There were 1,448 press releases posted in the last 24 hours and 405,889 in the last 365 days.

Transcript of Kapihan sa Senado with Senator Risa Hontiveros

PHILIPPINES, June 5 - Press Release
June 5, 2024

TRANSCRIPT OF KAPIHAN SA SENADO WITH SENATOR RISA HONTIVEROS
June 5, 2024

Q: So ma'am, kumusta yung executive session? Sino yung mga dumalo at ano yung mga information na maaaring yung i-share sa publiko?

SRH:

Siyempre in principle, confidential yung pinakalaman nung binabahagi ng mga agencies natin sa isang executive session.

Kasama po doon yung National Security Council, yung Intelligence Service Armed Forces of the Philippines, yung Anti-Money Laundering Council at marami-rami pang iba. Pati po yung Inter-agency Council Against Trafficking na matagal nang kasama ng Senate Committee on Women sa aming imbestigasyon laban sa POGO, sa mga issue niya ng prostitution, illegal recruitment and detention, yung matagal na Pastillas scam. At ngayon yung tumatagal at lumalawak na usapin ng human trafficking, cyber-scamming, money laundering at mga aspeto din ng national security.

So mailalarawan ko lang kung ano yung mga paksa na natalakay. Halimbawa, nung patapos na yung kabuang executive session, isang panawagan sa national security council na iangat na kay presidente itong usapin ng POGO, yung Philippine Offshore Gaming Operations, POGO bilang national security threat.

Yung isang naging paksa din sa isang exclusive na unang bahagi ng executive session, ay yung isinasagawang link analysis ng ISAFP tungkol sa POGO at iba't ibang mga sentro ng kapangyarihan o yaman dito sa ating bayan.

Isang naging paksa din ay yung itinanong namin na illegal revenue flows ng POGO. So ito, paksa na pinakarelevant sa AMLC. Lalo na patungkol sa meron bang at anong klaseng ganitong mga illegal revenue flows sa pagitan na nina Mayor Alice Guo, yung POGO hub niya sa Bamban at iba pang aktor. So sumaklaw yung buong umagang, tumawid pa nga sa hapong ito na executive session, sa ganito at iba pang mga paksa.

Q: So doon sa sabi, akyat na sa office of the president yung parang national security threat, yun po yung napagkasundoan namin?

SRH: Yun yung isang ipinanawagan, o suggestion siya noong executive session, kineri ko po talaga bilang chair na tulad nung ipinanawagan ko na ilang beses kay presidente na iban na ang POGO, patigilin na ito, palabasin, paalisin na sila sa ating bayan, na-raise din yung ganyang panawagan sa executive session at nasabi po namin directly sa NSC. Bilang sila yung Council o body sa loob ng gobyerno natin na pinaka-concern sa usaping national security.

Q: Ma'am, the mere fact na hindi nyo nga pwedeng ibulgar dahil executive session, pero masasabi ba natin na mabibigat yung mga information na naishare sa inyo nung ilang mga government agencies?

SRH: Mabibigat ang concern ng ating mga government agencies dahil pati sila sinusubaybayan nila, syempre, bukod sila ay resource persons, doon sa imbestigasyon ng Senate Committee on Women, tungkol sa kabuuang madilim na kwento ng POGO sa ating bansa lalo na sa puntong ito na particular iniimbestiga namin yung POGO Hub sa Bamban at yung kinalaman at personahe ni Mayor Alice Guo dyan sa hub na iyan.

Q: At ma'am, doon sa naishare nila ng mga information, na-establish ba yung nationality ni Mayor Guo? At ganyan din, na-establish ba yung connection niya sa POGO at sa ilang mga criminal activities?

SRH: Walang nakabawas o nakabura doon sa namumuo talagang opinion ng komite na siguradong may kinalaman siya sa POGO Hub dyan sa Bamban. Doon pa lang sa documentary evidence, tapos syempre, yung ilang mga inputs mula sa mga resource persons.

Wala ring mas matibay na ebidensya na siya nga ay Filipino citizen. So nananatili talaga at lalo lamang naging solido yung mga tanong kung siya ba ay citizen o national ng ibang bansa at hindi ng atin.

Q: So what will happen next, ma'am, after nitong executive session? Ano yung susunod na baging hakbang ng Committee on Women?

SRH: Kailangan pa namin magkaroon ng at least isa or ilan pang briefing. Particular halimbawa, mula sa AMLC, tungkol nga dyan sa issue ng illegal revenue streams. At pagkatapos nun, ay pwede kaming magtakda ulit ng pagdinig na even sharper, even more focused than we have been so far tungkol sa mga isyong lumabas, tungkol sa POGO in general, at in particular, tungkol sa POGO Hub sa Bamban, in particular, kay Mayor Alice Go. At lalong-lalo na, dun sa lumilitaw na aspeto ng money laundering dito at sa ibang bansa, sa rehiyon, at pati yung mga concerns tungkol nga sa national security.

Q: Ma'am, may nareport po ba sa inyo na mayroong panibagong POGO Hub dyan sa Pampanga ba? Na nirade ng mga authorities, nung PAOCC.

SRH: Yes. Balita nga po namin sa pamamagitan din ninyo sa media, nirade po sa Porac. May naging concerns pa nga kung ito ba ay nasunog. Pero kung ano pa man, nairaos po iyan. At malamang makakarinig na tayo sa kanila soon kung ilan ang kanilang na-rescue na human trafficking victims doon at ano pang ibang mga aspeto o anggulo ng POGO doon ang kanilang iimbestigahan na.

Q: [inaudible]

SRH: Ang panawagan sa... executive session na sinusuportahan ko ay in effect, nasabi ko na rin dati kay Presidente ng ilang ulit na siya na, habang nakapagsalita ng at least minsan ng Senado doon sa committee report ng Senate Committee on Economic Affairs sa ilalim ng kanyang dating chair na si Sen. Sherwin na paalisin na ang mga POGO sa loob ng tatlong buwan habang hindi pa yan na-aksyunan, ang executive naman ay puwede ding umaksyon. Kung si Presidente mismo ay magsabi na paalisin na natin ang POGO sa Pilipinas sa loob ng kung ilang buwan, pwede nang magsimulang mangyari yun eh.

So, ngayon, ang inaasahan ko ay mismo ng National Security Council bilang body sa gobyerno na may pinaka-shop, kumbaga, mandato tungkol sa national security ay sana i-bring up na rin nila ito kay Presidente para, para makapagsalita na sila tungkol sa usapin ng POGO bilang national security threat.

Q: [inaudible]

SRH: May representative din po sila kaya naipahayag po namin sa kanila yung ganyang panawagan.

Q: [inaudible]

SRH: I doubt na hindi pa nila ever napag-usapan nito. In fact, nabalitaan din namin ilang beses sa inyo, sa media na mismo ang National Security Advisor ay nagsalita tungkol sa POGO bilang isang concern nila. So, hopefully, ay dinigin ng NSC yung aming panawagan at dinigin din ni Presidente na pag-aralan ang POGO kung ito ba ay national security threat at kung yan ang mabuo nilang opinyon ay sana umaksyon si Presidente laban sa POGOs.

Q: [inaudible]

SRH: Definitely. Mas nakaka-alarma dahil walang walang reassurance na hindi, hindi ito banta sa ating mga komunidad o hindi ito banta sa ating pambansang seguridad. At ilang taon na itong problema ang mga POGOs mula pa ng panahon ni Duterte ang dami-daming masasamang epektong dinulot napako yung mga pangako nung simula na na-excite ang iba na magdudulot daw ng economic gains. Di naman nangyari yun. Ang laking utang sa buwis tas yun na nga. Ang daming masamang epekto sa ating mga komunidad at posible sa ating bayan. At kung hindi natin ito tutugunan ngayon, decisively, mananatiling at magiging mas malaki pang problema ito sa mga susunod na taon.

Q: Sinasabi kasi ni Mayor Goon na inusente siya at handa niyang linisin yung kanyang pangalan. Pero during the executive session, sa tingin ninyo, mas nadiin itong si Mayor Goon? Mas naging mabibigat yung mga ebidensya against siya at mas mahihirapan siya na sinasabi niyang linisin yung pangalan niya?

SRH: Hindi pa rin mas kumlaro yung identity niya kahit sa executive session. So kung ano yung hirap niya pagkatapos nung nakaraang hearing na sabi niya linisin ang kanyang pangalan, hindi po nabawasan yan. Baka pa nga nadagdagan. Kaya kung gusto sana niyang linisin ang kanyang pangalan, e di dapat mula sa simula naging mas mahusay na resource person siya. At hindi lalong nagdagdag na mga tanong tungkol sa kanyang sarili.

Q: And I heard may sinabit ho siyang letter ngayon sa inyo, ma'am?

SRH: Eh, buti pa kayo na basa niyo na. Natanggap pa lang yata sa opisina ko, hindi ko pa nga nababasa. May excited yata sa kampo niya na iparating sa inyo.

Q: So can we say po na after your executive session, mas may basis po to file criminal and administrative cases against Mayor Alice?

SRH: I'm more confident na talagang magiging mabigat at solido yung mga kasong inihain na at maaring ihain pa ng iba't ibang mga ahensya ng executive ng ating gobyerno. Lumalabas ang katotohanan hindi sa bibig ni Mayor Alice Guo at hindi lamang sa aming puspusang imbestigasyon pati po sa mga parallel investigation ng mga ahensya ng gobyerno.

Q: Ma'am, sabi ni Sen. Sherwin and baka po na-confirm ng office nyo, nakaalis na raw ng bansa yung father ni Mayor Alice, pati si Wen Yi Lin. Paano po ito maapektuhan? Paano nito maapektuhan ang inyong imbestigation?

SRH: Mahalaga at seryoso ang mga research na ginagawa ng bawat Senate office namin. I-establish namin bago matapos yung imbestigasyon kung nandito pa ba yung isang magulang o nasa ibang bansa na ba yung isang magulang? Ano ba yung kalagayan nila? Ano din yung kanilang legal status in terms of yung identity? At yung pag-tupad o paglabag sa mga obligasyon nila sa ating bayan sa ilalim ng ating mga batas ng Pilipinas.

Q: Was Mayor Alice invited po to the executive session? Why not?

SRH: No. Ang executive session ay lamang talaga on request at para sa mga executive agencies natin para maging malaya sila sabihin in executive session yung hindi pa nila kayang sabihin in open hearing.

Q: Ngayong alam na mismo ng mga executive officials ng mga national security officials ng administration itong mga nangyayari sa operasyon ng POGO. Do you think a-action na si PBBM para nga ipagbawal na ipatigil na yung POGO operations sa ating banista? Mayroon ba nag-commit sa mga executive officials? Na yun ang kanilang i-recommend sa presidente?

SRH: Well, syempre hindi naman sila makapagsalita kay presidente. But I really hope aksyonan ito ni presidente. Ano pa ba ang hihintayin nila? Lalo na kung mag-rekomenda ang NSC sa kanila na i-convince sila para diskusyonan ito at posisyonan itong usapin, itong tanong ang POGO ba ay banta sa pambansang siguridad?

Q: My question is about the certain barangay captain in Banban, Tarlac. It was reported that this barangay captain was suspended by Mayor Guo because of his refusal to sell about 500 plus hectares, 54 hectares. And it will be in coordination with this Chinese group? It's ancestral domain. Paano po ang gagawin natin dito? Dahil obviously, sinasabi po doon sa, kasi may resolution pa raw yung kanilang Office of the Mayor and yung sanggunian, parang he was suspended for not abiding. And considering na ancestral domain, gagawin din POGO, ano po ba ang mga move natin para dito? Will it be a point against Mayor Guo? Dahil that's against the Constitution.

SRH: It would be against the Constitution. It would be against the Indigenous Peoples' Rights Act. Hindi pa po namin na pag-aralan yung issue nga, pero narinig ko na nga yung usapin di umano ng land grabbing sa lupang ninuno ng mga katutubong Pilipino. Kung may aspeto pang ang isang barangay captain na IP leader ay sinuspinde ng mayor dahil nanindigan sila sa lupang ninuno nila na may karapatan sila sa ilalim ng IPRA kung imbestigahan at mapatunayan na may ginamit na kapangyarihan ang mayor laban sa isang barangay captain sa ganyang usapin ng sapilitang pagpapabenta ng lupa, hindi yan makakabuti kay Mayor Alice Guo.

Q: Hi, ma'am. Good afternoon po. Ma'am, meron po kayong natanggap na information na allegedly the father of Mayor Alice Guo ay connected daw po sa Chinese Communist Party dahil meron pong mga posts sa social media, but did you receive any actual report on this po?

SRH: Namo-monitor din namin yung mga posts sa social media ng ating mga netizens at ng ilang siguro mga nag-research din tungkol diyan. At bahagi yan ng mga tanong kung bakit pinapa-raise ko sana kay Presidente sa pamamagitan ng NSC yang aspeto ng POGO ba ay banta sa ating pambansang seguridad. Ang POGO ba ay hindi lamang konektado sa mga international crime syndicates? Pero siya rin ba ay konektado sa ganitong mga international crime syndicates dahil ginagamit ng ibang bansa laban sa pambansang interes ng Pilipinas? So, importanteng tanong pa rin yan.

Q: Tapos ma'am, pinapaimbita po natin si Nancy Gamo and then last week po, meron siyang mga radio interviews sinasabi niya na willing naman daw siya humarap. Nagparating na po ba siya sa committee na a-attend po siya sa susunod na hearing?

SRH: Hindi pa naman, pero kung haharap siya sa komitee namin, pagkandaan niyang sagutin dahil may documentary evidence kami na bukod dun sa siya, ang naglakad ng mga papel ng mga naunang negosyo ni Alice Guo, ay siya rin ang nag-ayos ng mga papeles para maka-operate ang Zun Yuan sa Bamban, nung mga taon na mayor na si Mayor Alice Guo.

Napakinggan ko yung at least isa sa mga interview nila, dami niyang alam tungkol kay Mayor Alice Guo. Eh, maalala nyo, nung una kong tinanong kay Mayor Alice Guo, ang Nancy Gamo, ang unang-unang sagot niya ay hindi ko alam.

Q: What does that tell you, ma'am, na si Nancy Gamo nga po sinasabi niya over a decade niya nang kilala si Mayor Guo at parang personal na kilala and then Mayor Guo was denying knowing her, dun pong umpisa?

SRH: So, ibig sabihin, nagsinungaling na naman si Mayor Alice Guo tungkol kay Nancy Gamo.

Q: Last ma'am, ano po kaya motivation bakit po kailangan magsinungaling on the identity of Miss Nancy Gamo?

SRH: Siguro, kailangan magsinungaling kung may kailangang itago. So, kung ang pinaka iniimbestiga namin kay Mayor Alice Guo ay yung kanyang link sa Zun Yuan, baka ayaw din niyang i-confirm ang pagkakilala niya sa kahit sino pang ibang tao na may documentary evidence na kami may link din sa Zun Yuan.

Q: Ma'am, si Senator Jinggoy po, ini-insist na allegedly, meron daw partner si Mayor Guo na parang allegedly involved din daw sa POGO. Do you intend na invite din po ba yung sinasabing partner daw ni Mayor Guo?

SRH: Sa ngayon, hindi po. Inaalam lang namin yung personal life ni Mayor Alice Guo sa pagkakonekta niyan sa kanyang legal identity at sa legal personality para gawin o di dapat gawin yung ibang mga official acts niya.

Kung yung taong tinutukoy ay may kinalaman sa POGO, sa ibang bahagi ng bansa, posibleng at sometime in the future, maimbestiga yun kapag merong tulad sa amin ngayon, may tumakas na biktima at nalaman po namin yun. Or kapag magfa-fact find sa POGO sa buong bansa, halimbawa kung tatalakayin ito ng NSC. Pero sa ngayon, wala pong balak pa ang kumite imbitahin yung taong iyon.

Q: Balikan ko lang po yung sa SALN. Kasi diba during the last hearing before, she presented two. June 30 and then July 1 and then you questioned, bakit biglang bumaba? So tanong ko lang po, is your office looking into this? Kasi may precedent before. During the Corona impeachment trial before, yung sa Senate din, merong at least six public servant na na-dismiss because of minor infractions sa kanilang SALN. So is this another ground for disqualification for the mayor?

SRH: Sa ngayon, if it will lead to that, then pang-reinforce siya dun sa ibang mga procedure, halimbawa sa COMELEC or sa Ombudsman, yung isa na posibleng matanggal sa posisyon.

Pero just as surprisingly contradictory documents, yung pagtanggal ng mga pitong real assets as land properties mula dun sa unang SALN of 2022, papunta dun sa pangalawang SALN of 2022, one day apart lang. Yung pagtanggal sa mga business interests dun sa pangalawang isinumiting 2022 SALN, talagang pwedeng lumabas na paglabag dun sa obligasyon naming lahat ng mga nagtatrabaho sa gobyerno na magbigay ng kompleto at totoong Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth.

Q: Ma'am, si dating, si retired Brigadier General Gerry Samudio, may pinadala po siyang mga information sa parang sa tingin niya, warrants a Senate inquiry. Galing daw ho ito sa isang dating Deputy Director General ng National Security Council. Ito po yung mga details.

Kaugnay po ito ng sabi niya, ay significant presence and activities ng mga Chinese doon sa isang island sa Cavite. Nandito po yung ilan, kasi ang haba-haba ng sinabi niya. Approximately 30,000 Chinese nationals reside and work on POGO Island, Cavite, formerly Island Cove Resort. And then all consumables such as beer, snacks, and soft drinks served and sold on the island are China-made and packaged.

There are at least 2,000 Filipino construction workers on the island housed separately. The island employs an airport-style entry system with computerized, colored and numbered passes. A restricted VIP housing block which no Filipinos can access overlooks the Philippine Navy's Sangley Point Naval Base.

At marami pa po siyang ibinigay ng mga information na galing nga daw sa dating Deputy Director General ng National Security Council.

So ang tanong ho niya, given itong mga alarming details, can the Senate initiate a Senate inquiry to investigate the truth of these matters kung ito daw ay totoo?

SRH: Kung matuloy yung pag-aksyon sa rekomendasyon ng Senate Committee on Economic Affairs na pinirmahan kong committee report na i-ban ang POGO sa loob ng tatlong buwan. Kung pagkatapos ma-finalize itong committee report ng Senate Committee on Women at siguradong irerekomenda naming paalisin na ang POGO sa Pilipinas, then kahit aling POGO hub, kahit saang bahagi pa ng bansa, ay kakailanganing paalisin din.

Q: Pero ma'am, may initial info na kayo tungkol nga dito sa Island Cove?

SRH: Yung ganitong mga inputs mula sa social media sa iba't-ibang netizens natin at iba't-ibang mga manunulat.

Q: May mensahe sa inyo, ma'am, na sabi niya an inquiry is crucial for ensuring the sovereignty, security, and well-being of our nation. I trust in your commitment to safeguarding our country and hope that through your efforts, the government can take immediate step to address this concern.

SRH: Maraming salamat kay General Samudio. And if we follow up po talaga namin yung panawagan sa NSC at sa pamamagitan ng NSC, panawagan kay Presidente.

Q: 'Di ba mas interesting yun? Kasi yung Island Cove, malapit na malapit talaga siya sa naval base natin sa Sangley Point. And actually, even before that, may mga ganoong concern na yung pagtatayo ng POGOs doon. Baka, parang smoke screen lang siya to surveil yung naval base natin sa Cavite.

SRH: That's why yung tanong sa NSC at kay Presidente kung ang POGO ba ay banta sa national security. Dahil may ganitong posibleng aspeto sa lahat ng POGO hubs dito sa buong Pilipinas. So, kaya interesante whether that hub or others dahil sa ganong aspeto.

Q: Kung ano lang po yung pwede nyong ma-share, Senator? Kasi yung binabanggit nyo na national security threat. Can you mention even a few instances or issues discussed during the executive session na pwedeng i-share sa public? Bakit nyo nasabing national security threat na yung POGO?

SRH: Nung simula ng executive session, akong nagpaalala sa lahat na executive session ito at subject sa rules ng Senado. Kinaya kong talakayin yung ilang mga paksa na tinalakay namin. Pero sigurado sa pagdating ng susunod na committee hearing, open hearing, public hearing, maise-surface na rin namin yung ibang mga punto na by that point in time, mas na i-finalize na at hindi na subject ng ongoing operation or ongoing investigation.

Q: Ma'am, i-follow up ko lang. In case na inyong imbestigahan itong sinabi ni Retired General Samudio, mahalaga ba na humarap yung former Deputy Director General ng National Security Council? Kasi siya yung nag-share ng information.

SRH: Posible, maimbita sila, but at the very least, yung kasalukuyang NSC ay tatanungin. Dahil sila rin naman ang dapat may institutional memory ng lahat ng mga information or intelligence na mayroon ang Council.

Q: Ma'am, while you mentioned that you have gathered substantial information during the executive session, ano pa po yung ina-expect natin na hahanapin sa mga susunod na hearing po?

SRH: Well, ifa-finalize na lang namin sino-sino pa ba yung mga resource persons na dapat namin imbitahin. Alin pa bang mga anggulo ang dapat talaga namin i-pin down? Merong bang angulo na dapat bitawan na namin? Tapos, so basically yun, further sharpening, further honing yung magiging findings at recommendations namin sa committee report.

Q: May schedule na po ba tayo for the next hearing, whether executive or open?

SRH: Wala pa pong schedule sa susunod na hearing. In between this executive session at yung susunod na hearing na iyon, meron kaming at least isa pang briefing mula sa AMLC tungkol dun sa illegal revenue streams, and then magtatakda po kami ng susunod na hearing.

Q: At present ma'am, ano na yung pieces of legislation that you could sense na pwede nating itulak na nakuha natin doon sa mga previous hearings ng POGO?

SRH: Marami-rami na rin. Starting from pagpapalakas lakas ng implementasyon ng mga batas nating pumoprotekta sa mga kababaihan at mga bata, yung related labor rights na nilalabag sa illegal recruitment and detention, yung maraming lumabas sa aming imbestigasyon sa yung Pastillas Scam, including yung pagpapalakas sa mga immigration-related na batas natin, lalo na't higit na naging high-tech ang human trafficking for one.

Tapos dito, yung oversight doon sa pagpapatupad ng mga batas tungkol sa, hindi lang POGO, kasi gusto namin, gusto ko at ilan sa aming i-ban na talaga yan, pero yung buong business model ng industriya kung saan siya nailagak.

Meron din mga rekomendasyon, yung iba't-ibang agencies na resource persons na pagpapalakas ng iba't-ibang mga batas kung sa ilalim nun na sila'y nago-operate para maging higit silang effective sa pagpapatupad ng kanilang mga mandato. So marami-rami.

Q: Last na po, do you share po yung sinabi ni Senator Jinggoy na even the late registration na policy ng gobyerno dapat ma-revisit kasi parang na-abuse na in this case? Salamat po.

SRH: Pwede siyang i-improve kasi marami naman tayong mga kababayan na nale-late register talaga sa valid naman ng mga kadahilanan. Marami po tayong mga kababayan na nale-late register, nagle-late register na wala naman silang balak gamitin yung registration of live birth nila para sa mga krimen. Lalong wala silang balak gamitin yung kanilang na-late register na live birth nila para labagin yung pambansang interes ng Pilipinas. Nagkaroon lang sila ng valid reason na nahuli.

So siguro tulad nung may bago kaming naipasang batas, di ba, yung Automatic Birth Rectification Act, ay baka pwede ring pag-aralan namin paano i-improve yung ating late registration system para hindi makasangkapan ng mga may masasamang balak tulad mukha dito sa aming kasalukuyang imbestigasyon, pero para din mas mabuting mapaglingkuran yung mga legally naman, legit naman, naghahabol lang talaga ng late registration of live birth. At makatotohanan, at hindi contradictory yung mga impormasyong ibibigay nila para makuha yung registration na yun.

Q: Doon sa executive session, established naman yung national security threat, di po ba?

SRH: Sa tingin ko, na-establish na threat ang POGO sa national security. At kaya hinihiling ko na si Presidente at sa pamamagitan ng NSC, ay pag-usapan na ito. Ang maraming impormasyong ibinibigay sa kanila over the past several years ng iba't-ibang executive agencies. Siguro napapanahon na pumusisyon sila bilang NSC at bilang ang presidente.

Q: Ma'am, na-establish din po ba kung gano'ng kalaki yung sakot nung national threat na yun? O anong level na? Doon sa executive session?

SRH: Yun ang ini-iniimbestiga pa. Pero at the very least, nagpapasalamat ako na yung mga ahensya na dumalo sa executive session ay pinag-aaralan talaga itong anggulo ng POGO kaugnay ng pambansang seguridad. At umaasa ako na pagdating ng susunod na public hearing, mas masasabi na nila and publicly. Ano na yung posisyon nung kanilang department o agency at paano nila aaksyonan ito? And I'm hoping na aaksyonan ito, hindi lamang ng legislature, pero ng executive sa isang coordinated na paraan. Dahil mukhang coordinated din eh, ang aksyon ng mga POGO na ito.

Q: Ma'am, doon ba sa isa sa magiging recommendation nyo ay I-encourage nyo lahat ng senators to sign sa isang resolution na hinihiling nang i-abolish talaga ang POGO?

SRH: Dati nang may majority numbers namin na committee members ng Committee on Economic Affairs sa ilalim nung nakaraang chair niya na si Sen. Sherwin. Dati na

kaming pumirma ng ganyan. So kumbaga minsan nang may sense of the Senate na gano'n. So sana ma-adopt na ito in plenary. At sana, sana dahil kayang gawin ito ng mas mabilis kesa pa sa amin sa Senado, sana umaksyon din si Presidente. Siya na ang mag-desisyon at magsabi, paalisin na yung mga POGO.

Q: Kung si Sen. Jingoy naman doon tatanungin, sabi niya kasi kahapon, he's not totally in favor of banning POGO kasi kung pwede yung mga iligal lang talagang mapapatunayan, tapos kung pwede, more than 50% na magtatrabaho ay Filipino. Tsaka it create more jobs din daw po. So would you consider this o talagang total ban po tayo?

SRH: Total ban pa rin. With all due respect sa SP Pro Temp. Kasi dati nang pangako yung maraming trabaho sa mga Pilipino. Konti lang. At mas marami pa nga sanaging empleyado Pilipino ay naging biktima. Hindi naman empleyado enjoying their full rights as working people. Kahit yung mga iligal na POGO yung nabigyan dati ng Pagcor ng lisensya, more than 200, kalaunan 190 plus ba yun na sinuspinde din ng PagCor, tapos di rin nila masiguro na lahat ay sumunod. Kasi baka at mukha yung iba, tulad nitong dating Hongsheng na naging Zun Yuan na lang, ay nagpatuloy pa rin sa operation. Nagkunwari pa ang Zun Yuan na may provisional license sila na pinasiningwalingan ng Pagcor mismo. So mukhang kahit yung nagsisimulang legit or legal na POGO or POGO na may lisensya nung una, nagmomorph din eh. Nagmumutate na nagiging illegal tapos dumadako talaga sa human trafficking and crypto scamming at nitong huli, lumalabas sa aming imbestigasyon , dumada ko din sa money laundering at naitatanong pa yung angulo ng pambansang seguridad.

Q: Ma'am, only if you can confirm this publicly po. Na-confirm ba, ma'am, sa executive session kung meron ng surveillance and hacking activities dun sa POGO sa Bamban?

SRH: Patuloy pang inaalam po iyon. So bahagi yan ang kabuoang tanong na ang POGO ba ay national security threat? Kaya sana ay posisyonan na ng NSC at aksyon na ni Presidente.

Q: And then, ma'am, sabi niyo kanina napatibay dun sa executive session na may national security concern yung presence ng POGO. Nakuha niyo po ba yung commitment ng NSC that they'll bring it up with the President?

SRH: Para sa akin, tumibay ang basehan na i-raise yung serious concern na yan

ng POGO bilang national security threat. Hindi ako magsasalita para sa NSC dun sa executive session, pero loud and clear yung panawagan silang mag-convene, pag-usapan nito at sana kalaunan aksyon na ni Presidente. So, umaasa ako, sana ay maisagawa nila ito.

Q: And, ma'am, kung ongoing pa yung investigation dun sa hacking and surveillance, ano pa po yung ibang possible basis dun sa yung possibility na ito yung sinasabi niyo nga na national security concern na yung POGO presence?

SRH: Well, kung may connection ba yung mga personaje na kasama ni Mayor Alice Guo sa kanyang pamilya o sa kanyang yung sa Zunyuan mismo, may link ba sila sa mga state actors doon sa China? Yung kanila bang POGO operations ay nagiging cover para sa paglabag sa ating mga batas, ito man ay tungkol sa money laundering o iba pa. So, yan po yung ilan sa mga anggulo sa tingin ko kung bakit buhay na buhay yung tanong ng POGO at national security.

Q: Ano yung nakikita ninyong scenario kung hindi ipatitigil ang POGO ASAP?

SRH: E di magpapatuloy lang ito. Itong lahat na mga masasamang phenomenon, itong lahat na mga krimen, iniimbestigan na namin ng apat na taon, ibig sabihin, more than four years nangyayari ito. More than four years sinasagawa yung mga krimeng ito. More than four years. More than four years. Of course, mula pa nung panahon ni Duterte na nilalabag ang karapatan ng ating mga mamamayan, lalo na yung mga vulnerable sektor. So, ano pa bang iniintay natin? Gusto pa ba natin na magpatuloy ito? Bakit?

Q:During the hearing, you mentioned the case of the $3 billion money laundering case in Singapore, and two of those involved are yung mga kasosyo daw ni Mayor Guo sa Baufu. So, does that establish that Mayor Guo is somehow linked to the money laundering case in Singapore, since you mentioned alleged money laundering? Because in Singapore, it was mentioned that two of those accused, si Zhang and Lin? Yung kasosyo nga niya po na dalawa ay may real estate daw po sa Pilipinas. So, does that mean that this web of money laundering of Mayor Guo extends also to Singapore?

SRH: I really think so. I really think so. At ito yung isang itatanong namin sa briefing ng AMLC sa komite, yung illegal revenue streams. Kasi bakit may ganyang kalalaking mga pera na allegedly na money launder nung kanyang dalawang kasosyo, maiisip tuloy, teka, ang laki din ang sinasabing halaga ng kabuoang Zunyuan complex na yan. Paano nakapasok at nakaikot sa ating ekonomiya kung walang malinaw na sources si Mayor Alice Guo at kanyang mga kasosyo? So, it's a very reasonable suspicion na kailangan naming imbestigahan ang pera ba para dyan ay galing sa money laundering.

Q: Ma'am, other issues. Si former Health Secretary Duque, inamin niya na si former President Duterte nag-utos na ilipat sa PSDBM yung about 47 billion pesos na COVID funds. May suggestion na sana mag-state witness itong si Secretary Duque. Do you think yun ang best na gawing hakbang ni Duque to redeem himself?

SRH: Isang mabuting hakbang yun kung gagawin ni former Sec. Duque para i-redeem ang sarili niyang pangalan. I-redeem din yung institutional image ng Department of Health.

Hindi ako nagugulat sa ganyang revelation ni dating Sec. Duque dahil lumabas na rin sa naunang Blue Ribbon Committee investigation na talagang ipinakilala nung mga usual suspects ng Pharmally kay Presidente. So, si Michael Yang et al.

Q: So, naniniwala kayo, ma'am, na hindi yun recommendation from the DOH kung hindi initiative ng dating Pangulo na ipalipat yung funds na yun sa PSDBM?

SRH: Well, kung initiative o ideya mismo ng DOH Sec. noon, o initiative lang ni Presidente, the fact still stands na yung ganyang improper na transfer ng malaking pondo ng walang due diligence documentation ay nangyari. Na panahon ng pandemic at ginamit para pagkakitaan pa ang hirap na hirap ng mga mamamayang Pilipino at hirap na hirap ng health sector pati ng ating mga health service providers.

Q: Hours after umikot yung mga reactions tungkol dito sa statement ni Secretary Duque, binawi niya po in a statement and he said that he was unfortunately taken out of context and he maintained that um, the instructions was given by the President to speed up the procurement of pandemic medical supplies. Ma'am, what can you say about this, ma'am?

SRH: Wow, it was good while it lasted, no? Bumilib na sana ako kay former Sec. Duque. Well, kung ngayon sinasabi nilang he was taken out of context, unfortunately that's the oldest excuse in the book para sa lahat sa amin na nagtatrabaho sa public sphere. Kung yan ang sinasabi niya na pina-accelerate lang ni Duterte yung pag-procure, in a way we're back to square one dun sa kanyang posibleng pagiging importanteng resource person para makumpleto na talaga yung imbestigasyong iyon.

Well, if he now refuses to be part of finding the whole truth, it's really his loss. Mostly it's the loss of the Philippines at tayong mga Pilipino. Pero, edi magpupursige pa rin yung mga puspusang nag-i-investiga dyan. Pero, loss kay dating Sec. Duque na hindi siya magiging bahagi nun.

Q: Ma'am, kanina, former Sen. Gordon was in a news forum and he said that itong 12 billion about the Pharmally is just the tip of the iceberg at marami pa na allegedly overpriced deals like yung computer system daw na prinocure during that time. Given your commitment to pursue this case, do you see the need for the Senate to reopen the investigation since during the previous Senate, you said that dahil nga po hindi na-approve yung chairman's report, you see the need to reopen this so that the public would know what really happened in full. Do you still see this need?

SRH: Matagal na namin gusto sana. Naghihintay lang talaga kami ng tinatawag na new matter. Bagong resource person or whistleblower or bagong ebidensya. Si former Sec. Duque na sana yun eh, kung sakali, diba? Eh kaya lang, just a few hours later, binawi pa nila. Pero yun, habang naghihintay pa rin ang Senado ng isang new matter, nagpapatuloy naman yung iba pang mga government at constitutional bodies sa kanilang trabaho.

Gano man mga katagal na nanalig ako, malalaman pa rin natin ang katotohanan at masisingil pa rin ang accountability ng lahat ng gumawa ng pera dyan.

Q: One last point, masisingil lahat, including the former President?

SRH: Well, kung talagang mapatunayan namin na siya yung nag-utos ng fund transfer, siya ay kasabwat sa mga ganyang kaduda-dudang procurement, kung siya ay kasabwat sa mga overpricing, then magiging tungkulin namin na singilin din ang kanyang accountability.

Q: Ma'am, last two issues na lang po. Una, dun sa divorce bill. Nakaroon ng survey, parang close fight yung mga pro at saka anti-divorce bill. And according to Senate President Pro-Temporary Jinggoy Estrada, hindi ito priority ng leadership at parang sinasabi niya na dadaan sa butas ng karayom itong panukalang divorce. Would you like to comment on that bilang principal author?

SRH: Maraming panukalang batas dito sa Senado na, kahit hindi prayoridad o wala sa LEDAC, ay pumapasa naman, diba? At yung survey na iyon ay hindi pa naman kompleto. Hindi pa na mamap lahat naming dalawang dosenang senador. Kaya, sapat na sa akin yung sinabi naman ni SP Chiz na magiging conscience vote ito. So, para sa akin, yun lang naman ang hinihingi, lalung-lalo na, ng mga divorce advocates organizations. Fair fight lang. Kasi, ang kakabit ng fair fight na iyan ay yung second chance sa pag-ibig, pagtataya, buong family life ulit. At sino ba naman tayo para ipagkait yun?

Q: And then, pagdating naman sa SOGIE bill, sinabi din ni Senate President Chiz Escudero na may hirapan din na makapasa unless yung proponent magiging open dun sa ilang mga amendments. Ang mas may chance daw na ma-approve ay yung proposed anti-discrimination, ayun, ng discriminatory bill.

SRH: Companion measures naman yung dalawang yun eh. Kasi yung tinatawag nilang anti discrimination bill ay laban sa diskriminasyon sa lahat ng grounds. Oo. Pero, kaya kailangan pa rin ang SOGIESC equality bill dahil particular siya sa, well, lahat ng Pilipino, pero pangunahin ng isang komunidad laban sa diskriminasyon on the basis of SOGIESC. So, may mga particular na proteksyon na kailangan laban sa ganung klaseng diskriminasyon.

And, matagal naman na akong, at matagal naman na yung community handang magbigay ng amendments eh. Sinabi ko na rin yun sa mga kasama sa Senado nung nakaraang Kongreso pa. Kaya nga, i-report out na sa plenaryo para pag natapos na yung period of interpellation, pwede na kaming dumako sa period of amendments kung saan gagawin ko of record yung marami-raming mga amyenda na handa nang gawin ng community kaugnay ng academic freedom, kaugnay ng parental authority, at ilan pa, yung napaka-explicit na hindi pa kasama sa SOGIESC equality bill, yung same-sex marriage. Hindi yan isa sa mga government licenses anyway, hindi naman lisensya ang ang marriage license, di ba? Or hindi siya,

hindi siya government license. So, kung amyenda lang ang gusto ng mga kasama, game! Paabutin na natin sa period of amendments.

Q: May commitment na ba si bagong ah, majority leader, ma'am?

SRH: Well, kinausap ko si majority leader, ah, sabi ko, ilabas na sana sa Committee on Rules para makausad na sa legislative process. At sabi naman niya, oh, antagal na pala kasi Disyembre 2022 pa. Antagal na pala. Sige, hahanapin ko yan. So, umaasa ako sa kanilang pag-review doon sa legislative status ng committee report kung saan, labing walo ang nakapirma. Three-fourths ng mga miyembro ng Senado ay nakapirma. So, patunay na hindi iyan divisive o pampagulo lang. Ayan po ay nakabuo ng three-fourths unity ng Senado. At yan po ay magdadala, magbibigay-daan sa kapanatagan ng loob sa marami-raming mga couples at pamilya.

Q: Can we get your reaction po doon sa pagbaba ng taripa sa bigas?

SRH: Ay, matinding pinag-aaralan po namin yan dahil sobrang concerned yung aming mga partner na samahan ng mga magsasaka, iba pang rural sectors, kahit po yung mga nagsusupply ng bigas sa ating mga talipapa, palengke, supermarket, tutol po talaga sila sa pagbaba ng taripa. Dahil nga naman, bakit ibababa ang taripa kung gusto nating bigyan ng higit na proteksyon? At suporta yung ating mga domestic na producers. Kung gusto nating suportahan yung ating mga magsasaka, lalo na mga magsasaka sa palay. Ano po?

At kung yan naman ay covered na rin ng isang kasalukuyang batas, yung rice tariffication law. Lahat po ng mga agricultural na bansa ay gumagamit ng resonabling taripa para nga suportahan yung domestic producers. At makapataw ng tamang taripa sa kung ano ang itatakdang kinakailangan at yun lamang kinakailangang mga imports.

Q: So ma'am, kapag ba nag-resume yung session, ikinoconsider nyo mag-file ng proposal para i-correct itong ginawa ng executive? Kasi ngayon pala, may karapatan ng presidente na ibaba yung taripa habang naka-recess yung session. So pwede ka lang kayo lang umaksyon kapag nag-resume yung session.

SRH: So pinag-aaralan po namin kung anong magiging legislative action namin doon. Kung yan ay, paano ka lang, batas ba yan? Yan ba ay resolution para mag-imbestiga? Sigurado magiging active ako ulit at ang buong minority, kasama si Senate Minority Leader Koko Pimentel, pagdating din ang budget debates, pati kaugnay ng Department of Agriculture.

Q: So, inaasahan ma'am, babaha yung mga imported rice and other agri-products sa ginawa ng malakas?

SRH: E yun na nga yung kinatatakutan ng aming mga partners na tutol na tutol dito sa pagbaba ng taripa.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.