There were 170 press releases posted in the last 24 hours and 404,158 in the last 365 days.

Senator Bong Go's sponsorship speech on para-athlete incentives bill

PHILIPPINES, August 20 - Press Release
August 19, 2024

SENATOR BONG GO'S SPONSORSHIP SPEECH ON PARA-ATHLETE INCENTIVES BILL

Mr. President and esteemed colleagues, I rise today to sponsor Senate Bill No. 2789 amending Section 8 of Republic act 10699, otherwise known as the National Athletes and Coaches Benefits Incentives Act.

Mr. President, Republic Act No. 10699 was enacted to expand the coverage of incentives granted to national athletes and coaches. This is to recognize their contribution in Philippine sports and for bringing pride and honor to the country. The law, however, seemingly provided disproportionate incentives for those competing in para sport competitions compared to other international competitions.

This proposed measure aims to provide our athletes with disability to be recognized on equal footing as other national athletes by ensuring that they receive fair and just incentives for their achievements. This amendment will further promote inclusivity and equality in the Philippine sports sector.

Mr. President, ang atin pong mga para athletes ay katulad din po ng ating mga normal na atleta. Sila po ay nag-aalay ng pagod at hirap sa mga training para lang mabigyan ng dangal at honor ang ating bansa sa mga kumpetisyon na lalahukan nila. Hindi dahil mayroong kakulangan sa kanila, ibig sabihin na dapat kalahati nalang din po ang kanilang matatangap kung ikukumpara po sa ating mga ordinaryong atleta. Dapat po ay taasan ito. Hindi naman po nila kasalanan na ang iba sa kanila ay ipinanganak na merong kapansanan.

Kawawa naman ang ating mga para athletes. Pinaghirapan din po nila ang ginto, pinaghirapan din po nila ang bawat laban, pinagpawisan din po nila. Pareho naman 'yung ginto, silver, and, bronze na napanalunan nila. Karangalan po 'yon para sa ating bayan. Kaya nararapat lang po na ma-increase ang kanilang incentives na matatanggap mula sa gobyerno. Ano ba naman ito kumpara po sa kanilang hirap at karangalan na dala-dala para sa ating bayan? Huwag po natin sila ituring na parang iba.

Tulad po ng karangalan na dala-dala ng ating mga atleta ngayong araw na ito mula sa Paris Olympics, yung mga napanalunan na ginto, silver, at bronze ay tagumay na po ng bawat isa sa atin.

Bigyan natin sila ng tamang pagpapahalaga na nararapat sa kanilang mga tagumpay. Ito ay para rin magsilbing kanilang inspirasyon at motivation na magpatuloy sa kanilang pagbibigay karangalan sa bansa.

The provision of incentives will also inspire future generations to embrace para sports and pursue their athletic dreams, encouraging young individuals with disabilities to participate in sports, fostering a culture of inclusivity and empowerment. This will ultimately lead to a more diverse and enriched sports community that celebrates the achievements of all athletes, regardless of their abilities.

As Chairman of the Committee on Sports, it is incumbent upon the government to show our gratitude by providing them the recognition they truly deserve. Sa katunayan, Mr. President, bago po magtungo ang ating mga Olympians, and just recently naman po sila tumungo sa Paris, and just recently po para sa Para Olympics, para sa ating para-athletes ay nabigyan po sila ng tulong na mula sa PSC na ating isinulong din po. Suportahan po natin ang ating mga atleta at ating mga para-athletes.

Mr. President, sabi ko nga, hindi naman mababayaran o kayang bayaran ng kahit anuman ang dangal, karangalan, at honor na naibibigay ng ating mga Pilipinong atleta, this bill is just a way to pay it forward and give back to our Filipino athletes.

Ito po ay pagpapakita ng pasasalamat ng gobyerno at ng buong bansa sa ating mga minamahal na atleta.

As the 2024 Paris Paralympic Games commences, malapit na po, andun na sila ngayon at nagti-training na, naghahanda na po, patuloy po nating ipagdasal at suportahan ang ating ibang mga atleta na lalahok pa sa iba't ibang mga kumpetisyon. Hindi pa po dito natatapos ang paghahakot natin ng medalya. Posible rin pong manalo rin po ang ating para-athletes. Let us show that we are always rallying behind our athletes at ipakita natin na tayo ay always full support para sa kanila.

With that, Mr. President, I am seeking the support of our colleagues for the approval of this measure.

Thank you, Mr. President.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.