There were 1,276 press releases posted in the last 24 hours and 430,557 in the last 365 days.

Poe sa pagpapababa sa e-wallet charges:

PHILIPPINES, February 18 - Press Release February 18, 2022

Poe sa pagpapababa sa e-wallet charges:

Hinihimok natin ang Bangko Sentral ng Pilipinas na hikayatin ang mga bangko at institusyong pampinansyal na babaan ang kanilang singil sa mga transaksyong digital habang nagsusumikap ang mga Pilipinong malampasan ang hagupit ng COVID-19.

Sa gitna ng pandemya, milyun-milyon ang nagsimulang gumamit ng e-wallet at digital payment systems na nagbunsod upang kumita ang mga bangko at iba pang institusyong pampinansyal malapit na sa lebel bago tumama ang pandemya.

Marami pa rin ang walang trabaho, samantalang ang iba ay pinagkakasya ang bawa't piso para mairaos ang kanilang mga pamilya.

Ang mababang bayarin ay hindi lamang makakabawas sa kanilang gastusin, kundi mag-uudyok din ng lalong paggamit sa mga e-wallet.

Ang ating mga kababayan ang dapat na pinakamahalaga, at kung hindi natin sila tutulungan, mahihirapan din ang ating ekonomiyang makabangon sa epekto ng pandemya.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.