There were 142 press releases posted in the last 24 hours and 425,940 in the last 365 days.

Sen. Raffy Tulfo nagbabala sa mga Pinoy seafarers na dadaong sa us, mag-doble ingat!

PHILIPPINES, August 5 - Press Release
August 5, 2025

SEN. RAFFY TULFO NAGBABALA SA MGA PINOY SEAFARERS NA DADAONG SA US, MAG-DOBLE INGAT!

Pinapaalalahanan ko po ang ating mga seafarers na sakay ng mga barkong papasok sa US territorial waters na maging responsable sa paggamit ng inyong mga electronic device, lalo na sa pagbubukas o pagda-download ng online content.

Ang US ay mayroong napakahigpit na polisiya laban sa child pornography at ang simpleng pag-view o pag-click sa mga ipinagbabawal na content ay maaaring ma-detect ng U.S. Customs and Border Protection (CBP) na magiging batayan para kayo ay ma-detain at maipadeport.

Kamakailan ay 21 Filipino seafarers ang pinaratangan ng CBP na nag-access umano ng child pornography materials. Sila ay pwersahang pinaalis nang nakaposas sa ikinasang raid sa isang cruise ship na nakadaong sa Port of Norfolk sa Virginia, USA, noong July 21 at saka ipinadeport.

17 sa kanila ang lumapit sa aking tanggapan kahapon, August 4, sa pangunguna ni Romeo Samonte Jr.. Sa pamamagitan ng isang video call, kinausap ko sila upang alamin ang kanilang panig ukol dito at itinanggi nila ang paratang sa kanila.

Ayon sa mga seafarers, biktima lamang sila ng selective enforcement at pinag-initan daw dahil sila ay Pilipino. Wala rin daw due process dahil inaresto sila nang walang ipinakitang ebidensya, pinosasan, at ikinulong sa airport na para bang kriminal bago ipa-deport.

Tinawagan ko si DFA Undersecretary Eduardo de Vega upang imungkahi ang government-to-government approach para tugunan ang problemang ito, na agad namang niyang sinang-ayunan.

Ako ay makikipag ugnayan rin sa DFA upang tignan ang posibilidad ng paghain ng Diplomatic Protest upang hilingin sa kanilang American counterparts na ilabas ang mga ebidensya laban sa ating mga seafarers -- at kung wala silang mapakitang evidence, dapat tanggalin ang masamang record na ipinataw sa kanila kasama ang kanilang 10-year ban sa pagpasok sa USA at mga teritoryo nito.

Gayunpaman, maging maingat pa rin po ang lahat sa mga links na inyong kini-click na konektado sa inyong e-mail o iba pang social media applications.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.