There were 1,301 press releases posted in the last 24 hours and 405,312 in the last 365 days.

Transcript Senate President Migz Zubiri of DWIZ Interview

PHILIPPINES, July 16 - Press Release
July 15, 2023

Transcript Senate President Migz Zubiri of DWIZ Interview

Q: One week from now, mag-oopen na ang Second Regular Session, magiging maluwag na ba dahil wala nang banta ng COVID 19?

SP MIGZ: Well, dito sa atin sa Senado, tinanggal ko na ang health protocols. Sabi ko nga lang we just do precautionary checks kung mayroong may ubo, sipon, kung mayroong hindi magandang pakiramdam, dapat mag-self isolate na lang po at hindi na pumunta sa SONA. Pero wala na tayong hinihinging RT PCR, antigen, at least sa Senado on the opening day on the 24th nang umaga. Pero doon yata sa House I think magpapakita pa rin yata ng vaccination card. Yun na lamang po ang hinihingi nila.

Q: Ano po ang inaasahan sa pagbubukas? May mga bagong rules ba na ipatutupad ang Senate?

SP MIGZ: Wala naman. It will be business as usual, we need to hit the ground running. Kailangan talaga maipasa na ang napakaraming mga hinihintay pa ni Pangulong Marcos na mga priority measures. Marami pa po tayong hindi naipapasa, kailangan talaga mag-double time. Nag-meeting kami ng LEDAC at pinag-usapan namin almost maybe 20 bills na maipapasa po natin para maging batas. Isa na diyan ang amendments BOT Law, 'yung PPP, yung Public Private Partnership Law, 'yung National Disease Prevention Management Authority, itong Internet Transactions or E-Commerce Law, ;yung Medical Reserve Corps, ;yung Virology Institute of the Philippines, ;yung Mandatory ROTC and marami pa. Itong revitalizing the salt industry, 'yung E-Governance Act, Valuation Reform, 'yung Ease of Paying Taxes malapit nang maipasa 'yan sa atin sa Senado. Yung Rightsizing Program, yung Unified System of Retirement Pension or MUP. Alam mo itong sa MUP ito yata ang pinaka sa tingin ko ay madugo. Medyo madugo dahil ayaw nating magalit ang military at police personnel sa atin na makakaltasan sila nang malaki. So naghahanap po tayo ng win- win solution para sa kanila. And our dear Secretary Gilbert Teodoro, he is doing his best para makipagdayalogo sa ating mga sundalo. And same with the DILG kay Sec. Benhur, he is also making dialogues with the PNP. Sharing lang kasi, alam mo kung hindi po natin gagawin po ito, Ate Cely, mauubos at mauubos po ang pondo ng gobyerno sa pension ng ating mga sundalo at pulis, kasi wala po silang kaltas, hindi katulad natin, GSIS or sa inyo sa SSS. Meron pong kaltas, may contribution po tayo para pagtanda po natin at pagretire may makukuha po tayong pension. Sa kanila kasi sa kapulisan at sundalo, ito ay directly binabayaran ng gobyerno. Pero nagkaroon na po ng distortion ng numbers. Ibig kong sabihin, there will come a time, in the next five years, 'yung estimation ng ating DND at DBM, na mas malaki ang binabayaran nating pension kesa sa military personnel. So ang laki na, lolobo nang lolobo yan at manggagaling po 'yan sa lahat ng buwis na binabayaran natin dahil walang pension fund, hindi po siya sustainable ika nga. So kailangan lang nating gawing sustainable.

Q: So hindi na ho maiiwasan na magkakaroon talaga ng contributions ang uniformed personnel?

SP MIGZ: Unavoidable eh. Pwede naman natin hindi pansinin ngayon, Ate Cely, but the next administration sasakit ang ulo nila. Parang we have to act now, stop the bleeding before we reach the point na ang laki ng binabayaran natin. It's gonna be hundreds of billions of pesos. Baka ang mangyari niyan mas mataas na ang binabayaran natin sa pension, as bigger than the modernization budget ng AFP, parang ganun ang mangyayari. Imbis na bibili tayo ng magandang equipo para sa kanila ay pupunta na lahat sa pension. So sabi nga natin it has to be sustainable like GSIS or SSS para sa ganun ay sa habambuhay natin ay meron talagang pondong makukunan ang ating mga kapulisan at sundalo.

Q: Hahanap po win-win solution, target ba itong maipasa bago matapos ang taon?

SP MIGZ: Yes, hopefully before December or at the very least, first quarter of next year. Maraming formula kasi, pati ang House of Representatives hindi pa nila naipapasa ito. So I believe magkakaroon talaga ng malawakang konsultasyon sa ating mga kapulisan at military. And meron namang magagandang proposal, more or less doon po parating ito, magkakaroon tayo ng pension fund o konting kaltas, galing sa ating mga sundalo at kapulisan para maging sustainable po ang kanilang pension fund.

Q: Na-mention niyo na next week, July 18, araw ng Martes ang signing ng Maharlika Investment Fund Bill, ang sabi ninyo sabay na rin ang extension ng Estate Tax Amnesty Bill, pero may pagbabago po ba?

SP MIGZ: Oo, may pagbabago yata. Parang ang balita po sa akin ngayon, confirmed ang MIF on Tuesday morning pero hindi pa raw maisasama ang Tax Amnesty kasi ang gusto ni Presidente, ibang araw 'yun. So we have to wait for further announcement, siyempre ang bola nasa PLLO at Malacanang kung kelan po nila gustong pirmahan ito. Pero Tuesday, as confirmed, the MIF will be signed by the President.

Q: Ano po assurance na mapipirmahan before na mag-SONA ang extension ng Estate Tax Amnesty?

SP MIGZ: Opo, alam mo totoo po 'yun. Ginawa po natin ito dahil medyo kapos ang oras noon sa pagbibigay po natin ng Estate Tax Amnesty. Marami pa rin po ang nag-aapply at hindi pa rin nila nata-transfer ang mga lupain, lalo na ang mga ninuno nila, mga nanay, tatay, lolo, lola na namatay na. Hindi pa nila inaaksyunan so binigyan natin ng extension para maaksyunan nila ang pagbayad ng estate tax ika nga. At magkakaroon po ng amnesty so lahat ng utang nila sa bangko, in terms or arrears and late payments, mawawala na po 'yan so mas magaan na po ang pakiramdam ng ating mga kababayan na nakakuha ng lupa galing sa kanilang mga ninuno, galing sa kanilang lolo at lola, so napakahalaga po niyan. We were hoping the week before the SONA kaya pa. Or maybe pagbalik na after SONA, or maybe the President can sign it without the ceremony kasi ginagawa rin po nya 'yun, wala nang seremonya at kailangan nang ipasa at pirmahan okay na po 'yun. We are willing to allow the President to do that. Hindi na kailangan ng maraming seremonya pa.

Q: So 'yung hindi pagsabay sa MIF ng signing ng extension ng Estate Tax Amnesty, it doesn't mean na mukhang may nasisilip na concern ang Malacanang?

SP MIGZ: Wala naman, scheduling problem lang po. Medyo busy na rin po si Presidente kasi ang alam ko next week lilipad sa isang Southeast Asian country si Pangulo and then after that ang dami nang economic activities for ASEAN or APEC tapos siyempre ang trabaho niya bilang Agriculture Secretary, ang dami po niyang nakabinbin pa na programa at trabaho. So it is just a scheduling problem at wala pong problema ang panukala.

Q: Sir, may dalawang panukalang batas na gusto ng author na sana naisama raw sa priority bills. Una yung panukalang lumikha ng Department of Water Resources dahil nga may problema sa El Nino at pagbaba ng water level sa mga dam at may mga possible water interruption. So sabi ni Senator Grace Poe ito yung nakikita niyang solution, 'yung paglikha ng naturang departamento at she is hoping na sana maisama pa rin ito sa priority. Si Senator Robin Padilla naman sana raw maisama ang FOI dahil ang tagal-tagal na nito, ilang dekada na hindi pa rin tayo nagkakaroon ng Freedom of Information Law. May tsansa po ba ang dalawang bill na yun?

SP MIGZ: Alam mo Ate Cely, nung 16th Congress, nung bumalik po ako 2016, nung naging Majority Leader po tayo, naipasa po natin ang FOI. Naipasa po ng Senado yan, that was passed by the Senate. For the first time na umabot nang ganun kataas na level na naipasa po sa legislative branch so pwede nating iprioritize muli ito. Ako isa ako sa mga author nun, siyempre susuportahan ko po ;yan. Kung magkaroon ng botohan, I would vote in favor of the Freedom of Information Law. So I think hindi po mahihirapan sa Senado 'yan dahil naipasa na natin 'yan dati. Ang isang panukala naman na binanggit mo, yung Department of Water. Kapag pinag-uusapan kasi namin sa LEDAC ang paggawa ng panibagong department, palaging nagsasalita ang Secretary ng DBM at DOF about rightsizing. Dahil siyempre gagawa tayo ng panibagong departamento. Meron naman silang panukala sa rightsizing na kung saan gusto nila i-streamline ang burukrasya ng gobyerno, parang mag-collapse ng ibang departments and offices na hindi kailangan o parang redundant or hindi na po relevant sa ating day-to-day activities. Para nang sa gayun makasave po ang ating gobyerno ng sweldo, makasave po ng capital outlay at maibigay po sa mga priority measures ng gobyerno. So 'yan, problema yung rightsizing so I think ang ginawa po ng Pangulo, nagsagawa siya ng Executive Order to come up with a Commission on Water parang doon na ilagay lahat ng agencies, attached agencies, let's say the DENR, the LWUA, andun na sa isang komisyon na yan under the executive order. Pero 'yun nga isa lang siyang executive order, pwedeng bawiin ng Presidente yan, pwedeng bawiin ng susunod na administrasyon. Ako po, author po ako, nagfile po ako ng Department of Water and Management so gusto ko rin pong mangyari 'yan. Pero parang 'yan nga ang concern ng DBM. Syempre kapag sinabi ng DBM at DOF na malabo 'yan, sayang din naman po ang trabaho namin na iveveto lang ng Pangulo. Maganda po kung may commitment mula sa Pangulo na ganun ang mangyayari. Handa naman kaming umaksyon kaagad. Marami pa naman ito, we have other bills pending, itong Waste to Energy bill, Philippine Passport Act, Magna Carta for Seafarers. May hiningi rin po ang DOF at Bangko Sentral--ipasa na namin ang Bank Secrecy Law. So I think we are going to prioritize that measure din na kung saan makakasilip na po ang mga government agencies, kung saan kapag may court order, pwede na po nilang silipin itong mga bank accounts na ito. Tayo na lang po ang bansa sa buong mundo na walang Bank Secrecy Law. Tayo na lang po. The last one is Lebanon I think, ipinasa na po ng Lebanon ang kanilang panukala. Tayo na lang. Kaya napakahirap mag-transact sa Pilipinas dahil ang Anti-Money Laundering Council sa buong mundo medyo ini-red flag tayo. Dahil nagiging hub tayo ng money laundering as reported to us by the Bangko Sentral. So in order to stop that kailangan na po nating ipasa ang Bank Secrecy Law. And I think for transparency's sake, kung wala ka namang itinatago, di ba? Wala ka namang itinatagong ill-gotten or illegal wealth, wala naman po kayong katatakutan. So that is one of the important measures na gusto ng Bangko Sentral na ipasa rin po natin including the anti-financial account scamming act. O ito po yung mga paggamit ng Gcash sa mga illegal activities, ang daming ganun eh. 'Yung paghingi po ng Gcash accounts. Meron po tayong panukalang ganun para sa ano ay hindi na po tayo mai-scam. Kasama po ito sa mga internet scammers. It is a complimentary bill to our Cybercrime Law.

Q: For the meantime, parang pagsasayang ng oras kung isusulong pa rin ang creation of Department of Water dahil mismong ang executive eh ayaw nito?

SP MIGZ: Hindi naman pagsasayang ng oras, pero we have to convince the executive kasi gagawa po tayo ng panibagong departamento so siyempre kapag ayaw ng executive 'yun, medyo sayang din ang ginastos po nating time, effort, and political capital para habulin ito. So 'yan ang concern ko po, pratikal po ako, dahil ayaw ko naman na nakatutok tayo diyan, marami pa pong nakabinbin na mga panukala na napakahalaga. Maya-maya iveveto lang ng Pangulo. If we have an assurance from the President that it will be supported, then definitely we have to approve it 100 percent.

Q: Yung nabanggit nyo na i-aamend niyo ang proposal niyo na P150 wage hike para sa mga manggagawa sa private sector, gagawin na lang P100 dahil nagkaroon na nga ng increase na P40 sa mga manggagawa sa NCR, magpafile po kayo ng bagong proposed bill?

SP MIGZ: Wala pa po tayong pinapalabas na committee report sa Committee ni Senator Jinggoy Estrada, ang iaamend lang po, medyo nagreact po ang labor groups bakit daw ako nag-backdown, hindi po ako nag-backout, P150 pa rin po ang isinusulong natin na minimum wage increase. Pero gumalaw na rin nag wage board sa NCR na gawin na pong P40 [ang increase], so we can make it graduated, for example sa NCR magdaragdag tayo ng P100, di ba? Sa Balance Luzon, Visayas at Mindanao gawin nating P150 para lahat ay pare-pareho na. Or gawin nating P110 ang Metro Manila tapos P150 na ang lahat. Pero sa Mindanao, alam mo Ate Cely sa Mindanao, ang sweldo po ng ating mga kababayan diyan, ang pinakamababa ay P350 per day. Ganun din naman ang presyo ng gasolina, ganun din ang presyo ng kuryente, ganun din ang presyo ng tubig, mas mahal pa nga doon, mas mahal ang kuryente sa Mindanao. So it makes no sense na ang laki-laki ng increase dito sa Metro Manila but balance Luzon, itong Northern Luzon, Southern Tagalog, Bicol pati Mindanao and Visayas, ang ating minimum daily wage is only P350 to P370 per, day paano ka naman maka-survive niyan, Ate Cely? Hindi ka makakasurvive niyan kung gusto mo ng disenteng buhay para sa iyong pamilya. It is inhumane ika nga na gagawin po natin sa ating mga kababayan and alam mo naglabas na po ng survey and I forgot to bring the survey results. Andito po sa aking bag, hahanapin ko pa. Lumabas na po ang Pulse Asia Survey and sa Pulse Asia survey, the top problems, ang problema na hinaharap ang ating mga kababayan, number 1 inflation, closely followed by napakababang sahod. I will share to you, ishe-share ko po 'yan. Ishe-share ko rin po kasi naglagay din ako ng rider question sa Pulse Asia. Isa sa inilagay ko ay kung mababa ba o sapat na ang sweldo ng mga kababayan natin. 'Yun ang tanong sa survey, sapat na ba ang sweldo ninyo at gusto niyo bang itaas ito. Alam mo, Ate Cel, 98% ang nagsabing hindi sapat at gusto nilang itaas ang kanilang sahod, only less than 1% ang nagsabi na sapat na po and the other 1% is undecided. Ibig pong sabihin 98% ng ating population na talagang hinihingi po nila sa ating gobyerno na kung pwede itaas man lamang po ang kanilang sahod dahil hindi talaga kaya. 'Yan ang kailangan nating tutukan at pangako ko po 'yan, the Senate will make a stand on this issue, alam ko maraming magagalit sa ating mga negosyante but share share lang, kailangan din po nilang magshare ng biyaya sa ating mga manggagawa.

Q: Dahil po sa survey na yun, determinado kayo na isulong ang bill niyo na legislated wage hike?

SP MIGZ: Yes, ma'am. Ipapakita ko 'yan, exhibit A sa pagdating sa plenaryo, exhibit A po yan. Alam mo galing ako ng Hong Kong, kasama ko nga ang aking Arnis Team, ang dami kong nakitang OFW doon, ang daming lumapit sa akin, nagpapicture, nagpapasalamat. Alam mo ba't sila nagpapasalamat? Ang sabi nila sa akin, kapag itinuloy niyo ang wage hike na 'yan, makakauwi na kami sa Pilipinas at sa Pilipinas na lang kami magtatrabaho. Yan ang katotohanan, kung wala po tayo, kung hindi po natin itataas ang sweldo natin at mananatili pa ring napakababa, marami pa rin sa ating mga kababayan mag-aabroad. Simple lang yan, kaya wala tayong mga professional, nagkakaroon tayo ng braindrain, dahil mas malaki po ang binabayaran, doble, triple ang bayad sa ibang bansa. Kaya dapat tignan natin 'yan kasi kung hindi magkakaroon po tayo ng low skill labor dito sa Pilipinas, paano na ang manufacturing, paano na ang ating mga semi-conductor industry, paano na ang ating high value industries na kailangan talaga ng teknikal na tao. Ngayon po, Ate Cely, magtraining lang sila sa TESDA may technical skills na sila, nag-aantay lang sila ng passport para makaalis, 'yan ang katotohanan.

Q: Isa ka sa naglabas ng statement matapos ng nag-viral na video ng drag queen na ginamit ang Lord's Prayer doon sa isang bar. Ang sabi po niya, ang kanyang ginawa ay expression of art and faith, 'yun daw ang kanyang paraan to heal the exclusion dahil naranasan daw niya ang parang ipafeel sa kanya na he doesn't belong, na-experience niya as a Catholic and as a queer person.

SP MIGZ: Alam mo, yung masama kasi dito, Ate Cely, ginagawa nilang LGBT issue. Sa buong statement ko wala po akong minamaltrato, wala po akong binabanggit na LGBT. This is respect on one's religion and faith. Napakaimportante sa atin ito. Maraming martir, from the past and today, many saints from the past and today, they are dying in the name of the Lord Jesus Christ. In Africa, kapag hinahanting ng mga Islamist group doon at mga militanteng grupo, binebehead unless they denounce Christ. They die for our Lord above, they die for God. So this is not a laughing matter kapag ginawa mo ito, yung Our Father, our Lord's Prayer, gagawin mong disco song, kakantahin mo sa disco at gagawin mo pong show ang kanyang buhay at pagtatawanan ng tao. Alam mo in the memory of so many people who died for the love of God, for the love of Allah, 'yung mga Muslim brothers and sisters natin, napakabigat ng pananampalataya ng bawat tao at hindi po ito dapat pagtawanan, hindi dapat ito gawing comedy act. It is just a show of respect. Di ba sinasabi natin respects begets respect. Ang pag-respeto sa isang tao ay hinihingi po natin ang pagrespeto nila. It's a sign of respect. It has nothing to do with the LGBT. Kung tinignan niyo po ang statement ko, tama po kayo, Ate Cel, wala po akong binanggit diyan about LGBT. For all we know, ang nanonood niyan, kalahati niyan ay straight na tao. Whether straight ka man, LGBTQ ka, whether, whatever religion you are, whatever political ideology that you belong to, wala po akong pakialam, ang importante nagrerespeto po tayo sa ating pananampalataya. And that is very, very important. It is very important to us. Alam mo sa Senado, alam mo naman kapag nag-uumpisa tayo ng session, ano ang unang ginagawa natin. Opening prayer, why? After that national anthem. Because we believe, and I believe, I am conservative senator, we believe that it is God, country, and family. Those are three important pillars of our society. Kapag giniba mo yan, anong mangyayari sa ating bansa, sa ating mundo. My goodness. If we no longer believe in our faith. Wala nang direksyon ang mundo. We will collapse, morally we will collapse as a society and because of that baka magkaroon talaga ng grabeng giyera. Di ba sa areas na mga patayan, marami diyan walang pananampalataya, they don't care. So ang akin lang diyan, it is not about the LGBT issue, I do not care if you are straight, you are gay, you are queer, you are drag, ang importante is respetuhin nila ang ating pananampalataya, whether it is Christian, it is Muslim, it is Buddhist, or Hindu, we should not make fun of one's belief. Kasi napakatindi ito para sa ating mga naniniwala sa ating pananampalataya.

Q: Dapat bang makasuhan o ipagdasal na lang itong lumapastangan nga dito sa pananampalataya ng mga Katoliko?

SP MIGZ: Ang problema kasi sa Catholic Church--and I am thankful na naglabas na po ng pahayag ang CBCP. Naglabas na rin po ng pahayag ang Body of Christ, 'yung Evangelical Churches. Nagsalita rin po ang ating mga kapatid na Muslim. They came out also saying that this is disrespectful and blasphemous, even from their religion. Kasi naniniwala sila na si Hesukristo ay isang Propeta and kilala sa Quran. So ang mahalaga dito, sana itigil niya ang pag-mock ng ating religion at ating faith. If he doesn't want to tweak, it's up to the people, if there are groups that want to file violations to the Revised Penal Code under Article 201. Ang akin lang diyan, wag natin sigurong palampasin. There should be an action at the very least, it is unfortunate. Hindi ko siya kilala. He is not very apologetic, ayaw niya pong itigil ang kanyang performance, it is up to the faithful kung gusto nilang file-an ng aksyon. Pero ako ipinagdarasal ko na lang siya. I'm praying for his healing, his conversion, his enlightenment--alam mo God gave His life for us. 'Yun lang 'yan. Ibinigay ni Hesukristo ang kanyang buhay para sa atin tapos gagamitin mo ang costume niya, magsasayaw-sayaw ka doon, gigiling-giling ka doon. Oh my God! How many people have died in the name of the Lord? How many saints do we pray to that have been martyred in the name of the Lord? And there's this person na sumasayaw at gumigiling-giling doon na parang--oh my goodness. That's why God bless his soul and I hope that he seeks enlightenment. Ang akin lang doyan, itigil na niya 'yan. He is insulting millions of people at baka maging viral pa ito sa buong mundo, sa mga naniniwala sa ating mahal na Hesukristo. That is what I'm worried about. It may paint a bad light on us. In other countries, sasabihin nila ba't ako pupunta dyan, akala ko the Philippines is a Catholic Country, maraming Catholics and Christians, gustong bumisita dito para bumisita sa ating mga simbahan. Baka makita nila 'yan, sabihin nila aba pinatatawanan nila ang ating mahal na Hesukristo, bakit pa tayo pupunta diyan? Anyone that is decent na nakapanood niyan, lahat ng kaibigan ko, negative talaga ang kanilang reaction. Wala po akong nakikitang matino at disenteng tao ang nagsabi na tama ang ginawa niya. Please itigil na niya sana for the love of God.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.