There were 812 press releases posted in the last 24 hours and 202,633 in the last 365 days.

Jeepney drivers in Pampanga grateful for livelihood opportunity from Cayetanos

PHILIPPINES, July 20 - Press Release
July 20, 2024

Jeepney drivers in Pampanga grateful for livelihood opportunity from Cayetanos

Hundreds of jeepney drivers in Pampanga will now be able to augment their daily income as they received sacks of rice this week from Senators Alan Peter and Pia Cayetano.

The Cayetanos' 'Bayanihan Caravan' revisited the Angeles-San Fernando Jeepney Operators Drivers Association, Inc. (ASFERJODA) in San Fernando City to deliver sacks of rice through the Integrated Livelihood Program of the Department of Labor and Employment (DOLE) on July 16, 2024.

ASFERJODA President Manuel Liwanag expressed heartfelt gratitude on behalf of the association's over 600 members.

"Malaking bagay na naman ang dumating sa amin, y'ung pangkabuhayan na binigay sa amin. Paiikutin po namin at palalakihin ito," he said.

June Jimenez, the association's treasurer, said they will distribute the sacks of rice among the members so they can sell them and use for their families' consumption.

"Ibibigay namin ito sa kanila bilang pangkabuhayan sa maliit na interes lamang para makabawas sila sa kanilang gastusin," Jimenez said.

Story of hope and success

ASFERJODA is one of the beneficiaries of the Presyo Trabaho Kita/Kaayusan (PTK), a program led by the Cayetano siblings that provides seed capital to selected sectoral groups nationwide to help them establish their own internal low-interest loan programs for members interested in microenterprises.

In 2014, ASFERJODA purchased a jeepney using seed capital they received. It continues to function and generate income for the association.

Liwanag happily reported that the association has earned P220,000 so far, which is being used as rolling capital for their low-interest loan program.

"Ipinangpapa-loan namin sa aming mga miyembro sa maliit na interes lamang para makatulong," Jimenez said.

In addition to loans for microenterprises, the income generated from their PTK jeepney enables the group to assist their members during financial emergencies and distribute year-end bonuses.

"'Yung boundary po nito, kung halimbawang may nangangailangan sa aming mga miyembro, ito po y'ung binibigay naming tulong sa kanila. Halimbawa, may nagkasakit sa kanilang pamilya. Malaking bagay po ito," ASFERJODA secretary Jay Sibug said.

Fueled by the hope ignited by their PTK success, Sibug expressed confidence that the rice retailing business received by the association this week will also thrive.

"Asahan niyo po, siguro more than five years ay nandito pa po y'ung mga binigay niyong pangkabuhayan sa amin," he said.

"Muli po nagpapasalamat po kami sa inyong magkapatid, Senator Alan at Senator Pia Cayetano," he added.


Jeepney drivers sa Pampanga nagpasalamat sa dagdag-kabuhayan mula sa mga Cayetano

Daan-daang jeepney driver sa Pampanga ang nagkaroon ng pagkakataong madagdagan pa ang pang-araw-araw na kita matapos makatanggap ng saku-sakong bigas pangkabuhayan nitong linggo mula kina Senador Alan Peter at Pia Cayetano.

Muling binista ng 'Bayanihan Caravan' ang Angeles-San Fernando Jeepney Operators Drivers Association, Inc. (ASFERJODA) sa San Fernando City upang maghatid ng saku-sakong bigas sa ilalim ng Integrated Livelihood Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong July 16, 2024.

Nagpasalamat si ASFERJODA President Manuel Liwanag sa natanggap na tulong ng asosasyon, na binubuo ng higit sa 600 tsuper at operator.

"Malaking bagay na naman ang dumating sa amin, y'ung pangkabuhayan na binigay sa amin. Paiikutin po namin at palalakihin ito," pahayag niya.

Ayon sa treasurer ng asosasyon na si June Jimenez, ipamamahagi nila ang mga bigas sa mga miyembro para kanilang maibenta at pagkain na rin ng kanilang mga pamilya.

"Ibibigay namin ito sa kanila bilang pangkabuhayan sa maliit na interes lamang para makabawas sila sa kanilang gastusin," ani Jimenez.

Kuwento ng pag-asa at tagumpay

Kabilang ang ASFERJODA sa mga benepisyaryo ng Presyo Trabaho Kita/Kaayusan (PTK), isang inisyatiba ng magkapatid na Cayetano kung saan nagbibigay sila ng puhunan sa mga piling samahan sa bansa upang makapag-umpisa ng sarili nilang loan program para sa mga miyembrong nais magtayo ng maliit na negosyo.

Taong 2014 nang matanggap ng ASFERJODA ang kanilang puhunan, na ginamit nila para makabili ng pampasadang jeep na hanggang ngayon ay kumikita at pinakikinabangan nila.

Masayang ibinalita ni Liwanag na nakaipon na sila ng P220,000, na kanilang pinaiikot at pinauutang sa mga miyembro ng asosasyon.

"Ipinangpapa-loan namin sa aming mga miyembro sa maliit na interes lamang para makatulong," ani Jimenez.

Dahil sa kinikita ng PTK jeepney, nakakapagbigay ng ayuda ang asosasyon sa mga miyembrong nangangailangan at year-end bonus sa lahat ng mga kasapi taun-taon.

"'Yung boundary po nito, kung halimbawang may nangangailangan sa aming mga miyembro, ito po y'ung binibigay naming tulong sa kanila. Halimbawa, may nagkasakit sa kanilang pamilya. Malaking bagay po ito," ani ASFERJODA secretary Jay Sibug.

Tiwala si Sibug na mapapalago rin ng asosasyon ang bigasan gaya ng tagumpay ng kanilang PTK jeepney.

"Asahan niyo po, siguro more than five years ay nandito pa po y'ung mga binigay niyong pangkabuhayan sa amin," aniya.

"Muli po nagpapasalamat po kami sa inyong magkapatid, Senator Alan at Senator Pia Cayetano," dagdag niya.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.