Cayetanos and DSWD team up to bring aid in Negros Occidental
July 18, 2024
Cayetanos and DSWD team up to bring aid in Negros Occidental
In their continued commitment to bring aid to more residents of Negros Occidental, the teams of Senators Alan Peter and Pia Cayetano revisited the province on July 13, 2024 to reach out to 600 Negrenses in need of assistance in San Carlos City.
In collaboration with the Department of Social Welfare and Development (DSWD), the Cayetanos provided aid to health workers, sports coaches, and traffic enforcers of San Carlos City under the department's Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
This initiative recognized their critical roles in maintaining public health, sports development, and road safety in their community.
One of the beneficiaries, Barangay Health Worker (BHW) Ana Liza Navilla, said the timely assistance she received from the senators will help meet her family's needs, especially for her children's school supplies as the school year is about to start.
"Malaking tulong po sa amin ito. Magagamit ko po ito para makabili ng school supplies ng mga anak ko dahil malapit na ang pasukan," she said.
The disbursement of assistance was successful through the help of San Carlos City Mayor Renato "Rene" Gustilo, who also expressed his gratitude to the senators for their support of San Carlos City beneficiaries.
"Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyo sa inyong mga programa at sa tulong na ibinibigay ninyo sa amin," he said.
In May and June, the Cayetanos' teams were busy visiting marginalized communities in the Negros Region, assisting thousands of residents.
These initiatives are part of the Cayetanos' ongoing efforts to support communities in need across the country. They closely collaborate with government agencies and local units to ensure that Filipinos in need receive the necessary assistance.
Mga Cayetano at DSWD, nagtulungan para magdala ng tulong sa Negros Occidental
Sa kanilang patuloy na pagdadala ng tulong sa mas maraming residente ng Negros Occidental, muling binisita ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang lalawigan noong July 13, 2024 upang alalayan ang 600 Negrense sa San Carlos City.
Sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagpaabot ng tulong ang mga Cayetano sa mga health workers, sports coaches, at traffic enforcers ng San Carlos City sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng kagawaran.
Kinilala ng inisyatibong ito ang kanilang mga mahalagang tungkulin sa pagpapanatili ng public health, sports development, at road safety sa kanilang komunidad.
Isa sa mga benepisyaryo ay si Ana Liza Navillai, isang Barangay Health Worker (BHW), na sinabing ang napapanahong tulong na ito ay makakatulong sa pangangailangan ng kanyang pamilya lalo na sa mga school supplies ng kanyang mga anak para sa nalalapit na pagsisimula ng pasukan.
"Malaking tulong po sa amin ito. Magagamit ko po ito para makabili ng school supplies ng mga anak ko dahil malapit na ang pasukan," wika niya.
Naging matagumpay ang aktibidad na ito sa tulong ni San Carlos City Mayor Renato "Rene" Gustilo, na nagpahayag din ng pasasalamat sa mga senador sa kanilang suporta sa mga residente ng lugar.
"Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyo sa inyong mga programa at sa tulong na ibinibigay ninyo sa amin," wika niya.
Magmula noong May at June, naging abala na ang mga tanggapan ng mga Cayetano sa pagbisita sa mga marginalized communities sa Negros Region, kung saan nagpaabot sila na ng tulong sa libu-libong residente.
Ang mga hakbangin na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng mga Cayetano na suportahan ang mga komunidad na nangangailangan sa buong bansa.
Sila ay nakikipagtulungan sa iba't ibang ahensya ng gobyerno at local units upang matiyak na ang mga Pilipinong nangangailangan ay makakatanggap ng kinakailangang tulong.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
