There were 1,884 press releases posted in the last 24 hours and 358,991 in the last 365 days.

IMEE: Totohanin ang SONA - Ilabas na ang pondo para sa mga proyekto ng bayan!

PHILIPPINES, July 31 - Press Release
July 31, 2025

IMEE: Totohanin ang SONA - Ilabas na ang pondo para sa mga proyekto ng bayan!

Matapos iutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang kahalagahan ng performance review at auditing ng mga proyektong pinondohan ng gobyerno, nanawagan si Senator Imee R. Marcos sa Malacañang na ilabas na ang lahat ng pondong tinengga ngayong taon sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA) at tinag bilang "For Later Release" (FLR).

Ayon sa Pangulo, "The Regional Project Monitoring Committee shall examine the list of projects and give a report on those that have been failures, those that were not finished, and those that are alleged to be ghost projects... At the same time, there will be an audit and performance review regarding these projects to check and make sure and to know how your money was spent."

Sang-ayon si Senadora Marcos sa mandato ng kanyang kapatid na pagtibayin at busisiin ang lahat ng proyektong pinopondohan ng taumbayan upang matiyak na walang kalokohang nangyayari sa paggamit ng pondo.

Iminungkahi rin ng Senadora na kasabay ng performance review ng mga proyekto, dapat nang iutos ng Pangulo ang agarang pagpapalabas ng mga pondong naka-FLR, lalo na para sa mga proyektong nasimulan na at matagal nang hinihintay ng taumbayan.

"Huwag na nating patagalin at tenggahin ang mga proyektong talagang para sa tao. Ibigay na ang mga pondong naka-FLR upang matapos na at 'di masayang ang mga proyekto at marepaso ang mga dapat marepaso," ani Marcos.

Dagdag pa niya, responsibilidad ng mga ahensya ng gobyerno na tiyakin ang dokumentasyon at integridad ng lahat ng proyekto.

"Siguraduhin nating kumpleto sa papeles ang mga proyekto--'yung totoo at hindi mga walang kwentang ghost projects!" pagtatapos ng senadora.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.