Pangilinan to Comelec: Siguruhing payapa ang halalan
Pangilinan to Comelec: Siguruhing payapa ang halalan
"Kinokondena natin ang barilan na nangyari sa miting ni Ka Leody De Guzman kasama ang mga lider ng Manobo-Pulangiyon sa Bukidnon kahapon. Lima ang nasaktan, kabilang ang apat na katutubo at isa ang volunteer.
Election period ngayon at merong firearms ban. Ano ang nangyayari, Comelec?
Dapat niyong panghawakan nang maigi ang kondukto hindi lang ng eleksyon kundi pati rin ng kampanyan.
Dapat itigil ang mga karahasan na nagaganap kaugnay ng halalan.
Dapat ipakita ng Comelec na hindi ito inutil laban sa karahasan.
Tungkulin ng Comelec na siguruhing mapayapa, malinis, at tapat ang eleksyon at kampanya."
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.