There were 194 press releases posted in the last 24 hours and 463,043 in the last 365 days.

Statement of Senator Ramon Bong Revilla Jr.

PHILIPPINES, March 2 - Press Release
March 2, 2023

STATEMENT OF SENATOR RAMON BONG REVILLA JR.
"TSUPER, TULUNGAN, HUWAG DURUGIN!"

KAISA ako ng sambayanang Pilipino at hindi tayo tutol sa planong modernisasyon dahil nakita na natin ang kahalagahan nito sa bansa ngunit tila kailangan nito ng tamang pagkakataon

Kailangan natin sa panahong ito ang magbigay ng pagkakataon upang mas mabilis na makabawi ang mga naghihikahos na operator at tsuper na halos hindi pa nakakabangon sa pagkakalugmok dulot ng pandemya.

Hindi makatutulong kung magpapalitan tayo ng paliwanagan na magdudulot ng ating pagkakahati-hati dahil sa dulo ng lahat ng ito ay dapat makitaan tayo ng pagkakaisa bilang isang Pilipino.

Suportahan natin ang isa't-isa at paghupa ng sitwasyong ito ay sama-sama nating makikita ang solusyon kung paano natin ireresolba ang pagsubok na ito sa pagitan ng pamahalaan at ng ating mga operator at tsuper.

Imbes na durugin ay tulungan natin ang mga kababayan nating may higit na pangangailangan!

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.