There were 1,733 press releases posted in the last 24 hours and 418,477 in the last 365 days.

Marcoleta: Why the Senate scheduled the impeachment debates on August 6

PHILIPPINES, August 3 - Press Release
August 3, 2025

Marcoleta: Why the Senate scheduled the impeachment debates on August 6
Transcript from 'Sa Ganang Mamamayan' (August 1, 2025 episode hosted by Sen. Marcoleta, Nelson Lubao & Gen Subardiaga on Net 25)

*Senator Rodante D. Marcoleta (SRDM):* Alam n'yo noong July 29, birthday ko yan, Nelson, Gen, nag-caucus kami, "Anong tatalakayin natin ngayon?" sabi nila. Nakiusap sila na huwag (impeachment), kasi baka mag-file ng motion for reconsideration ang House of Representatives. (didn't name)

Hindi naman ako kumikibo roon. Hinahayaan ko silang nagsasalita. Bigla naman akong tinanong ni Sen. Jinggoy (Pro Tempore Estrada): "Pakinggan natin yung birthday boy, hindi pa nagsasalita, nakatingin lang na pangiti-ngiti. Hindi natin malaman kung ano iniisip niya," sabi niya, alam mo naman paano magsalita yun. [laughs] "Eh bakit kasi kako patatagalin pa, talakayin na natin mamaya, kahit kumukulo ang tiyan ko."

"Eh teka wag muna, huwag naman," sabi nya eh. "Hindi ba natin pwedeng pagbigyan yung House?" "Eh paano?" kako. "Paanong pagbibigyan?" "Eh magfa-file daw sila ng ano eh... motion for reconsideration."

*Nelson Lubao:* Mag-MR daw sila...

*SRDM:* "Bakit?" kako. "Sa palagay n'yo ba," kako, "kapag nag-file sila ng motion for reconsideration... sa palagay n'yo mayroong isa na pumirma roon na ire-reverse niya ang sarili nya? Kahit isa lang? "

"Eh hindi natin masasabi..." (didn't name) "Eh kaya nga, bakit ka maghihintay ng isang bagay na wala?" Kasi sabi ko, sa tagal ko naman naging litigation lawyer din, pagka ganyan naman kako ang tenor ng desisyon at sinabi pa niyang (SC) "immediately executory" - ang ibig sabihin noon eh, sinasara lahat ang pintuan para ikaw ay gumawa pa ng motion for reconsideration. Sabi ko kung practicing lawyer ka, sinabi ko na eh, naririnig naman ng mga abugado doon, kung ikaw ay isang practicing lawyer, isinara hindi lang pinto pati bintana isinara na para gumawa ka pa ng ano mang aksyon para humabol ka pa doon sa desisyon na yun.

Isip-isipin mo? "Void ab initio. Unconstitutional," sabi nyang ganun. "The Senate never acquired jurisdiction over it. Immediately executory. Unanimous."

Ewan ko kung sino ang matibay-tibay naman ang dibdib ng abugado na pupunta ka pa roon mag ahhh... O palagay mo na lang, nakakuha ka ng isa. Dalawahin mo na kaya?

[Pauses and thinks] O gawin mo ng... ano ba ang majority ng 15 sila? Walo ano? Nakakuha ka na ng pito? Eh di hindi mo pa rin nakuha ang majority? Yun lamang isa eh, baka mabigat yun. Sino sa kanila ang ire-reverse niya yung sarili nya sa harap ng kanilang pagkakasundo? Isip-isipin mo, bawat isa sa kanila, isa yung kaisipan. Nakita nila eh.

O nakakuha ka ng pito halimbawa, mare-reverse? Hindi! Para ma-reverse mo yan, walo makukuha mo. E isa nga, hirap ka na eh.

"Ano pang hihintayin (natin)? Nag-speculate naman kayo. Hindi kaya na. eh." "Pagbigyan mo na." (didn't name) O sige, yung (isang senador suggested), "August 4." "Hindi, August 11." (didn't name)

*Gen Subardiaga:* August 6 daw po napagkasunduan..

*SRDM:* Hindi nga, makinig muna kayo... August 4, Lunes yata yun eh. Eh di tumawad yung isa. "Hindi nga kasi baka nga mag-ano ng MR eh." (didn't name) Pwede ba ika niya August 11?"l

Eh di nung tinignan ko yun nakita nila na medyo aangal na ako. "Op..op..op..." sabi naman nung isa. (didn't name) "August 6 na lang. Para di mag-object si Sen. Marcoleta." (didn't name)

Sabi nya, "Senador, kasi kaya gusto ko ng August 6, ganito yan." Ang August 6, Wednesday. Ang August 4, Monday. Kung babanatan natin ng August 6, siyempre debate to eh. Magkakasamaan tayo rito ng loob, magkakainitan tayo rito eh. Magkakasakitan ng loob tayo rito eh. Kinabukasan aniya walang pasok, Huwebes, Biernes, Sabado, Linggo - cooling off period. (didn't name)

"O sige," sabi ko. "Papayag ako hindi dahil sa hinihintay n'yong mag-file ng motion for reconsideration. Mas gusto ko yung sinabi niya na cooling off period." Kaya napunta ng August 6th.

*Nelson and Gen:* Ayun.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.