Bulaceños in need receive livelihood assistance from Cayetanos
June 1, 2024
Bulaceños in need receive livelihood assistance from Cayetanos
Alexander Reyes, a senior citizen from San Nicolas, Bulacan, currently faces the burden of the economic crisis. With no source of income due to his age, he couldn't help expressing his gratitude to Senators Alan Peter and Pia Cayetano for including him among the thousands of beneficiaries who received livelihood assistance in their province.
"Malaking tulong po ito sa aking maintenance. Napakahirap na po ng buhay ngayon. Magagamit ko po ito sa pang-araw-araw naming pangangailangan," Reyes said.
A total of 1,500 Bulakeños received much needed livelihood assistance from the offices of the two senators on Wednesday, May 29, 2024, under the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program.
The two-part distribution provided essential aid to calamity victims, the women's sector, and barangay volunteers.
The distribution was carried out in partnership with the Department of Social Welfare and Development (DSWD) and in coordination with the local government of Calumpit, Bulacan. Former Representative Jose Antonio "Kuya" Sy-Alvarado and his mother, former Representative Victoria Sy-Alvarado were also in support of the program.
"Tunay po kayong nagmamahal sa aming lalawigan. Kayo po ang susi sa kaunlaran nito at ng bansang Pilipinas," former Rep. Victoria said.
"Pinaligaya po ninyo kami dahil lagi ninyo kaming nakikita lalo na sa mga sandali ng krisis at kahirapan," she added.
This initiative builds on the Cayetanos' previous efforts in Bulacan, where they provided crucial support to flood victims affected by Typhoon Egay just a year ago.
The sibling senators' social welfare program is set to expand this week to other key areas in Luzon, including Laguna, Marikina, and Pasig, extending support to more Filipinos, particularly those facing crises.
Mga Bulakeño, nakatanggap ng tulong mula sa mga Cayetano
Isa sa mga dagok na hinaharap ni Alexander Reyes, isang senior citizen mula sa San Nicolas, Bulacan, ang kahirapan ng buhay bunga ng kasalukuyang krisis sa ekonomiya. Dahil sa kanyang edad, mahirap para sa kanya ang makahanap ng trabahong mapapasukan, kaya't labis ang kanyang pasasalamat kina Senador Alan Peter at Pia Cayetano dahil siya ay napabilang sa libu-libong benepisyaryo na nakatanggap ng livelihood assistance sa kanilang lalawigan.
"Malaking tulong po ito sa aking maintenance. Napakahirap na po ng buhay ngayon. Magagamit ko po ito sa pang-araw-araw naming pangangailangan," sabi ni Reyes.
May kabuuang 1,500 Bulakeño ang nakatanggap ng tulong-pangkabuhayan mula sa mga opisina ng dalawang senador nitong Miyerkules, May 29, 2024, sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.
Nagbigay ng tulong ang programa sa mga biktima ng kalamidad, sektor ng kababaihan, at mga barangay volunteer.
Naisakatuparan ang pamamahagi sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at sa koordinasyon ng lokal na pamahalaan ng Calumpit, Bulacan. Kasama sa mga nagbigay ng suporta sa programa sina former Representative Jose Antonio "Kuya" Sy-Alvarado at ang kanyang ina na si former Representative Victoria Sy-Alvarado.
"Tunay po kayong nagmamahal sa aming lalawigan. Kayo po ang susi sa kaunlaran nito at ng bansang Pilipinas," wika ni former Rep. Victoria.
"Pinaligaya po ninyo kami dahil lagi ninyo kaming nakikita lalo na sa mga sandali ng krisis at kahirapan," dagdag pa niya.
Karagdagan lamang ito sa mga pagsisikap ng mga Cayetano sa Bulacan, kung saan sila ay namahagi ng tulong sa mga biktima ng baha dulot ng Bagyong Egay noong nakaraang taon.
Nakatakdang dalhin ng magkapatid na senador ang kanilang social welfare program ngayong linggo sa iba pang pangunahing lugar sa Luzon, kabilang ang Laguna, Marikina, at Pasig, upang magbigay suporta sa mas maraming Pilipino, lalo na sa mga humaharap sa krisis.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
