There were 1,659 press releases posted in the last 24 hours and 442,781 in the last 365 days.

PAHAYAG ni Senador Manuel Lito Lapid sa state visit ni Japanese PM KISHIDA FUMIO

PHILIPPINES, November 4 - Press Release
November 4, 2023

PAHAYAG ni Senador Manuel Lito Lapid sa state visit ni Japanese PM KISHIDA FUMIO

Sa panahon ngayon na maraming hamon ang kinakaharap ang ating mundo, kailangan natin ng mga tapat na kaibigan na maasahan at masasandalan na tumulong sa pagtatanggol sa ating demokrasya at soberenya.

Kaisa tayo ng maraming bansa sa paghahangad ng mapayapa at makatwirang resolusyon sa iba't-ibang usapin na kinakaharap ng ating bayan at ng mga Filipino sa buong mundo.

Itinuturing ko ang pagbisita ni PM Kishida bilang isang pagpapakita ng mas malalim na pagkakaibigan at mas matatag na relasyon ng bansang Hapon at Pilipinas.

Inaasahan ko na ang pagbisitang ito ni PM Kishida ay lalo lamang iigting ang ating ugnayan sa mga bansang tunay na kumikilala sa demokrasya at pag-iral ng batas.

Sa matagal na panahon po ay naging mabuting katuwang natin ang bansang Hapon sa maraming proyekto na para sa ikasusulong ng ating ekonomiya.

Inaasahan din po natin na lalo pang lalawak ang relasyon pangkalakalan at pang-ekonomiya sa pagitan ng ating mga bansa sa mga darating na panahon.

Welcome po, PM Kishida. Mabuhay po kayo!

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.