Opisina ni Tulfo patuloy ang relief ops para sa nasalanta ni bagyong Kristine
October 25, 2024
Opisina ni Tulfo patuloy ang relief ops para sa nasalanta ni bagyong Kristine
Sanib pwersang nagkasa ng relief operations ang opisina ni Senator Idol Raffy Tulfo katuwang ang mga Opisina nina Cong. Ralph Tulfo at Congw. Jocelyn Tulfo ng ACT-CIS Partylist para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine, partikular na ang mga apektado sa Bicol region.
Kasama rin nila ang mga volunteer students mula sa Ateneo Law School, at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan mula sa Distrito Dos.
Kasalukuyang nasa Brgy. Batasan Hills Brgy. Hall na ang kahon-kahon ng relief goods na tulong-tulong na inire-repack ng mga staff at volunteers. Mayroon itong kasamang bigas, noodles, biskwit, tinapay, kape, gatas at mga de lata.
Tinatayang nasa 8 million pesos worth of relief goods ang ipinamili. At sa mga oras na ito ay umabot na sa higit 5,500 ang nai-repack.
Nakatakdang i-turnover ang mga relief packs sa logistics team ng Philippine Coast Guard bukas kasama ang Senate Staff ni Sen. Tulfo, Oct. 26, para dalhin at ipaabot sa mga kababayan nating apektado ng bagyo sa Bicol.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
