There were 1,553 press releases posted in the last 24 hours and 405,682 in the last 365 days.

Interview with Senator Risa Hontiveros in DZXL's Straight to the Point

PHILIPPINES, October 17 - Press Release
October 17, 2024

Interview with Senator Risa Hontiveros in DZXL's Straight to the Point

Q: Ano pong reaksyon ninyo dito sa petisyong inihain po ni Apollo Quiboloy na huwag siyang payagan ng Korte na dumalo dyan sa pagdinig ng Senado?

Senator Risa Hontiveros: Standing po yung matagal na pag-imbita at hindi lamang pag-imbita. Pagsubpoena namin kay Apollo Quiboloy na humarap na pagkatapos ng higit kalahating taon na hindi siya dumalo at tumakas pa nga sa batas. Of course, hihintayin namin at re-respetuhin kung ano yung magiging desisyon ng Korte bilang hiwalay at pantay na sa ngayon ng ating gobyerno.

Pero standing po talaga ang ganyang obligasyon ni Apollo Quiboloy na paunlakan at hindi deadmahin yung mga imbitasyon at subpoena sa aming senado at lalo na yung obligasyon niyang humarap sa mga victim survivors niya

sa aming pagdinig.

Q: According to Atty. Mark Tolentino, abogado po ni Quiboloy, sana maghinay-hinay muna sa pronouncements dahil hindi pa naman daw proven guilty si Quiboloy. Reaksyon niyo po ma'am?

SRH Ay naku, paano po maghihinay-hinay yung mga resource persons namin, lalo na yung mga victim survivors. Kung yung marami nga sa kanila ay ilang taon na naghintay sabihin ang totoong nangyari sa kanila. Yung silang na mga, yung ilan doon na mga menor de edad pa ay inabuso ni Apollo Quiboloy, yung iba dun sa kanila na naging matagal na nagtatrabaho dun sa kanyang Kingdom of Jesus Christ pero nilabag ang karapatan bilang mga manggagawa. Yung marami sa kanila na mga kabaro ko, mga kababaihan na akala nga nung iba eh siguro ibabaon na lang nila sa hukay hanggang sa sila'y mamatay yung teribleng nangyari sa kanila. Ang aming pagdinig po, sabi nga namin sa resolusyon ay in aid of legislation at ito po ay may layong palakasin, hindi lamang yung pagkasulat kundi yung pag-implementa ng mga batas natin tungkol sa proteksyon sa mga babae, sa mga bata, sa ating mga manggagawa.

Q: Ano po ang reaksyon ninyo sa paghahain naman ni Quiboloy ng COC para tumakbo bilang senador sa susunod na eleksyon?

SRH: Well, ang balita po nating lahat, sa pamamagitan din ninyo sa media, ay nagulat yung partido na nakalagay sa kanyang Certificate of Candidacy na nagbigay daw ng permiso na siya ay tumakbo sa ilalim ng pangalan nila. Yan po yung Workers Party of the Philippines, ano po, yung WPP. At balita ko rin po yung isa sa mga official nila, pinaka-official nila na nag-file din actually ng kanyang COC para tumakbo sa pagkasenador si Ka Sonny Matulac, isang leader manggagawa, nagsalita na publicly na tumututol sila sa ganyang pangyayari dahil hindi daw nila ni alam na siya ay magre-registro sa ilalim ng kanilang partido. So inaabangan na sila ay kumilos ng opisyal sa usaping ito.

Q: Dito naman po tayo sa War on Drugs. Ano po reaksyon po ninyo at magsasagwa din ng sariling investigation naman ng Senado sa War on drugs campaign ng Duterte administration, Senator?

SRH: In the first place, napaka-importante na malaman natin ang katotohanan ukol dyan sa madugong war on drugs. Lalo na para sa mga pamilya ng mga biktima ng EJK. So, ipapanukala ko po sa Senate leadership na magkaroon ng Senate Committee of the Whole kung saan buong Senado ang mag-iimbestiga sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Dahil sa pamamagitan niyang Senate Committee of the Whole, umaasa ako na mas panatag at mas maieengganyo rin na sumali at tumestigo ang victim survivors ng war on drugs.

Dapat marinig natin sila para malaman natin ang buong katotohanan.

Q: Inaasahang dadalo yata si dating Pangulong Rody Duterte sa pagdinig ng Senado bilang resource person?

SRH: Pag napagbigyan po iyan, eh di yung magchechair po ng Senate Committee of the Whole, na usually pag Committee of the Whole, yung leader po ng chamber o yung Senate President, sila po yung mag de-decision at maglalabas ng imbitasyon sa mga itutukoy na resource person.

Q: Reaction nyo po, si Sen. Bato daw ang may hawak ng komite na mag-handle ng Senate inquiry.

SRH: Well, kaming lahat ng senador ay may chine-chair na kani-kaniyang komite. Pero ang kagandahan din po ng Senate Committee of the Whole ay lahat po ng buong senado ang may pantay-pantay na karapatan na mag-imbestiga sa paksang iyon. At yun na nga, sa halip na isa sa aming mga senador ay mag-che-chair ng aming committee. Committee of the whole, yung Senate President po ang magdidinig o ang mag-chair.

Q: Kayo ba'y naniniwala na may Davao model at reward system?

SRH: Well, doon sa lumabas na pagdinig ng quadcomm sa house of representatives dyan sa mahalagang paksa ng extrajudicial killings, nung lumabas sa pagtestigo ni Garma may mga nagpangalan diyan na Davao model sa kanyang ibinunyag. May nakita nga akong nagpo-post online na hindi dapat Davao model, dapat Duterte model. I mean infairness sa lugar hindi naman yung buong Davao City or Davao Region ang implicated sa EJK pero dun sa testimonya ni Garma ay yung dating presidente.

Q: Sa POGO po tayo, Senator. Desidido na ba ang Senado na huling pagdinig na kaugnay sa POGO dahil meron pa yatang isandaang POGO pa ang nag-operate at marami pa ito. May mga napapaulat pang dumarami ang mga underground POGOs

SRH: Di talaga dapat tatantanan ng gobyerno yang mga underground POGOs na yan, a ban is a ban. Inanunsyo pa sa State of the Nation address. May petsa pa ang deadline na December 31. So kung yung mga POGOs na yan magpapatuloy kahit lampas sa December deadline, dapat pa rin silang habulin ng gobyerno. At dapat nga mas lalo mapalakas ang task force na sumusugpo sa mga POGO. Dapat may ngipin yung policy directive ng presidente na inanunsyo yung ban ng SONA. Kung kinakailangan dagdagan ng human resources, gawin na ng executive sa task force na yan.

Samantala kami naman sa Senado, patuloy na makikipag-ugnayan sa ating law enforcers. Kung may mga impormasyon kaming makakatulong sa kanilang pag-ubos ng mga POGO. Humihingi rin ako sa ating mga law enforcers at iba pang kawani ng gobyerno na may mga high value prisoners sa kanilang kustodiya.

Ibayong ingat po dahil alam ko yung mga POGO bosses na yan ginagamit ang lahat ng taktika sa kanilang disposal para sumunod kayo mga law enforcers, mga kawani ng gobyerno, sinusubukan nilang

pasundin nila kayo sa mga kagustuhan nila. Huwag po magpalilang o magpagamit. At well, Aljo, kahit patapos na ang aming Senate hearing tungkol sa mga POGOs, lahat ng

effort para tuluyang palayasin sila sa bansa ay dapat huwag naman huminto.

Q: Pati na po yung internet gaming licensees? Layas na rin sila?

SRH

Oh yes. Tinanong din namin yan sa PAGCOR Chair, Tengco. At sinabi rin nila nung simula pa lamang, IGL, Ibang pangalan lang yan, ibang branding lang pero POGO pa rin yan. So, banned na rin.

Q: Alright. Ano naman po mangyayari sa imbestigasyon naman kay Alice Guo, Senator?

SRH: Yung imbestigation kay Guo Hua Ping ay kasamang isasara na sa susunod na pagdinig dahil yan ay naging huling kabanata lamang namin ng pag-imbestiga sa POGOs. So yung susunod na pagdinig kung saan isasara din namin yung mga issues kaugnay ng Al Jazeera interview at yung misteryosong personalidad ni Mary Ann Maslog, yan na po yung susunod na at huling kabanata ng aming imbestigasyon na po.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.