Jinggoy: It's time to make 'no permit, no exam' policy in schools as unlawful
February 24, 2023
Jinggoy: It's time to make 'no permit, no exam' policy in schools as unlawful
SENATOR Jinggoy Ejercito Estrada is backing moves to make unlawful the practice "no permit, no exam" policy in public and private schools as he stressed that a learner's inability to pay his or her tuition and other fees should never be a hindrance to the completion of their education.
"Especially during these times that we are still recovering from the wrath of the COVID-19 pandemic, there remains a large number of families who are still struggling to make both ends meet. Earning a living may be difficult, and yet they still give priority to the education of their children in the hope of a better and brighter future for them," Estrada said in reference to Senate Bill No. 1359.
"Now that we have just resumed conducting face-to-face classes, our learners are not encountering new challenges. Undeniably, it is not easy to shift back to such a mode of learning after two years of being restricted by the pandemic. Hence, during these times and beyond, it is our duty to allow them to focus on overcoming the challenges of learning and not the cost of learning," the senator stressed.
Estrada said that as early as the 16th Congress, he has been pushing for the enactment of the measure prohibiting any education institution from disallowing any student from taking examinations due to non-payment of tuition and other school fees.
"Sa mga pagkakataon pong ganito, ang kailangan ng ating mga mag-aaral ay suporta, hind panggigipit o diskriminasyon," the lawmaker said, adding a genuine inclusive education embraces all learners who are in need, including those who are financially distressed.
In enacting the measure, Estrada pointed out that the proposed law does not entail the grant of financial assistance or discount to students and funding or allocation from the government.
"Ang tanging ibinibigay lang po natin sa ating mga mag-aaral ay ang pagkakataon na makapag-exam kahit hindi pa sila bayad o kulang pa ang kanilang bayad sa kanilang paaralan. Gayun pa man, malaking tulong na ito sa ating mga kababayan na naghihikahos ngunit patuloy na umaasa at nangangarap para sa mas magandang buhay," said Estrada.
"Let us support our students who strive to finish their studies. Tulungan din natin ang kanilang mga magulang na nagsusumikap na sila ay magkaroon ng magandang edukasyon," he added.
Pagpasa ng batas kontra sa 'no permit, no exam' policy sa mga paaralan, napapanahon na - Jinggoy
SUPORTADO ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang mga hakbang na gawing labag sa batas ang patakarang "no permit, no exam" sa mga pampubliko at pribadong paaralan dahil sa kawalan ng pambayad sa matrikula at iba pang bayarin ng estudyante.
Para kay Estrada, hindi kailanman dapat maging hadlang para makapagtapos sa kanilang edukasyon ang kakapusan sa pambayad sa paaralan.
"Sa ganitong mga panahon na bumabangon pa tayo sa hagupit ng pandemyang dulot ng COVID-19, malaking bilang pa ng mga pamilya ang hirap sa buhay. Kapos man sila sa pang-araw-araw na pangangailangan, binibigyan pa rin nila ng prayoridad ang pag-aaral ng kanilang mga anak dahil hangad nila ng mas maganda at maayos na kinabukasan para sa kanila," sabi ni Estrada patungkol sa Senate Bill No. 1359.
"Ngayon na bumalik na tayo sa pagsasagawa ng face-to-face classes, nahaharap sa mga bagong hamon ang ating mga mag-aaral. Hindi maikakaila na hindi madaling bumalik sa nakagawiang paraan ng pag-aaral pagkatapos ng dalawang taong pandemya. Kaya tungkulin natin na bigyang-pansin ang mga hamon sa pag-aaral, hindi lang ang mga gastusin sa pag-aaral," sabi pa ng senador.
Isinulong na ni Estrada noon pa lamang 16th Congress na gawing labag sa batas ang polisiya na nagbabawal sa sinumang mag-aaral na kumuha ng pagsusulit kung hindi pa sila bayad sa matrikula at iba pang bayarin sa paaralan.
"Sa mga pagkakataon pong ganito, ang kailangan ng ating mga mag-aaral ay suporta, hind panggigipit o diskriminasyon," sabi pa ng mambabatas.
Dagdag pa niya, ang tunay na inclusive education ay sumasaklaw sa lahat ng mga mag-aaral, may kakayahan man o kapos sa pananalapi.
Sa pagsasabatas ng panukalang ito, ipinunto ni Estrada na hindi kakailanganin na tustusan ito ng gobyerno o bigyan ng tulong pinansyal o diskwento ang mga estudyante para maisakatuparan ito.
"Ang tanging ibinibigay lang po natin sa ating mga mag-aaral ay ang pagkakataon na makapag-exam kahit hindi pa sila bayad o kulang pa ang kanilang bayad sa kanilang paaralan. Gayun pa man, malaking tulong na ito sa ating mga kababayan na naghihikahos ngunit patuloy na umaasa at nangangarap para sa mas magandang buhay," saad ni Estrada.
"Suportahan natin ang ating mga mag-aaral na nagsusumikap na makatapos sa kanilang pag-aaral. Tulungan din natin ang kanilang mga magulang na nagsusumikap na sila ay magkaroon ng magandang edukasyon," dagdag pa niya.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.