There were 1,695 press releases posted in the last 24 hours and 406,122 in the last 365 days.

PH lags in skills ranking report; Gatchalian seeks reforms to boost competitiveness

PHILIPPINES, June 18 - Press Release
June 18, 2023

PH lags in skills ranking report; Gatchalian seeks reforms to boost competitiveness

Following the release of a report which showed the Philippines lagging behind its East and Southeast Asian peers in terms of skills, Senator Win Gatchalian pressed the urgency of implementing reforms to boost Filipinos' competitiveness.

Out of 100 countries, the Philippines placed 99 in online learning platform Coursera's 2023 Global Skills Report, which ranks skills and proficiency of learners in business, technology, and data science. The country's ranking fell by 29 spots from 70th place out of 102 countries in 2022.

The report further showed declining scores for the Philippines in terms of proficiency in business, technology, and data science. The country's business proficiency percentile rank fell from 62% in 2022 to 16% this year. From 29% last year, technology proficiency in the country fell to 5%, while data science proficiency dropped from 21% to 1%.

The report draws skills insights for 100 countries from Coursera's registered learner base of 124 million learners, 1.8 million of which are in the Philippines. The report's introduction clarified that its data surfaces trends among registered learners on Coursera and are not necessarily representative of a country's population. Sharing those insights, however, presents an opportunity to generate new, more granular insights and complement other, more traditional data sources on education, the report said.

Since the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) has begun its assessment of the country's education sector, Gatchalian maintained that the congressional body's proposed reforms should boost Filipinos' proficiencies in areas covered by the report, especially as more companies adopt new technologies to boost productivity.

While higher education institutions equip students with skills needed in the workplace, Gatchalian also emphasized that the senior high school program should deliver on its promise to ensure work readiness for its graduates. The Batang Magaling Act (Senate Bill No. 2022), which Gatchalian filed, proposes the creation of the National and Local Batang Magaling Councils to strengthen the linkages and collaboration among the Department of Education (DepEd), local government units, academic communities, and industry partners.

"Sa pagsulong at pagpapatupad natin ng mga reporma sa edukasyon, dapat tiyakin nating hindi mapag-iiwanan ang ating mga kabataang Pilipino pagdating sa kahandaan sa trabaho at sa paggamit ng mga bagong teknolohiya. Tungkulin nating siguruhin na akma ang kanilang mga kakayahan sa kinakailangan ng ating mga industriya," said Gatchalian.


Pag-angat sa competitiveness ng mga Pilipino isinusulong ni Gatchalian

Matapos lumabas ang isang ulat na nagpapakitang nahuhuli ang Pilipinas sa East at Southeast Asia pagdating sa skills, iginiit ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan sa mga repormang magsusulong sa competitiveness ng mga Pilipino.

Sa 100 na bansa, Pilipinas ang pang-99 sa 2023 Global Skills Report ng online learning platform na Coursera. Sinusuri ng naturang pag-aaral ang skills at proficiency ng mga mag-aaral pagdating sa business, technology, at data science. Dating pang 70 ang ranggo ng Pilipinas sa 102 bansang saklaw ng parehong ulat noong 2022.

Lumabas din sa naturang ulat ang patuloy na pagbaba ng proficiency ng mga mag-aaral sa business, technology, at data science. Bumaba sa 16% mula 62% ang business proficiency percentile rank ng bansa. Mula 29% noong nakaraang taon, bumaba sa 5% ang technology proficiency ng bansa at bumaba rin sa 1% mula 21% sa data science proficiency.

Gumamit ang ulat ng skills insights para sa 100 bansa mula sa 124 milyong mag-aaral na gumagamit ng Coursera, 1.8 milyon rito ang mula sa Pilipinas. Nilinaw ng ulat na ang datos na nakalap nito ay nagmula sa mga rehistradong gumagamit ng Coursera at hindi representasyon ng populasyon ng isang bansa. Gayunpaman, oportunidad ang pagbabahagi ng mga datos at resulta ng pag-aaral upang makakuha ng bagong impormasyong makakadagdag sa mga tradisyonal na pinagmumulan ng datos tungkol sa edukasyon.

Sa kabila ng ginagawang pagrepaso ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) sa performance ng sektor ng edukasyon, binigyang diin ni Gatchalian na kailangang iangat ng mga isasagawang reporma ang kakayahan ng mga Pilipino pagdating sa mga aspetong saklaw ng ulat ng Coursera, lalo na't patuloy ang paggamit ng mga kumpanya ng makabagong mga teknolohiya.

Habang responsibilidad ng mga higher education institutions ang paglinang sa kakayahan ng mga mag-aaral para sa trabaho, iginiit din ni Gatchalian ang mahalagang papel ng senior high school program upang maging handa sa trabaho ang mga graduates nito. Sa ilalim ng Senate Bill No. 2022, na inihain ni Gatchalian, isinusulong ni Gatchalian ang paglikha ng National at Local Batang Magaling Council upang paigtingin ang ugnayan sa pagitan ng Department of Education (DepEd), local government units, mga paaralan, at mga katuwang sa industriya.

"Sa pagsulong at pagpapatupad natin ng mga reporma sa edukasyon, dapat tiyakin nating hindi mapag-iiwanan ang ating mga kabataang Pilipino pagdating sa kahandaan sa trabaho at sa paggamit ng mga bagong teknolohiya. Tungkulin nating siguruhin na akma ang kanilang mga kakayahan sa kinakailangan ng ating mga industriya," ani Gatchalian.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.