Gatchalian to push for PAOCC budget hike to sustain anti-POGO operations
September 21, 2024
Gatchalian to push for PAOCC budget hike to sustain anti-POGO operations
Senator Win Gatchalian expressed his intention to push for an increase in the budget of the Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) to support the agency's efforts against Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
"I commend the PAOCC for leading numerous raids against POGOS in the last few months. Unfortunately, their manpower complement is not sufficient to sustain further operations," Gatchalian said at a recent Senate hearing relating to the illegal operation of POGOs.
According to Gatchalian, it is crucial for the PAOCC to sustain its drive against POGOs in order for the executive branch to effectively implement the President's directive to completely ban POGOs by the end of the year.
"Gusto natin na mabigyan ng mas malaking pondo ang PAOCC upang madagdagan pa ang kanilang tauhan, kagamitan, at iba pang kinakailangang suporta para mas mapalakas ang kanilang operasyon at masiguro ang mabilis at epektibong pagtugon sa mga kaso," Gatchalian said.
"We need to prepare for any eventuality including the possibility that some of these POGOs might operate underground," he added.
Currently, around 41 entities have existing internet gaming licenses (IGL) from the Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR). However, approximately 250 POGOs may be operating without licenses and could be involved in various criminalities, according to PAGCOR.
Gatchalian itinutulak ang pagtaas ng pondo ng PAOCC bilang suporta sa operasyon kontra POGO
Ipinahayag ni Senador Win Gatchalian ang kanyang intensyon na isulong ang mas mataas na pondo para sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) bilang suporta sa pagsisikap ng ahensyang labanan ang Philippine Offshore Gaming Operators o mga POGO.
"Pinupuri ko ang PAOCC sa pamumuno sa mga sunud-sunod na raid laban sa mga POGO nitong mga nakaraang buwan. Sa kasamaang-palad, hindi sapat ang kanilang manpower upang ipagpatuloy ang mga karagdagang operasyon," ani Gatchalian sa isang pagdinig sa Senado kaugnay ng ilegal na operasyon ng mga POGO.
Ayon kay Gatchalian, mahalaga para sa PAOCC na mapanatili ang kanilang kampanya laban sa mga POGO upang epektibong maisakatuparan ng ehekutibo ang utos ng Pangulo na ganap na ipagbawal ang mga POGO bago matapos ang taon.
"Gusto natin na mabigyan ng mas malaking pondo ang PAOCC upang madagdagan pa ang kanilang tauhan, kagamitan, at iba pang kinakailangang suporta para mas mapalakas ang kanilang operasyon at masiguro ang mabilis at epektibong pagtugon sa mga kaso," ani Gatchalian.
"Kailangan nating maghanda para sa anumang maaaring mangyari, kabilang ang posibilidad na ang ilan sa mga POGO na ito ay mag-operate nang underground," dagdag niya.
Sa kasalukuyan, mayroong humigit-kumulang 41 na internet gaming licensees (IGL) ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR). Ayon sa ahensya, may 250 na mga POGO ang maaaring nag-ooperate pa rin ng walang lisensya at maaaring sangkot sa iba't ibang kriminalidad.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
