Sen. Robin Pushes Equal Access for Muslims, IPs in Public Cemeteries
September 3, 2024
Sen. Robin Pushes Equal Access for Muslims, IPs in Public Cemeteries
Video: https://www.youtube.com/watch?v=PT2J3GhpN-Y
Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla on Tuesday pushed anew for equal access of Filipino Muslims and Indigenous Peoples (IPs) for burial in public cemeteries.
Padilla, who chairs the Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs, lamented that Muslims and IPs still encounter problems in looking for burial grounds for their departed loved ones.
"Subalit, isa sa malungkot pong katotohanan, ay ang dinaranas ng mga Muslim medyo hirap talaga sa paghahanap ng espasyo upang agarang mailibing ang namayapa nilang mahal sa buhay. Nakakaranas din po madalas ng diskriminasyon ang ating mga kapatid sa mga pampublikong mga sementeryo (One sad truth is that our Muslims have difficulties looking for grounds where they can bury their loved ones in accordance with their customs. Also, in many cases, our brethren experience discrimination in public cemeteries)," he said in his sponsorship speech for Committee Report 312, for Senate Bill No. 1273 that he filed in 2022.
Padilla noted many burial customs in the Philippines, such as those of Muslims, follow the Sunna - where the deceased's remains are to be buried facing Qibla or the direction Muslims face when praying.
He added that under Shari'a (Islamic Law), burial must be done soonest.
Padilla said it is infuriating to learn of recent incidents such as the displacement of 100 remains in a Muslim cemetery in Quezon City and Montalban due to the activities of a nearby quarrying company.
He added many IPs face challenges in following their burial traditions especially in Metro Manila and other parts of the country, since the remains must be transported to their home provinces.
Padilla noted Senate Bill 1273 complies with Sec. 5 Art. 3 of the Constitution, which allows the free expression of religion and worship. He added Sec. 22, Art. 2 of the Charter recognizes the right of cultural communities for national unity and progress.
"Ayon po sa nilalaman ng ating panukala, ang mga pampublikong sementeryo ay dapat maglaan ng bahagi ng mga libingan para sa mga Muslim na Pilipino, Katutubo, at iba pang mga denominasyon batay sa kani-kanilang mga kaugalian, paniniwala, at tradisyon (Under our proposed measure, public cemeteries must reserve spaces for Muslims and IPs and other denominations, with consideration for their customs)," said Padilla.
If there is a lack of space in public cemeteries, the proposed measure allows the partnering of local governments of adjacent towns or cities.
The bill likewise proposes a Public Cemetery Board in highly urbanized cities, independent component cities, and provinces.
Management of public cemeteries, including permits for burial, will be up to the LGUs where the public cemeteries are located.
The bill likewise provides for funding from LGUs' portions of national taxes and other local revenues; and funding support from the national government, as well as Government-Owned and Controlled Corporations.
"Sa huli't huli: ang amin pong salmo, nawa ay mabigyan ng pagkakataon ng mga miyembro ng lupon na ito upang maging ganap na batas ang panukala ng pantay pantay na access sa ating mga pampublikong sementeryo (In the end, our prayer is that the Senate would pass this measure to give equal access to our public cemeteries)," said Padilla.
Sen. Robin, Itinulak ang Pantay na Karapatan ng Muslim at IPs sa Pampublikong Libingan
Video: https://www.youtube.com/watch?v=PT2J3GhpN-Y
Itinulak ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Martes ang pagbigay ng pantay na karapatan ng mga Muslim at indigenous peoples (IPs) sa mga pampublikong libingan.
Ani Padilla, na tagapangulo ng Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs, nakalulungkot ang dinaranas ng mga Muslim sa paghanap ng espasyo para mailibing ang namayapang mahal sa buhay.
"Subalit, isa sa malungkot pong katotohanan, ay ang dinaranas ng mga Muslim medyo hirap talaga sa paghahanap ng espasyo upang agarang mailibing ang namayapa nilang mahal sa buhay. Nakakaranas din po madalas ng diskriminasyon ang ating mga kapatid sa mga pampublikong mga sementeryo," aniya sa kanyang sponsorship speech para sa Committee Report 312 para sa Senate Bill No. 1273 na kanyang inihain.
Paliwanag ni Padilla, marami ang mga gawi ng paglilibing sa Pilipinas - tulad ng mga Muslim, na sumusunod sa Sunna - na nangangahulugang ang labi ng yumao ay ilalagay sa libingan na nakaharap sa Qibla o sa direksiyon kung saan ang mga Muslim po ay hummaharap sa aming pagdarasal.
Bukod pa rito, ayon sa Shari'a (Islamic Law), ang paglilibing ay dapat agarang maisagawa mula sa pagkamatay ng yumao.
Ani Padilla, nakakagalit ang sinapit ng mga labi na nakalibing sa Muslim cemetery sa bahagi ng Quezon City at Montalban kung saan tinatayang 100 labi ang tinamaan at nahukay ng katabing quarrying company.
Gayundin, marami sa mga IPs ang nakakaranas din ng mga hamon sa karampatang pagganap sa kanilang tradisyon para sa mga yumao. Isa sa mga hamon ay kung namumuhay na sila dito sa kaMaynilaan o ibang bahagi ng bansa, sapagkat nangangailangan pang i-transport ang mga labi sa kanilang mga probinsya - na may pinansyal na pangangailangan.
Giit ni Padilla, ang Senate Bill 1273 ay alinsunod sa Sek. 5 Art. 3 ng Saligang Batas na nagsasabing dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa nang paghahayag ng relihiyon at pagsamba nang walang pagtatanggi o pamimilit.
Bukod pa rito, ayon sa Sek. 22, Art. 2 ng Saligang Batas, kinikilala at itinataguyod ng Estado ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sa loob ng balangkas ng pambansang pagkakaisa at pag-unlad.
"Ayon po sa nilalaman ng ating panukala, ang mga pampublikong sementeryo ay dapat maglaan ng bahagi ng mga libingan para sa mga Muslim na Pilipino, Katutubo, at iba pang mga denominasyon batay sa kani-kanilang mga kaugalian, paniniwala, at tradisyon," ani Padilla.
Kung may kakulangan sa espasyo sa mga pampublikong sementeryo, may probisyon sa panukalang batas upang hindi naman mahirapan ang ating mga lokal na pamahalaan - kasama ang pakikipag-partner ng mga lokal na pamahalaan sa mga karatig na bayan o siyudad.
Iminumungkahi din ang pagbuo ng Public Cemetery Board sa mga highly urbanized cities, independent component cities, at mga probinsya upang magpasya ng paghahati ng mga pampublikong sementeryo sa loob ng kani-kanilang hurisdiksyon ng teritoryo.
Ang pamamahala at pangangasiwa ng operasyon naman po ng ng mga pampublikong sementeryo, kabilang ang kinakailangan ng permiso sa paglilibing, ang karaniwang mga kinakailangan para sa mga libingan, at ang ay pamamaraan para sa interment at paglilipat ng mga labi, ay iaatas sa mga LGUs kung saan matatagpuan ang pampublikong sementeryo.
Iminumungkahi din na manggaling ang pagpondo sa batas sa bahagi ng LGU sa pambansang buwis at iba pang local revenues at funding support mula sa nasyunal na pamahalaan, gayundin po mula sa mga Government-Owned and Controlled Corporations.
"Sa huli't huli: ang amin pong salmo, nawa ay mabigyan ng pagkakataon ng mga miyembro ng lupon na ito upang maging ganap na batas ang panukala ng pantay pantay na access sa ating mga pampublikong sementeryo," giit ni Padilla.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
