There were 249 press releases posted in the last 24 hours and 404,194 in the last 365 days.

Gatchalian opposes toll rate hike; urges TRB to protect consumers

PHILIPPINES, August 7 - Press Release
August 7, 2024

Gatchalian opposes toll rate hike; urges TRB to protect consumers

Senator Win Gatchalian expressed his opposition to any planned toll rate hike on the country's major toll roads and urged the Toll Regulatory Board (TRB) to consider the welfare of consumers.

According to Gatchalian, the TRB should first ensure a seamless experience for toll road users before giving its nod to any application by toll operators for a rate hike.

He criticized the TRB for allowing toll rate hikes despite operators failing to comply with the minimum performance standards and specifications (MPSS) adopted by the board. He pointed out that, among the 17 key performance indicators (KPIs) included in the MPSS, only 2 indicators are currently being utilized.

"Gumawa kayo ng performance standards pero hindi ninyo sinusukat ito at pinapayagan pa ring magtaas ng toll rate. I want this key performance index fixed," said Gatchalian.

"Hindi lang one way street yan. Naglalagay nga ng pera ang investors, pero tinitignan ba natin ang serbisyo na ibinabalik nila?" Gatchalian asked TRB Executive Director Alvin Carullo at a recent hearing. Carullo said a possible toll increase may happen this month.

Faulty radio frequency identification (RFID) systems along major toll roads exacerbate vehicular bottlenecks approaching major toll booths. The senator presented videos showing user experiences when entering or exiting defective RFID systems, which contribute to traffic congestion. Such is the common experience of residents of Valenzuela who take the North Luzon Expressway on a daily basis, he said.

"Ang trabaho ng TRB simple lang, protektahan ang mga consumers at ibigay ang magandang travel experience. Pero kahit palpak na ang RFID at natatrafik sa mismong toll, pinapayagan pa rin ng TRB na magtaas ng toll," stressed Gatchalian.

He acknowledged that the government encouraged private sector investment in the country's toll roads. "I support that they should be compensated for their investments and contracts should be honored to encourage them to invest some more. Having said that, we should also be very strict about the services they provide, especially to consumers and the riding public," he concluded.


Gatchalian tutol sa pagtaas ng toll rate; hinimok ang TRB na protektahan ang mga konsyumer

Ipinahayag ni Senador Win Gatchalian ang kanyang pagtutol sa anumang planong pagtaas ng toll rate sa mga pangunahing toll road sa bansa at hinimok ang Toll Regulatory Board (TRB) na isaalang-alang ang kapakanan ng mga mamimili.

Ayon kay Gatchalian, dapat munang tiyakin ng TRB na maayos at kaaya-aya ang karanasan ng publiko sa paggamit ng toll road bago aprubahan ang anumang aplikasyon ng mga toll operator para sa pagtaas ng rate.

Binatikos niya ang TRB sa pagpayag nitong pagtaas ng toll rate sa kabila ng hindi pagtupad ng mga operator sa minimum performance standards and specifications (MPSS) na pinagtibay ng board. Ipinunto niya na, sa 17 key performance indicators (KPIs) na kasama sa MPSS, dalawang indicator lang ang kasalukuyang ginagamit.

"Gumawa kayo ng performance standards pero hindi ninyo sinusukat ito at pinapayagan pa ring magtaas ng toll rate. Kailangang maayos na ang key performance index," ani Gatchalian.

"Hindi lang one way street yan. Naglalagay nga ng pera ang investors, pero tinitignan ba natin ang serbisyo na ibinabalik nila?" tanong ni Gatchalian kay TRB Executive Director Alvin Carullo sa nakaraang pagdinig ng Senado. Sinabi ni Carullo na posibleng mangyari ang pagtaas ng toll rate ngayong buwan.

Ang mga maling sistema ng radio frequency identification (RFID) sa kahabaan ng mga pangunahing toll road ay nagpapalala sa trapiko papalapit sa mga pangunahing toll booth. Sa nakaraang pagdinig, nagpakita ang senador ng mga video ng mga dumadaan ng toll na may depektibong RFID. Ganito ang karaniwang karanasan ng mga residente ng Valenzuela na araw-araw na tinatahak ang North Luzon Expressway, aniya.

"Ang trabaho ng TRB ay simple lang, protektahan ang mga consumers at ibigay ang magandang travel experience. Pero kahit palpak na ang RFID at natatrafik sa mismong toll, pinapayagan pa rin ng TRB na magtaas ng toll," diin ni Gatchalian.

Aniya, hinikayat nga ng gobyerno ang pamumuhunan ng pribadong sektor sa mga toll road sa bansa pero dapat ayusin din ang serbisyo. "Sinusuportahan ko na dapat silang mabayaran para sa kanilang mga pamumuhunan at dapat na igalang ang mga kontrata upang hikayatin silang mamuhunan pa. Sa kabilang banda, kailangan din nating maging istrikto sa mga serbisyo na dapat na ibinibigay nila sa publiko," pagtatapos niya.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.