National Reading Month: Gatchalian seeks improved reading proficiency among learners
November 4, 2024
National Reading Month: Gatchalian seeks improved reading proficiency among learners
Amid the nationwide celebration of the National Reading Month this November, Senator Win Gatchalian presses the need to improve learners' reading proficiency to address the country's education crisis.
Following the signing of the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act (Republic Act No. 12028), Gatchalian is counting on the rollout of well-systematized tutorial sessions and well-organized intervention plans to boost literacy and improve reading proficiency among learners. The law, which Gatchalian authored and sponsored, establishes the ARAL Program to provide a national learning intervention program that will ensure mastery of essential competencies and make up for learning loss.
The ARAL Program covers essential learning competencies under the K to 12 Basic Education Curriculum, specifically reading and mathematics for Grades 1 to 10, and science for Grades 3 to 10. The program also aims to strengthen Kindergarten learners' literacy and numeracy competencies to build on their foundational skills.
Gatchalian recalled the results of international large-scale assessments to highlight the urgency of improving learners' reading proficiency. Results of the 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) showed that the Philippines placed 76th out of 81 countries when it comes to reading. Results of the triennial assessment also revealed that 76% of the country's 15-year-old learners have not achieved the minimum proficiency in reading.
"Sa pagsugpo natin sa krisis sa edukasyon na hinaharap ng bansa, mahalagang hakbang ang pagtiyak na marunong bumasa at umunawa ng kanilang binabasa ang ating mga mag-aaral. Sa pagpapatupad ng ARAL Program at sa iba pang programang isinusulong natin para sa pagbasa, matutulungan natin ang ating mga kabataang magkaroon ng matibay na pundasyon sa kanilang pag-aaral," said Gatchalian, Chairperson of the Senate Committee on Basic Education.
Gatchalian is also pushing to institutionalize the celebration of National Reading Month during the month of November. The National Reading Month Act (Senate Bill No. 475), which he filed, seeks the conduct of reading activities to inculcate the culture of reading among basic education learners and their communities.
National Reading Month: Sapat na kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa pinatitiyak ni Gatchalian
Sa gitna ng pagdiriwang ng National Reading Month ngayong Nobyembre, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan sa pag-angat sa kakayahan ng mga mag-aaral pagdating sa pagbabasa, bagay na aniya'y mahalagang hakbang sa pagtugon sa kasalukuyang krisis sa edukasyon.
Kasunod ng paglagda sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act (Republic Act No. 12028), umaasa si Gatchalian na maipatutupad ang mga sistematikong tutorial sessions at interventions plans na mag-aangat sa literacy at reading proficiency ng mga mag-aaral. Sa ilalim ng batas na akda at isinulong ni Gatchalian, itatatag ang ARAL Program upang magbigay ng pambansang learning intervention program na titiyaking nakakamit ang mga essential skills at natutugunan ang learning loss ng mga mag-aaral.
Saklaw ng ARAL Program ang mga essential learning competencies sa ilalim ng K to 12 Basic Education Curriculum, lalo na sa reading at mathematics para sa Grade 1 hanggang Grade 10, at science para sa Grade 3 hanggang Grade 10. Layon din ng naturang programa na patatagin ang literacy at numeracy competencies ng mga mag-aaral sa Kindergarten upang patatagin ang kanilang foundational skills.
Binalikan ni Gatchalian ang mga naging resulta ng international large-scale assessments upang bigyang diin ang pangangailangang iangat ang reading proficiency ng mga mag-aaral. Lumabas sa 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) na pang-76 sa 81 na bansa ang Pilipinas pagdating sa Reading. Lumabas din sa naturang assessment na 76% ng mga mag-aaral na 15-taong-gulang ang hindi nakamit ang minimum proficiency sa pagbabasa.
"Sa pagsugpo natin sa krisis sa edukasyon na hinaharap ng bansa, mahalagang hakbang ang pagtiyak na marunong bumasa at umunawa ng kanilang binabasa ang ating mga mag-aaral. Sa pagpapatupad ng ARAL Program at sa iba pang programang isinusulong natin para sa pagbasa, matutulungan natin ang ating mga kabataang magkaroon ng matibay na pundasyon sa kanilang pag-aaral," ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.
Isinusulong din ni Gatchalian na gawing institutionalized ang pagdiriwang ng National Reading Month sa buwan ng Nobyembre. Layon ng National Reading Month Act (Senate Bill No. 475) na kanyang inihain ang pagsasagawa ng mga reading activities upang isulong ang kultura ng pagbabasa sa mga mag-aaral sa kanilang mga komunidad.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
