There were 398 press releases posted in the last 24 hours and 404,383 in the last 365 days.

Gatchalian presses need for qualified principals in all public schools

PHILIPPINES, November 14 - Press Release
November 14, 2024

Gatchalian presses need for qualified principals in all public schools

Following a Department of Education (DepEd) report that more than half of public schools lack qualified principals, Senator Win Gatchalian pressed the urgency of updating existing policies to address the gap.

Data presented during a hearing of the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) revealed that only 20,718 of 45,918 public schools nationwide have filled principal positions. The remaining 24,480 only have Teachers-In-Charge who often need more training and support.

Based on 1997 staffing parameters, principals are assigned to elementary schools with nine teachers and secondary schools with six teachers. According to Undersecretary Wilfredo Cabral, the DepEd is already finalizing the new standards with the help of EDCOM to ensure that each public school has a principal.

"Malaki ang papel na ginagampanan ng mga mahuhusay na punong-guro upang paghusayin ang performance ng ating mga guro at mga mag-aaral. Mahalagang matugunan natin ang kakulangan ng mga punong-guro sa ating mga paaralan, lalo na't makakaapekto ito sa pagsisikap nating iangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa," said Gatchalian, EDCOM II Co-Chairperson and Chairperson of the Senate Committee on Basic Education.

Gatchalian also called on the National Educators Academy of the Philippines, DepEd's professional development arm, to support principals with training programs, which will help them perform their duties more effectively.

The lawmaker also raised the need to revisit a 1999 rotation policy, which requires principals to be transferred to other schools after three to five years. Citing experiences from public schools in Valenzuela, Gatchalian said that science schools, for example, need math- and science-oriented principlas.


Pagkakaroon ng punong-guro sa lahat ng mga pampublikong paaralan pinatitiyak ni Gatchalian

Binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga pampublikong paaralan, bagay na makakamit kung babaguhin ang mga lumang polisiyang nananatili sa Department of Education (DepEd).

Mahigit kalahati ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang walang punong guro. Sa isang pandinig pinamunuan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), iniulat ng DepEd na 20,718 lamang sa 45,918 na mga pampublikong paaralan sa bansa ang may napunang principal positions. Para sa natitirang 24,480 na mga paaralan, Teachers-In-Charge lamang na madalas nangangailangan ng karagdagang training at suporta ang nakatalaga.

Batay sa staffing parameters na mula pa noong 1997, mga punong-guro ang nakatalaga sa mga elementary schools na may siyam na guro at sa mga secondary schools na may anim na mga guro. Ayon kay Undersecretary Wilfredo Cabral, isinasapinal na ng DepEd ang mga bagong pamantayan sa tulong ng EDCOM upang matiyak na may punong-guro sa bawat pampublikong paaralan.

"Malaki ang papel na ginagampanan ng mga mahuhusay na punong-guro upang paghusayin ang performance ng ating mga guro at mga mag-aaral. Mahalagang matugunan natin ang kakulangan ng mga punong-guro sa ating mga paaralan, lalo na't makakaapekto ito sa pagsisikap nating iangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa," ani Gatchalian, EDCOM II Co-Chairperson at Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Hinimok din ni Gatchalian ang National Educators Academy of the Philippines, ang professional development arm ng DepEd, na suportahan ang mga punong-guro sa pamamagitan ng mga training programs upang maging mas epektibo sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Dagdag pa ng senador, kailangang repasuhin na rin ang isang polisiya noong 1992 kung saan mandato sa mga punong-guro na lumipat sa ibang paaralan matapos ang tatlo hanggang limang taon. Pinaliwanag ni Gatchalian na batay sa karanasan ng mga pampublikong paaralan sa Valenzuela, may mga science schools na kailangan ng mga punong-guro na may kasanayan sa math at science. Aniya, kailangang tugunan ng bagong polisiya ang tiyak na pangangailangan ng mga paaralan.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.