There were 1,758 press releases posted in the last 24 hours and 402,558 in the last 365 days.

Sen. Leila M. de Lima's Message for Mother's Day

PHILIPPINES, May 9 - Press Release May 8, 2022

Sen. Leila M. de Lima's Message for Mother's Day

Sa lahat po ng ina, inay, nanay, mama, mommy, ermat, momshie, mudra, mamita, lola, Happy Mother's Day po!

Bilang isang ina, alam ko po ang napakalaking hamon sa pagpapalaki at pag-aalaga sa ating mga anak--mula sa pag-aruga at paglabas nila sa ating sinapupunan, sa hindi magkandaugaga nating pagpapatahan sa kanila noong sanggol pa, hanggang sa pagpapaaral at pagtugon sa iba-iba nilang pangangailangan.

Ang aking taas-noo at taos-pusong pagpupugay at paghanga sa mga kapwa ko ina, sa mga patuloy na nagpapakatatag sa dinadanas na pangungulila sa mga anak, pagpapalakas para makapagtrabaho para sa pamilya, at walang pagsubok na uurungan basta masiguro lamang ang kabutihan ng kanilang mga supling.

Inspirasyon ko po kayo at ng marami pang magulang sa pagtataguyod ng magandang kinabukasan para sa kanilang henerasyon at sa mga susunod pa.

Isang napakahigpit na yakap po sa ating mga mapagmahal at mapagkalingang ina!

Muli, isang maligaya at makahulugang pagdiriwang po sa lahat!