Pangilinan: Pakawalan si Dr. Naty
Pangilinan: Pakawalan si Dr. Naty
Kinukundena natin ang pag-aresto kay Dr. Naty Castro, isang premyadong manggagamot ng mga walang-wala nating katutubo.
Nakakagimbal ang mala-martial law na mga taktiktang ginagamit ng mga awtoridad pagdakip sa kanya.
Ang balita natin, walang pangalan niya ang warrant of arrest, walang name-plate at hindi naka-uniporme ang mga umaresto sa kanya. Dinala sa kung saan-saan si Dr. Naty bago kasuhan. At hindi siya pinayagang makausap ang kanyang abogado.
Gawain yan ng mga kriminal at walang pagkilala sa batas, hindi ng mga alagad ng batas.
Matapos ang pambabaklas ng mga tarpaulin sa loob mismo ng ari-arian ng mga pribadong mga mamamayang Pilipino, tila dinadala tayo ng mga galamay ng martial law patungo lalo sa dilim.
Bibigyan natin ng anumang tulong na kailangan ni Dr. Naty -- ligal, medikal, at moral support.
Tulad ng mga kabataang Isabelino na nagsisindi ng kandila, kasama natin sila at ni Dr. Naty na patuloy na magiging liwanag sa dilim.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.