SIRM: Hindi sakuna ang papatay sa 'tin, kundi kawalan ng aksyon
October 28, 2024
SIRM: Hindi sakuna ang papatay sa 'tin, kundi kawalan ng aksyon
Bilang tugon sa mga sakuna tulad ng Bagyong Kristine, inihain ni Marcos ang Senate Bill No. 186, na naglalayong lumikha ng National Resiliency and Disaster Management Authority. Ang nasabing ahensya ay tututok sa paghahanda, pagbibigay ng maagang babala, pagtugon, at pagbangon ng mga komunidad matapos ang kalamidad.
"Kung mayroon tayong sentralisadong awtoridad para sa disaster management, agad nating matutukoy ang mga pinakamahinang lugar at makapaghahanda tayo nang maayos laban sa mga kalamidad," ani Senadora Marcos, na nanawagan para sa isang ahensyang tututok sa pamamahala ng mga sakuna.
Binigyang-diin ni Marcos ang kawalan ng maayos na paghahanda at koordinasyon sa mga lugar na madalas tamaan ng sakuna, tulad ng Bicol. "Ang Bicol ay nakaharap 'yan sa Karagatang Pasipiko, may aktibong bulkan, at nakakaranas ng maraming banta ng kalamidad. Bakit walang naitatag na synchronized national response?" tanong ng senadora.
Idinaing ng mga nasalanta ng Bagyong Kristine ang kawalan ng kuryente at sapat na genset sa kanilang lugar, pati na ang kakulangan ng mga lifeboat na nagdudulot ng pagkaantala sa pamimigay ng malinis na tubig at pagkain.
Ayon sa ulat, mahigit 4.2 milyong katao ang naapektuhan, at halos kalahating milyong Pilipino ang nawalan ng tirahan, karamihan sa kanila ay nasa mga evacuation center.
Binanggit ni Marcos na ang pagbuo ng isang sentralisadong ahensya ay makatutulong para mas mabilis at maayos na matugunan ang mga sakuna. "Kung hindi pa kaya ng budget na magtayo ng malaking department, magsimula muna tayo sa isang ahensyang may sariling pondo, tauhan, at awtoridad. Ang mahalaga, ngayon na!" sabi ni Marcos.
SIRM: Disasters won't finish us off, inaction will
In response to disasters like Typhoon Kristine, Marcos filed Senate Bill No. 186, which aims to create the National Resiliency and Disaster Management Authority. The said agency will focus on preparing, giving warnings, responding to and helping communities after calamities.
"If we have a centralized authority for disaster management, we would be able to identify the most vulnerable zones and prepare properly against disasters," Senator Marcos said, calling for an agency that focuses on leading anything disaster-related.
Marcos emphasized the lack of preparedness and coordination among provinces frequently affected by calamities, particularly in Bicol. "Bicol faces the Pacific, has an active volcano, and is subject to numerous accompanying threats, why hasn't a synchronized national response been established?" the senator questioned.
The victims of Typhoon Kristine complained about the power outage, inadequate genset in their area, as well as lifeboats, which causes the delay in delivering water and food supply.
Based on the report, more than 4.2 million individuals were affected, and almost half a million Filipinos were displaced, most of whom went to evacuation centers.
She stressed that creating a centralized authority would streamline disaster response, ensuring more effective delivery of aid and safeguarding livelihoods. "If the budget can't support a full-scale department yet, let's start with a single agency that has its own funding, personnel, and authority. The important thing is, we need it now!" Marcos urged.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
