siguruhing handa ang mga SHS graduates na pumasok sa trabaho.

Isa sa mga layunin ng naturang panukala ang pagiging institutionalized ng libreng national competency assessments para sa national certification. Matatandaang sa ilalim ng 2024 national budget, ipinanukala ni Gatchalian ang paglalaan ng P438 milyon sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Regulatory Program para sa libreng assessment at certification ng mga mag-aaral sa ilalim ng Technical-Vocational-Livelihood (TVL). Mahigit 420,900 TVL graduates ang inaasahang makikinabang sa naturang pondo.

Sa ilalim din ng naturang panukala, iuugnay ang mga curriculum ng mga paaralan at work immersion component ng SHS sa market needs ng mga industriya at mga ahensya ng gobyerno. Layon din ng panukalang batas na tiyakin ang kahandaan ng mga SHS graduates, piliin man nilang mag-kolehiyo, pumasok sa pagnenegosyo, o magpatuloy sa skills development.

"Patuloy nating isinusulong ang Batang Magaling Act upang paigtingin ang kahandaan ng ating mga senior high school graduates para makapagtrabaho. Kung hindi natin maipapakita sa ating mga kababayan ang dagdag na benepisyo ng dalawang taon sa high school, dadami ang ating mga kababayang hindi makukuntento sa programang K to 12," sabi ni Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Sa ilalim ng naturang panukala, imamandato rin sa Department of education (DepEd) na iugnay ang SHS program sa quality assurance framework at training regulations ng TESDA.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.