Gatchalian urges PAGCOR, BSP: completely delink e-wallets from online gambling; shut down violators
August 15, 2025
Gatchalian urges PAGCOR, BSP: completely delink e-wallets from online gambling; shut down violators
Senator Win Gatchalian urged the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) to completely cut the link between electronic wallets and online gambling platforms, warning that seamless fund transfers fuel gambling addiction. He also called on the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) to shut down operators found violating regulations.
"Hindi na dapat ini-investigate, ipasara niyo na agad," Gatchalian told PAGCOR officials during a Senate hearing, adding that a review is no longer necessary since many operators still slip through despite the agency's so-called regulations.
"Huwag nang i-mandato ang lahat ng e-wallet providers at mga bangko na i-screen kung legal or ilegal ang online gambling platforms dahil hindi rin naman nila gagawin 'yun," Gatchalian told BSP officials, adding that even illegal gambling sites can also be linked to banks and e-wallets.
During the same hearing, Gatchalian presented alarming data showing that the number of Filipinos engaged in online gambling skyrocketed to 32.117 million as of May this year, a massive increase from only 8.208 million by the end of 2024. This accounts for roughly half of the country's adult population
"Dahan-dahan nang kinakain ang bansa natin ng pagsusugal," Gatchalian concluded.
Gatchalian hinimok ang PAGCOR, BSP: Tuluyang putulin ang koneksyon ng e-wallets sa online gambling
Kinalampag ni Senador Win Gatchalian ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gumawa ng paraan para tuluyan nang putulin ang koneksyon ng mga electronic wallet o e-wallet mula sa mga online gambling platform upang mapigilan na ang lumalalang pagkakalulong sa sugal ng marami. Hinimok din niya ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na agad ipasara ang mga operator na lalabag sa regulasyon.
"Hindi na dapat iniimbestigahan, ipasara na agad," giit ni Gatchalian sa nakaraang pagdinig ng Senado, kasabay ng babala na nakakalusot pa rin ang maraming operator sa kabila ng umiiral na mga patakaran o regulasyon ng ahensya.
"Huwag nang i-mandato ang lahat ng e-wallet providers at mga bangko na i-screen kung legal o ilegal ang mga online gambling platform dahil hindi rin naman nila gagawin 'yon," ang sinabi ni Gatchalian sa mga opisyal ng BSP. Aniya, kahit mga ilegal na gambling site ay maaari pa ring magkonek sa mga bangko at e-wallets.
Sa parehong pagdinig, ibinunyag ni Gatchalian ang nakakabahalang datos na nagpapakita na ang bilang ng mga Pilipinong nag-o-online gambling ay umakyat na sa 32.117 milyon nitong Mayo ng taon, mula asa 8.208 milyon noong katapusan ng 2024. Halos kalahati ito ng adult population ng bansa.
"Dahan-dahan nang kinakain ng pagsusugal ang bansa natin," pagtatapos ni Gatchalian.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
