There were 1,292 press releases posted in the last 24 hours and 441,209 in the last 365 days.

SIRM transcript of interview over DZRH's Dos por Dos

PHILIPPINES, May 26 - Press Release
May 24, 2022

SIRM TRANSCRIPT OF INTERVIEW OVER DZRH's DOS POR DOS
May 24, 2022

DZRH: Baka naman yung bilangan sa Senate presidency ang maaksyon?

SIRM: Yan yan ang katakot-takot na tsismisan. Sa palagay ko lahat ng panig wala pang sapat na boto although presumptive sinasabi si Majority leader Migz Zubiri, may boto rin si Sen. Cynthia at nagpahiwatig rin ang kasamahan nila si Sen. Win Gatchalian, may ambisyon ring mag-SP.

DZRH: Kayo po ba ay running for SP din?

SIRM: Naku ha, nakakahiya naman. Ang first cousin ko na si Martin Romualdez, ang House Speaker. At saka mayabang kasi, sinabi ko na sa kanila, kahit kamoteng komite ayos lang, kasi sikat naman ako.

DZRH: Walang interes na mag-SP si Sen. Imee, pero sino ang lamang sa tingin mo?

SIRM: Hindi ko pa alam. Kasi kung tutuusin, apat yung minmority, yung dalawang Cayetano malamang, tapos sinasabi nga sina Risa H. at Koko P. Ang matitira 20, papaano kung 10 at 10...e kailangan talaga para maging magjority 13. So, kulang sa bilang talaga yung tatlong panig. Bitin pa. Two months to go naman, kaya keri pa yan!

DZRH: Nililigawan po ba kayo? Paano po ba "manligaw" si Sen. Zubiri?

SIRM: Hindi naman ako "nililigawan" e. Biru-biruan namin kay Migz. Migz, sobrang bolero mo, hindi ka na tumatalab sa amin, lahat ng mga babae(Senador) niloloko sya, pati si Minority leader(Drilon). Sabi nga ni Tito Frank Drilon, sobrang bolero ang batang ito. Pero ang tyaga nya, tyaga nya talaga, ang hirap-hirap mag-majority leader. Alam mo naman, kanya-kanyang bidahan.

DZRH: Ano bang ipinapangako sa inyo na komite?

SIRM: Wala naman ipinapangako sa akin si Migz so, ewan ko, antayin ko munang mambola, mahina, mahina.

DZRH: Si Tita Cynthia(Villar), nililigawan na ba kayo?

SIRM: Hindi naman, si Tita Cynthia kasi kapartido ko, kaya iba kasi ang hatian ng komite dyan, medyo based din sa partido di ba? Nung nag-CA ako, half of the term, ganun. May kanya kanyang assign sa partido kung sino ang Nacionalista.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.