Explanation of NO vote on the grant of Filipino citizenship to Liduan Wang
January 27, 2025
EXPLANATION OF NO VOTE ON THE GRANT OF FILIPINO CITIZENSHIP TO LIDUAN WANG
January 27, 2025
Mr. President, I cannot in good conscience vote to grant Filipino citizenship to Liduan Wang.
Ang pinag-uusapan natin ay hindi naman po simpleng application para sa driver's license o business permit, kung saan simpleng checklist ng isinumite ang kailangan.
Ang sangkot dito - timbang ng buong kapangyarihan at awtoridad ng lehislatura para sa iisang tao. What was on now on the floor is an act of Congress - a law granting Filipino citizenship to a foreign national. Surely, this demands even more rigor, scrutiny, and discernment from legislators. We owe that much to the Filipino people. Obligasyon nating siyasatin ang kasaysayan at pagkatao ng aplikante beyond what he has already declared in his own interest.
At sa aking interpellation sa panukalang ito, nalaman natin na napakarami at naglalakihang red flags ang itinago ng Liduan Wang sa Kongreso.
Si Liduan Wang ay junket operator at kasosyo ni Duanren Wu, ang sinasabing big boss ng na-raid na POGO sa Porac, Pampanga. Ang negosyo niya ay nasa parehong building ng negosyo ni She Zhijiang, isang self-confessed Chinese spy. Konektado siya sa Philippine Jinjiang Yuxi Association, na sinasabing parte ng United Front work ng Communist Party of China. At sa mga opisyal na dokumento sa SEC, nagsinungaling siya at nag-presenta bilang Pilipinong si Mark Co Ong.
Hindi pa ba tayo natuto sa panloloko ni Guo Hua Ping, alias Alice Guo, o kay Yang Jianxin, alias Tony Yang? Hindi pa ba tayo nadala sa mga abusadong dayuhang nagpanggap na Pilipino para pagkakitaan ang taumbayan at dungisan ang ating mga sistema? Susugal pa ba tayo muli sa isang taong ikinubli sa Kongreso ang kanyang mga kaduda-dudang kaugnayan?
Hindi ko po hinatulan na guiilty sa anumang krimen si Li Duan Wang, Mr. President, pero sapat ang mga red flag na ito para hindi siya pagkalooban ng pagiging Pilipino nang ganito lamang kadali.
Sa buong paniniwala ko, ang nararapat gawin ng gobyerno ay imbestigahan si Liduan Wang -- hindi magpasa ng batas para ituring siyang isa satin.
For these reasons, Mr. President, I voted NO on this measure.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
