Sen. Imee, isusulong ang patuloy na pagpopondo sa AICS at iba pang programa para sa mahihirap sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Sultan Kudarat
August 18, 2024
SEN. IMEE, ISUSULONG ANG PATULOY NA PAGPOPONDO SA AICS AT IBA PANG PROGRAMA PARA SA MAHIHIRAP SA KANYANG PAGBISITA SA LALAWIGAN NG SULTAN KUDARAT
Dumalaw sa lalawigan ng Sultan Kudarat si Senator Imee Marcos ngayong araw ng Linggo, ika-18 ng Agosto 2024, upang makipagpulong sa mga magsasaka, mangingisda, katutubo, barangay at SK officials, at mga lokal na opisyal ng mga munisipalidad ng Lebak at Palimbang.
Bilang chairman ng Committee on Social Justice, Welfare and Development ng Senado, na siyang humihimay at nagdedepensa sa budget ng DSWD, tiniyak ni Sen. Imee na isusulong niyang patuloy na mapopondohan ang iba't ibang programa ng ahensiya para sa mahihirap gaya ng AICS, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P's), KALAHI Cash-for-Work Program, Sustainable Livelihood Program (SLP), Social Pension for Indigent Senior Citizens, Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP), PAMANA, educational assistance, pamamahagi ng relief goods sa panahon ng kalamidad at sakuna, at marami pang iba.
"Ngayong nagsimula na ang budget season para sa panukalang P6.352 trillion budget para sa taong 2025, titiyakin ng aming komite na patuloy na mapopondohan ang mahahalagang programa ng DSWD dahil maraming kababayan natin ang natutulungan sa panahon ng kanilang labis na pangangailangan," sabi ni Sen. Imee.
"Kasabay niyan, siyempre, ang ating pagsusumikap na makagawa ng pangmatagalang mga solusyon--IMEEsolusyon--sa kahirapan, gutom at nagtataasang presyo ng bigas at iba pang pagkain, kakulangan sa trabaho, mga problemang pangkalusugan, at mga hamon sa ekonomiya," dagdag ng senadora.
Ibinahagi ni Sen. Imee na 1,500 magsasaka at mangingisda mula Lebak at Palimbang ang nakatakdang makatanggap ng tig-P2,000 AICS mula sa DSWD sa lalong madaling panahon.
Umabot na sa P15.701 million AICS; at P13 million DSWD Educational Assistance (3,000 college students, Sultan Kudarat State University) ang naipamahagi ni Sen. Imee sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Kasalukuyan ding natutulungan ang 500 graduates at estudyante ng Sultan Kudarat University sa pamamagitan ng KALAHI cash-for-work program na aabot ng P18.135 million.
SOUND ON TAPE: "Sana makatulong tayo kasi alam naman natin itong mga areas na 'to, bago lang yung survey (for the program beneficiaries). Kahit wala sa pulitika, kailangan tulungan dahil talagang napakahuli nila, talagang nahuhuli, nakukulelat sila sa development."
SEN. IMEE: PANAHON NA UPANG GAWING 6 TAON ANG TERMINO NG BARANGAY OFFICIALS PARA MAKAGAWA SILA NG PANGMATAGALANG MGA PROGRAMA PARA SA KANI-KANILANG BARANGAY, AT ISABATAS NA ANG SAHOD AT MGA BENEPISYO NILA
Sa kanyang pakikipagpulong sa mga lokal na opisyal, mga opisyal ng barangay at SK chairmen, pinag-usapan ang ilang panukalang batas ni Sen. Imee para sa barangay, gaya ng pagpapalawig ng termino ng barangay officials at gawin itong anim na taon.
"Ang ating barangay officials ay mga frontliners ng gobyerno sa mga komunidad. Para makagawa sila ng pangmatagalang programa para sa ikabubuti ng mga residente ng barangay, kailangang gawing anim na taon ang termino nila.
"Dapat din isabatas ang sahod at mga benepisyong matatanggap nila, bilang pagkilala sa kanilang serbisyo," paliwanag ni Sen. Imee.
As of August 16, 2024:
• 878 resolusyon (ABC presidents, barangay officials) ang nagdeklara ng suporta sa barangay term extension bill
SOUND ON TAPE:
"By October 1 - 8, magpipila na lahat ng kandidato, baka wala nang session. Baka wala na kaming quorum, nangampanya na lahat. So sabi ko ifastbreak natin yan. Kung basketball pa yan, ifastbreak natin, kung kaya nila, ibigay na nila sa akin ang resolution at ipapakita ko sa Maynila na talagang nagmamadali lahat ng barangay. "
Kasama sa pinag-usapan ang iba pang panukalang batas ni Sen. Imee para sa barangay:
A. Fixed na sahod at mga benepisyo (Panukalang "Barangay Benefits Act")
Punong barangay -- Katumbas sa sahod ng sangguniang bayan member; Sangguniang Barangay member -- Katumbas ng 80% ng sahod ng sangguniang bayan member; at Sangguniang Kabataan chairman, barangay secretary, at barangay treasurer -- Katumbas ng 75% ng sahod ng sangguniang bayan member.
Mga Benepisyo:
Social Security; PhilHealth; Cost of Living Allowance (COLA); Hazard Allowance
Sa ilalim ng panukalan ito, gagawing prayoridad ang barangay officials sa microfinancing programs.
B. Synchronized SK, national, at local elections
As of August 16, 2024:
• 107 resolusyon (SK) ang sumusuporta sa SBN 2707 (synchronized SK, national, local elections bill)
C. Pagpapalawig ng hurisdiksyon ng Lupong Tagapamayapa
Isasama sa hurisdiksyon ng Lupon: Swindling (estafa), fencing, qualified theft, libel, adultery, concubinage, at discovering Secrets.
SEN. IMEE, BINIGYANG PUGAY ANG AMBAG NG MGA KATUTUBO SA PAKIKISAYA SA KAPEONAN FESTIVAL NG LEBAK, SULTAN KUDARAT
Nakiisa si Sen. Imee sa pagdiriwang ng ika-limang taon ng 'Kapeonan Festival' sa Lebak, na may temang: "Panublion nga Kultura kag Maanyag nga Kinaiya, Kabalas-lan sang Tanan sa Pinalangga nga Banwa" ("Ang pamanang kultura at magandang katangian, utang na loob ng lahat sa minamahal na bayan").
Dito, binigyang pugay ni Sen. Imee ang katatagan ng mga katutubo, at kanilang kontribusyon sa lipunan.
Kasama sa mga panukalang batas na inihain ni Sen. Imee alang alang sa kapakanan ng IPs:
1. "Traditional Property Rights of Indigenous Peoples Act"
2. An Act Declaring the 9th of August as "National Indigenous Peoples Day", a Special Non-working Holiday, and the Month of August as "National Indigenous Peoples Month"
SOUND ON TAPE: "Sa Lebak, masaya masyado, kasi Kapeonan Festival ng ating tatlong grupo, yung ating iba't ibang tribu, including the Muslim group. Pagkatapos yung ating other tribes were also there. Masaya, very colorful."
"Parati nating sinasabi, ang katutubo, ang indigenous people are the original Filipinos. Noong wala pa talagang mga dayuhan, sila yung orig na orig. Ganoon tayo dati--masayahin, walang gulo at nagkakaisa."
Link for the soundbytes: https://drive.google.com/drive/folders/1-5aWRNjpcF13mpbgb2HQNYeb0vVm0m9y
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
