There were 522 press releases posted in the last 24 hours and 422,864 in the last 365 days.

Kiko suportado ang pagtaas ng taripa, pagsuspinde ng importasyon ng bigas

PHILIPPINES, August 4 - Press Release
August 4, 2025

KIKO SUPORTADO ANG PAGTAAS NG TARIPA, PAGSUSPINDE NG IMPORTASYON NG BIGAS

"Sinusuportahan natin ang pagtaas ng taripa. Sinusuportahan din natin ang pagsuspinde ng importasyon ng bigas, lalong-lalo na tuwing anihan. Anihan ng palay ngayon hanggang mga Oktubre.

Halos araw-araw nakakatanggap tayo ng hinaing sa mga magpapalay. Minsan text, minsan sa harapang usapan. Naiiyak, nagagalit. Bukod sa pagsalanta ng bagyo, nasasalanta rin ng sobrang babang presyo sa pagbili ng kanilang palay.

Mula lima hanggang siyam na piso na lang kada kilo ang pagbili sa kanila ng palay, samantalang mga 14 hanggang 16 pesos ang production cost. Luging-lugi na ang ating magpapalay.

Hinihikayat din natin ang Department of Agriculture na ipatupad na nang buo, tuluyan, at kumpleto ang Sagip Saka. Pati ang mga malalaking kumpanyang may kinalaman sa pagkain, direkta na kayong bumili ng inyong mga pangangailangan sa mga magsasaka at mangingisda."

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.