Sen. Robin Pushes Nov. 7 as Working Holiday to Commemorate Start of Islam in the Philippines
August 21, 2024
Sen. Robin Pushes Nov. 7 as Working Holiday to Commemorate Start of Islam in the Philippines
Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla on Wednesday pushed for declaring Nov. 7 of every year Sheikh Karimul Makhdum Day - a working holiday - to commemorate the establishment of Islam in the Philippines.
In his sponsorship speech for Committee Report 238 of the Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs, Padilla pointed out Nov. 7 marks the date of the establishment of the first mosque in the country.
"Hindi po natin maikakaila ang makabuluhang kontribusyon ng ating mga ninunong Muslim sa pagpapayaman at pagpapasigla ng kultura at sibilisasyong ng ating minamahal na Inang Bayan - isang bagay na ating kinikilala at ipinagmamalaki sa ating kontemporaryong panahon (We cannot deny the valuable contribution of our Muslim ancestors to the culture and civilization of our Motherland - and this is something we take pride in today)," said Padilla, a staunch Muslim and chairman of the Senate committee.
"Nakaukit po sa ating mayamang kasaysayan na bago pa lamang ang pagpasok ng Kristiyanismo hatid ng mga dayuhang Kastila noong 1521, matagal na pong nananahan ang mga Moro at matagal nang lumaganap ang Islam sa iba't-ibang bahagi ng ating kapuluan (It is etched in our history that before the Spaniards brought Christianity to the Philippines in 1521, the Moros have stayed here and spread Islam to our islands)," he added.
Padilla noted the committee report stemmed from the initiative of former Senator and now Department of Education Secretary Juan Edgardo Angara.
Also, Padilla pointed out that under Muslim Mindanao Act No. 17 of 1991 and Executive Order No. 40, Nov. 7 was declared a special public holiday in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
He stressed the need to enhance "national awareness" of Islam and Muslim culture - "at pahalagahan ang kontribusyon ng pananampalatayang Islam bilang bahagi ng ating pagka-Pilipino (and to value the contributions of Islam as part of our Filipino identity)."
He pointed out as well that similar occasions like National Baptist Day and National Bible Day have been declared special working holidays.
"Ang amin pong panalangin: nawa ay mabigyang katuparan ng ika-19 na Kongreso ang ating hinihiling na pagkilala sa ika-7 ng Nobyembre bilang araw ng pagtatatag ng unang mosque at pagpapalaganap ng Islam sa Pilipinas (Our prayer is that the 19th Congress fulfill our wish to make Nov. 7 a day of commemorating the establishment of the first mosque and introduction of Islam in the Philippines)," he said.
Sen. Robin: Nov. 7, Gawing Working Holiday Para Gunitain ang Simula ng Islam sa Pilipinas
Itinulak ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla na gawing working holiday ang Nobyembre 7 ng bawa't taon - o Sheikh Karimul Makhdum Day - upang gunitain ang pagtatatag ng Islam sa Pilipinas.
Sa kanyang sponsorship speech para sa Committee Report 238 ng Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs, ipinunto ni Padilla na ang Nobyembre 7 ang petsa ng pagtatag ng unang mosque sa Pilipinas.
"Hindi po natin maikakaila ang makabuluhang kontribusyon ng ating mga ninunong Muslim sa pagpapayaman at pagpapasigla ng kultura at sibilisasyong ng ating minamahal na Inang Bayan - isang bagay na ating kinikilala at ipinagmamalaki sa ating kontemporaryong panahon," ani Padilla, isang Muslim at tagapangulo ng nasabing komite.
"Nakaukit po sa ating mayamang kasaysayan na bago pa lamang ang pagpasok ng Kristiyanismo hatid ng mga dayuhang Kastila noong 1521, matagal na pong nananahan ang mga Moro at matagal nang lumaganap ang Islam sa iba't-ibang bahagi ng ating kapuluan," dagdag niya.
Ani Padilla, ang panukalang ito ay inihain ni dating Senador at ngayo'y Department of Education Secretary Juan Edgardo Angara.
Ipinunto rin niya na sa bisa ng Muslim Mindanao Act No. 17 of 1991 at Executive Order No. 40, idineklara ang ika-7 ng Nobyembre bilang special public holiday sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Bagkus, nais niya na palakasin ang "national awareness" sa Islam at kultura ng Muslim - at "pahalagahan ang kontribusyon ng pananampalatayang Islam bilang bahagi ng ating pagka-Pilipino."
Dagdag ni Padilla, ito ay katulad ng ibang pagkilala na iginawad natin sa mga araw tulad ng National Baptist Day, National Bible Day, at iba pa bilang special working holidays.
"Ang amin pong panalangin: nawa ay mabigyang katuparan ng ika-19 na Kongreso ang ating hinihiling na pagkilala sa ika-7 ng Nobyembre bilang araw ng pagtatatag ng unang mosque at pagpapalaganap ng Islam sa Pilipinas," aniya.
****
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
