Gatchalian to DPWH: Identify Those Behind Questionable Project Awards
August 20, 2025
Gatchalian to DPWH: Identify Those Behind Questionable Project Awards
Senator Win Gatchalian denounced the awarding of big-ticket flood-control projects to undercapitalized contractors, urging the Department of Public Works and Highways (DPWH) to identify the members of the bids and awards committee who approved the contracts.
"Submit to us the exact names. We need to know kung sino 'yung mga taong nag-a-award ng mga proyekto. We demand accountability," Gatchalian said during a recent Senate inquiry.
The Finance Committee Chairperson voiced his frustration, stressing that if a contractor is undercapitalized, it will obviously cut corners, leading to substandard project results.
"Meron talagang mga tao na nilalaro ang pre-qualification stage ng procurement. There is some form of collusion or corruption in awarding the contracts to contractors who are not adequately capitalized. Paano nangyari na ang isang underfunded contractor ay nakakuha ng malaking kontrata?" Gatchalian asked DPWH Secretary Manuel Bonoan, citing how a contractor with only ?1.2 million in capitalization was awarded a ?1.5-billion project.
Gatchalian also pressed the DPWH to explain how it determines the minimum capitalization required for contractors to qualify for certain projects. "Who reviews the capability and capitalization of these companies?" he asked.
Gatchalian sa DPWH: Pangalanan ang mga Nasa Likod ng Kaduda-dudang Paggawad ng Proyekto
Pinuna ni Senador Win Gatchalian ang paggawad ng malalaking flood-control projects sa mga kontraktor na walang sapat na kapital. Hinimok niya ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na pangalanan ang mga miyembro ng bids and awards committee na nag-apruba sa mga kontrata.
"Sinu-sino ang mga nasa likod nito? Kailangan nating malaman lalo na't may pananagutan sila sa taumbayan," sambit ni Gatchalian sa nagdaang Senate inquiry.
Dismayado ang chairman ng Senate Finance Committee. Aniya, kung kulang sa kapital ang isang kontratista, tiyak na magtitipid ito sa gastos, na nagreresulta sa mababang kalidad ng proyekto.
"Nilalaro talaga ng ibang tao ang pre-qualification stage ng procurement. May nangyayaring sabwatan o korupsyon sa paggawad ng mga kontrata sa mga kontraktor na walang sapat na kapital. Paano nangyari na ang isang kontraktor na walang sapat na pondo ay nakakuha ng malaking kontrata?" tanong ni Gatchalian kay DPWH Secretary Manuel Bonoan. Binigay halimbawa ni Gatchalian ang kaso isang kontraktor na mayroon lamang ?1.2 milyong kapital pero binigyan pa rin ng ?1.5 bilyongproyekto.
Hinimok din ni Gatchalian ang DPWH na ipaliwanag kung paano nito tinutukoy ang kinakailangang minimum na kapital para maging kwalipikado ang mga kontraktor sa ilang partikular na proyekto. "Sino ang sumusuri sa kakayahan at kapital ng mga kumpanyang ito?" tanong niya.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.