There were 639 press releases posted in the last 24 hours and 420,377 in the last 365 days.

Sen. Bam Aquino's opening statement on flood control

PHILIPPINES, August 19 - Press Release
August 19, 2025

Sen. Bam Aquino's opening statement on flood control

Maraming salamat, Mr. Chairman. Magandang umaga sa ating lahat. Unang-una Mr. Chairman, we support the investigation of flood control dito po sa ating bansa. Sabi ko nga noong isang araw, hindi na tayo flood control, flood out of control na iyong nangyayari. P1.4 trillion, nabanggit ni Senator Gatchalian, in the last 15 years. Paiba-iba pa po iyong numero.

Maganda rin po siguro malaman natin dito sa ating kumite kung magkano nga ba talaga iyong ginagastos. Ngayon po, pataas nang pataas, 800 billion na po ang nabanggit ni Chairperson Marcoleta. Maganda pong malaman natin iyan. On the first day of session, nag-file rin po tayo ng Senate Resolution No. 28 to investigate flood control but this was referred to the Committee on Public Works. So I welcome this investigation.

Noong panahon ng kasagsagan ng habagat, pumunta rin tayo sa Macabebe sa Pampanga, doon tayo nakiisa sa mga kababayan natin doon. Hanggang tuhod, hanggang beywang, hanggang dibdib. Papunta pong Masantol, mula Macabebe, pataas nang pataas ang tubig.

Doon po sa kanila, ang sinasabi nila kami po dito kailangan ng malaking pondo talaga. In fact, may JICA project, may Korean project po doon at malaking proyekto po iyon. At isang tanong ng mga opisyal po doon, sa mga lugar na talagang flood prone, ay parang kulang po iyong naibibigay.

Pero sa mga lugar naman na parang wala namang baha, bakit mayroong mga flood control. Iyon siguro iyong isang magandang malaman natin. Ang isa pa, iyong flood control, ano po ba talaga ang ibig sabihin nito? Ito ba'y dredging, ito ba'y pagbuo ng bagong imprastraktura. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng flood control para malaman din po ng taumbayan kung bakit ganyang kalaking pera ang ginagastos ng bansa po natin, kahit iyong resulta naman ay parang tuloy-tuloy pa rin ang pagbaha.

Nais ko lang pong dagdagan iyong binanggit ni Senator Gatchalian pagdating sa classroom. Marami sa amin sumuporta sa hearing on classroom. Iyong kakulangan sa classroom ay di hamak maliit pa sa flood control budget ng taong ito. Iyong sinasabing 50 years to do, 50 years to accomplish, or 5 years to accomplish, sa totoo lang po, mas maliit pa iyon kaysa sa buong flood control budget ng isang taon. Mr. Chairman, iyong 350 billion or 500 billion na binibigay sa flood control, mas malaki pa po iyon sa kailangan natin sa lahat ng classroom na kakulangan sa ating bansa.

Kaya kung dito po sa ating hearing at pagkatapos po nito, sa budget, ay mabawasan ang mga ghost project o mabawasan iyong mga flood control na hindi naman kailangan, ako po sumasang-ayon sa Chairman of Finance na ilagay na lang ito doon po sa ating classrooms na alam nating may makikinabang kaagad.

Itong pong habagat, 4,000 ang classroom ayon sa DepEd, ang naapektuhan. Seven hundred thirty-two (732) ang nawasak, seven hundred twenty-six (726) iyong major damage, two thousand six hundred (2,600) iyong minor damage. Sa lahat pong mga classroom na 'yan, ang pinakaapektado po ang ating mga kabataan.

At siguro po, bilang panghuling statement, gusto ka lang pong ulitin, ang lalaki ng mga perang ito, bilyon-bilyon, trilyon-trilyon, ang lalawak, ang lalaki, pero sa kadulu-duloan ng lahat, pag nababaha, ang pinaka-vulnerable po sa atin, ang pinaka naapektuhan, mga magsasaka, mga trabahador, mga workers po natin, mga estudyante, mga kabataan, mga kababayan po natin na kailangang gumising araw-araw, magtrabaho at lumusong pa rin sa baha. Iyan po iyong pinakaapektado dito po sa problema ng baha. Kaya, suportado po natin ang kumite at ang imbestigasyon pong ito para malaman natin saan po talaga napupunta ang bilyones na nakalagay sa flood control budget. Maraming salamat, Mr. Chairman.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.