There were 151 press releases posted in the last 24 hours and 423,238 in the last 365 days.

WIN TRANSCRIPT | DZBB Bantay Balita sa Kongreso interview kay Sen. Win Gatchalian kasama sina Nimfa Ravelo at Isa Umali hinggil sa energy supply at dagdag na buwis

PHILIPPINES, May 14 - Press Release
May 14, 2023

DZBB BANTAY BALITA SA KONGRESO INTERVIEW KAY SEN. WIN GATCHALIAN KASAMA SINA NIMFA RAVELO AT ISA UMALI HINGGIL SA ENERGY SUPPLY AT DAGDAG NA BUWIS

ON ENERGY SUPPLY

Q: Senator, patulong po sa pagpapaliwanag at paghanap ng solusyon tungkol po dito sa kuryente. Mortal sin na magkaroon ng brownout nang ganito kainit. Ano ho bang nakita nyong problema dito at solusyon?

SEN. WIN: Nimfa, anim na taon na tayong magkakilala, anim na taon na nating pinag-uusapan ito. At nung huling anim na taon, talagang every summer na lang ay kinakabahan tayo dahil madalas na nagbabrownout at may mga reporma tayong itinulak katulad nung reliability index na ang ERC ngayon ay sinusundan ang araw na pwedeng mag-maintain ng mga power plants. Hindi sila pwedeng mag-shutdown ng power plants tuwing summer. Itinulak din natin ang reserves kaya may reserba na ngayon sa ating mga transmission line. Pero itong pag-brown out noong Abril at Mayo, kakaiba dahil ang naging sanhi naman dito hindi power plant, kundi transmission line. At itong tatlong araw na red alert ang dahilan dyan ay nagtrip ang mga transmission lines. Ibig sabihin ang mga transmission lines ay hindi name-maintain nang mabuti, hindi naaayos nang mabuti. Natuklasan din namin na maraming projects na delayed. For example, yung Visayas-Mindanao interconnection na dapat 2019 pa tapos hanggang ngayon hindi pa tapos. Meron pa nga ibang linya na dapat iupgrade kagaya ng Cebu-Panay transmission line na 2019 dapat upgraded na yan, hanggang ngayon hindi pa. Kaya dalawang bagay ang nakikita kong dapat panagutin, ang NGCP. Una ang pagme-maintain ng transmission lines, pangalawa yung mga delayed na projects.

Q: Nabanggit ni Sen. JV Ejercito ang pagrepaso sa prangkisa ng NGCP, isa ho ba yun sa maaaring maging solusyon sa mga problemang kinakaharap natin sa kuryente ngayon at tanungin ko lang din dun sa delayed, ano ho ang reason kung bakit nadelay?

SEN. WIN: Isa, dapat matandaan ng mga franchise holders, lahat, utility, NGCP, lahat ng may franchise na ang franchise ay pribilehiyo yan. Hindi yan karapatan kundi pribilehiyo na ibinibigay ng estado, ng state para makapag-operate sila ng mga public utility. So ang ibig sabihin nito nanggaling sa taumbayan ang kapangyarihan nila para mag-operate ng ganitong transmission lines. Pero kung hindi maganda ang pag-ooperate nila, karapatan din ng taumbayan na tanggalin ang prangkisang yun. Kaya titignan nating mabuti. Unang-una dapat maimbestigahan ng DOE kung bakit nagkaroon ng tripping, bakit nadedelay ang projects. At pangalawa kung talagang makita nila na may problema ang NGCP, dapat panagutin, pagmultahin. At kung talagang malubha for example maraming hindi magandang nakikita pwedeng kanselahin ang kanilang prangkisa. Dahil ang prangkisa nakasaad doon na dapat maayos ang pagbibigay ng serbisyo sa taumbayan.

Q: Yan nga po ang kasunod kong itatanong din sana. Napapanahon ho ba na repasuhin ang franchise ng NGCP. Tama ho ba 50 years ang naibigay ditong franchise?

SEN. WIN: Yes, 50 years ang franchise at parang nakakakalahati na kung hindi ako nagkakamali. Pero umpisahan natin yan sa imbestigasyon, importante dahil very technical yan, dapat malaman natin ano ang sanhi ng pagti-trip ng line dahil dapat ang linya hindi nagtritripping yan at pangalawa yung mga projects kung ontime ang projects, for example yung Mindanao labis labis, sobra sobra ang kuryente doon. Kapag nakabit na natin yan dito sa Luzon, pwedeng magbato ng kuryente mula Mindanao papunta ng Luzon so hindi tayo magkakaroon ng shortage. Pero dahil nga delayed na yan ng almost three years kaya nalalagay tayo sa alanganin kapag walang kuryente. Kaya itong pagdedelay ng projects tignan din natin dahil may isa ring bagay na kailangang tignan kapag nag-aapply ka ng projects at pinayagan kang gumawa ng bagong project pwede ka nang maningil sa consumers. So naniningil ka na, hindi pa pala tapos ang project. So unfair naman yun, nangako ka sa amin na tatapusin mo ang project, pinayagan kang maningil pero hindi ka naman natatapos, delayed ka o hindi mo natapos ang projects.

Q: So ibig sabihin po Senator Gatchalian pwedeng naniningil na sila para sa construction ng facilities para po sa interconnection ng kuryente from Mindanao to Luzon and Visayas?

SEN. WIN: Tama dahil ganyan ang sistema sa atin. Kung may project ka pwede ka nang maningil kumbaga sabay mong ginagawa ang project at nakakabawi ka na sa project. Kapag ontime ang project walang problema yan. Pero kung ang project ay delayed, yan ang nagiging problema dahil naniningil ka na pero hindi pa namin nakikita. Kaya maraming beses kung matatandaan nyo, maraming beses pinaparefund ng ERC ang pondo dahil hindi pa nila natatapos ang project o delayed ang project.

Q: Kung nasisingil na nila sa atin, hindi pa nila nagagawa ang project, di ba tayo nagigisa sa sarili nating mantika?

SEN. WIN: Totoo yun.

Q: Pagbabayarin natin sila ng penalty, baka yung penalty sa atin din sinisingil?

SEN. WIN: Tama yun, hindi pwedeng singilin ang penalty sa atin ah. Hindi pwede. Kaya binibigyan ko ng diin ang responsibilidad ng ERC, napakahalaga ng kanilang responsibilidad dahil binabantayan nila ang interes ng consumer. Sila lang ang may technical guide, mababantayan naman yan dahil makikita naman yan sa libro. Ang problema kasi sa atin kung hindi ka magreklamo, hindi mag-iimbestiga. Tahimik lang lahat kaya dapat talaga maging alisto tayo sa mga ganitong bagay.

Q: Bakit nga daw po ano ang idinadahilan ng NGCP bakit delayed?

SEN. WIN: Ang pinakakumbinyenteng dahilan ay yung pandemic. Yan talaga ang default, kapag may delay, pandemic, kapag may problema, pandemic. Yan talaga ang dahilan. Pero nakita ko kasi as early as 2019 delayed na. Kung matatandaan natin nagkaroon na tayo ng imbestigasyon dito at napinpoint nga namin na karamihan sa mga proyekto ay delayed na. Yan ang isa sa mga sanhi kaya marami sa linya natin ay under capacity, ibig sabihin ang linya hindi kayang magbato ng malaking suplay ng kuryente. Kaya as early as 2019 marami kaming projects na nakitang delayed na.

Q: Ang ERC ba sapat po ba ang ginagawa na pagpukpok sa NGCP para tuparin ang kinontrata nito na gagawin para sa daloy ng kuryente?

SEN. WIN: Nakita ko ang ERC ngayon ay mas mabilis sila at talagang kumbaga nagrereact agad, nagbibigay agad ng mga investigation o tinitignan kaagad ang mga problema. May bago tayong ERC Chairman at nakita ko naman na siya ay alisto at mabilis na gumagalaw.

Q: Sa tripping ng kuryente, hindi ba ito nagiging sanhi ng pagtataas ng kuryente?

SEN. WIN: Wala naman siyang koneksyon dahil ang tripping more on technical siya, si WESM more on pricing. Wala naman akong nakikitang koneksyon. Most of the time, ang tripping technical siya ibig sabihin hindi name-maintain nang mabuti ang mga linya o under capacity ang mga linya o ang linya hindi maganda ang pagre-repair ang mga ganyan na bagay. Wala naman siyang koneksyon sa pricing.

Q: Good to hear Sir.

SEN. WIN: Itong pagtataas natin ng kuryente, nakita ko dahil konektado ang kuryente natin sa pangyayari sa labas eh. Kung matatandaan natin imported ang ating lahat ng coal, imported ang coal natin. Ang natural gas natin naka-peg yan sa international market kaya makikita natin ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng kuryente dahil sa nangyayari sa labas tulad sa Ukraine.

Q: May mga nananawagan na sana tanggalin ang VAT o ibang charges?

SEN. WIN: Marami na tayong natanggal. Nung chairman tayo ng Energy Committee matatandaan nating meron tayong Murang Kuryente Act. Tinanggal na natin lahat ng universal charges doon. Isa na lang natitira yung missionary electrification. Pero yung mga branded cost, natanggal na lahat yun, halos piso rin yun lahat lahat per kilowatt hour. Meron pa doon mga tinitignan kami kung pwedeng tanggalin kagaya ng system loss ping-aaralan namin paano tanggalin. At pinag-aaralan din namin kung merong double counting ang VAT so pinag-aaralan din natin yun.

Q: Dito po sa mga pagkukulang ngayon ng korporasyon, ito ba nagwawarrant ng review ng kanilang performance o review ng kanilang franchise? Saka sa buyback ng gobyerno?

SEN. WIN: Ako, nagfile ako ng resolution para imbestigahan itong nangyari at tignan din ang delayed projects. In fact, dalawa na ang resolution ko. Isa sa delayed projects, isa dito sa nangyari. At talagang kailangan ng regular na pag-ooversight ng prangkisa, hindi lang ng NGCP kundi lahat ng prangkisa dahil nga ang prangkisa pribilehiyo yan na ibinigay ng taumbayan at ang kapalit ng pribilehiyo na yan ay magandang serbisyo. Just imagine that isa lang ang NGCP sa buong Pilipinas, monopoly sya. Kung ayaw mo sa NGCP wala kang choice, sa kanya ka rin babagsak dahil monopoly sya. So yang monopoly na yan dapat isukli mo sa amin magandang serbisyo. Yun lang naman ang hinihingi namin wag nang magkaroon ng brownout, tapusin mo ang project dahil wala kaming choice. Ako bilang consumer wala akong choice kundi NGCP lang talaga ang pupuntahan ko. Kaya kung hindi nila ginagawa ang trabaho nila, parang pang-aabuso yan ng consumer dahil wala tayong matakbuhan at kung may pang-aabuso dapat i-review ng Kongreso at kung makitang talagang nang-aabuso na pwedeng kanselahin ang prangkisa.

Q: Sabi po ni Senator JV Ejercito sana raw bilhin, dalawang bagay ito national security at sensitibo sa NGCP, tinutukoy nya po ang 40% share ng China doon po sa NGCP. May nakikita ba kayong issue dito?

SEN. WIN: Nimfa...kaya kapag nagkaroon ng alitan sa pagitan ng Pilipinas at China, hindi naman nila kailangang magpadala ng bala o missiles eh. Papatayin lang nila ang kuryente natin tapos na tayo. Dahil nga 40% ay pagmamaya-ari ng China kaya nga isa pa yan kaya dapat magkaroon ng oversight. Tignan natin kung ang NGCP sinusunod ang ating saligang batas. Mahigpit ang saligang batas natin kapag ganitong utility dapat 40% lang sila at ang management dapat sa mga Pinoy. Nung mga unang panahon ko bilang chairman, nadetect namin na may Chinese management na nakaupo sa kanilang management committee. May mga Chinese na matataas ang ranggo sa NGCP at mataas ang ranggo mo ibig sabihin may impluwensya ka sa Management, yun ang nakakatakot. Unang-una, lumabag sila sa saligang batas at pangalawa pwede nilang imanipula.

Q: Pwede nilang isabotage ang ekonomiya natin thru NGCP?

SEN. WIN: Oo kaya nga dapat hindi lang ang tinatawag nating commercial value ang tignan natin kundi ang national security dahil ang national security natin ay pinoprotektahan ang interes ng mamamayan at mas malaki ang tinitignan, ano ba ang pwedeng gawin ng ibang bansa para malagay tayo sa hindi maganda. So itong aspeto ng national security ay dapat mapag-usapan din sa transmission line natin.

ON NEW TAXES

Q: Yun pong pagtataas ng buwis ng sugary products at motor vehicles, saka 1% na withholding tax sa online merchants, ano po ang tingin nyo dito?

SEN. WIN: Ako sang-ayon ako doon sa mga health tax dahil alam naman natin, for example paninigarilyo, pag-inom ng alak, yung minatamis na inumin, lalo na ang matatamis talagang diabetes ang bagsak mo dyan, proven na yan, hindi na natin kailangang pagdebatehan pa yan na kapag umiinom ka ng matatamis lalo na ang mga hindi natin alam ang mga soft drinks, yung powdered drinks, kapag tinignan mo asukal yan na may coloring. Yung 3-in-1 wala namang kape doon, asukal lang yun saka coloring, konti lang ang kape doon. So ang punto ko lang naman para sa kalusugan, sang-ayon ako. Pero hindi ako sang-ayon na taas tayo ng taas ng buwis pero hindi natin inaayos ang proseso natin. Example, marami pa rin akong nakukuhang complaint pagdating sa corruption sa BIR at BOC. Marami pa rin akong nakukuhang complain na pahirapan ang pagbayad ng estate tax, pahirapan ang pagbayad ng buwis natin dahil ang daming fixer na umaaligid sa labas ng mga BIRoffice kaya ang punto ko dito, bago tayo mag-usap ng pagtataas ng buwis, pag-usapan muna natin ano ang mga repormang ginawa natin para dumali ang buhay ng pagbabayad ng buwis at hindi na nakokorap ang sistema natin at napaparusahan ang mga umaabuso. At pangalawa, marami pa rin akong nababasa tungkol sa smuggling. Kailan lang may nabasa akong may smuggling ng gasolina, tapos may tripping ako sa mga ibang kumpanya at nasabi sa akin na ang dami pa ring smuggling na nangyayari. So tataas tayo ng buwis sa isang banda pinapayagan naman natin ang smuggling na pumapasok na hindi natin nabubuwisan. Ang punto ko lang naman bago natin pag-usapan itong pagtataas ng buwis, pag-usapan muna natin ang mga reporma sa paglalaban sa smuggling at pagdadali ng buhay sa pagbabayad ng buwis.

Q: Pati po ang asukal na nilalagay sa sugary drinks ay smuggled din?

SEN. WIN: Parang wala rin dahil hindi sila nagbabayad ng buwis. Kaya yan ang dapat nating tignan ang tinatawag na tax administration. Madali magtaas ng buwis pero mahirap kumolekta at yung pagkokolekta ang dapat nating ayusin. Dahil kung magtataas at magtataas lang tayo ng buwis ang matutuwa dyan yung mga hindi nagbabayad dahil hindi sila nagbabayad.

Q: Nakikipagusap na po ba sa inyo ang Department of Finance?

SEN. WIN: Wala naman. Wala naman kaming pag-uusap pa sa ngayon. Nababasa ko lang sa news ang aming tinatapos ngayon ang unang-una ang Taxpayers Bill of Rights para mabigyan natin ng karapatan ang ating mga taxpayer labanan ang korapsyon at pang-aabuso. Ang isa yung Ease of Paying Taxes na sa ngayon pwede na sa internet na magbabayad ng buwis at pangatlo, meron kaming inaayos na Real Estate Property tax para mas mabilis ang pagbabayad ng real estate taxes sa LGUs natin. Kaya marami dito administration hindi natin binabago kumbaga ang level ng tax rates kundi yung pagbibilis lang ng pagbabayad ng buwis.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.