There were 565 press releases posted in the last 24 hours and 301,720 in the last 365 days.

Gatchalian wants LGUs to be better equipped for disaster-preparedness amid extreme weather events

PHILIPPINES, May 7 - Press Release
May 7, 2023

Gatchalian wants LGUs to be better equipped for disaster-preparedness amid extreme weather events

Gatchalian wants local government units (LGUs) to be better equipped in their disaster-preparedness program to mitigate the impact of disasters and calamities due to extreme weather conditions. The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) has warned of an El Niño from June to August this year which could bring above-normal rainfall at the same time.

Specifically, Gatchalian wants LGUs to have more leeway in implementing projects that would strengthen their disaster preparedness, mitigation, response, and rehabilitation capabilities. To set this in motion, Gatchalian filed Senate Bill No. 939, An Act Expanding The Application Of The Local Disaster Risk Reduction And Management Fund, amending Republic Act 10121, otherwise known as The Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

He pointed out that RA 10121, which transformed LGUs' calamity funds into the Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) Fund, already authorized LGUs to utilize their calamity fund for projects and programs that enhance disaster preparedness and mitigate the effects of calamities. However, there are cases where some LGUs are unable to hire the necessary manpower that would enable them to have adequate response and assistance to affected citizens during disasters, Gatchalian said. Also, disaster-mitigation efforts would be greatly improved if LGUs have the necessary funds to provide local infrastructure projects designed to protect their localities against natural disasters, he added.

To address such issues, the proposed measure seeks to use the LDRRM Fund in financing infrastructure projects designed to mitigate the effects of natural disasters, paying for obligations incurred in funding projects related to disaster preparedness and mitigation, and hiring necessary personnel required to implement disaster risk reduction and management programs.

PAGASA has recently issued an El Niño alert. It also launched a P1.2 billion impact-based forecasting project which aims to provide data that will help authorities in taking the necessary action in response to hazards.

"Ang epekto ng mga kalamidad na kagaya ng El Nino at iba pang mga sakuna ay maiiwasan kung bibigyan natin ang LGUs ng kakayahan na mapalakas ang kanilang abilidad na makapagsagawa ng mga proyekto kabilang na ang pagpapatayo ng mga imprastraktura na makakatulong sa kanila sa oras ng kalamidad at iba pang sakuna," Gatchalian pointed out.

The El Nino phenomenon, which brings drier weather conditions could pose risks to food security as farmers grapple with low rainfall conditions and could adversely impact economies across the globe.


Palakasin ang kakayahan ng LGUs na paghandaan ang 'extreme weather events' --Gatchalian

Nais ni Gatchalian na maging mas mahusay ang mga local government units (LGUs) sa kanilang disaster-preparedness program upang pagaangin ang epekto ng extreme weather conditions. Nitong buwan lang ay nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng El Niño, na hindi lang tagtuyot ang dulot kundi maaari ring magdala ng mas maraming ulan sa bansa.

Sinabi ni Gatchalian na nais niyang magkaroon ng higit na kalayaan ang mga LGU sa pagpapatupad ng mga proyektong magpapalakas sa kanilang kahandaan sa kalamidad, mitigation response, at rehabilitation capabilities. Upang maisagawa ito, inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 939 o mas kilala bilang The Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Binigyang-diin niya na habang pinapahintulutan na ng RA 10121 ang paggamit nila ng kanilang calamity fund para sa mga programang nagpapahusay sa kanilang kahandaan sa mga sakuna, may mga kaso na kung saan may ilang LGU ay hindi nakakakuha ng karagdagang manpower na magbibigay-daan sa kanila na magkaroon ng sapat na pagtugon sa mga apektadong mamamayan sa panahon ng kalamidad, sabi ni Gatchalian. Aniya, ang mga pagsisikap sa disaster-mitigation ay lubos na mapapabuti kung ang mga LGU ay may sapat na pondo upang makapagsagawa ng infrastructure projects na magiging proteksyon laban sa mga sakuna.

Upang matugunan ang mga naturang isyu, ang panukalang batas ni Gatchalian ay naglalayong gamitin ang LDRRM Fund sa pagtustos ng mga proyektong pang-imprastraktura na dinisenyo upang pagaangin ang epekto ng mga natural na kalamidad, mabayaran ang mga obligasyon na natamo sa pagpopondo ng mga proyekto na may kaugnayan sa paghahanda sa sakuna, at makakuha ng mga kinakailangang tauhan tungo sa pagpapatupad ng mga programa.

Kasunod ng paglabas ng PAGASA ng El Niño alert ang paglunsad nito ng P1.2 bilyon na impact-based forecasting project na naglalayong magbigay ng data na makakatulong sa mga awtoridad sa paggawa ng kinakailangang aksyon bilang tugon sa mga panganib.

"Ang epekto ng mga kalamidad na kagaya ng El Nino at iba pang mga sakuna ay maiiwasan kung bibigyan natin ang mga LGU ng kakayahan na mapalakas ang kanilang abilidad na makapagsagawa ng mga proyekto kabilang na ang pagpapatayo ng mga imprastraktura na makakatulong sa kanila sa oras ng kalamidad at iba pang sakuna," dagdag ni Gatchalian.

Ang El Nino phenomenon, na nagdudulot ng mas tuyo na kondisyon ng panahon ay maaaring magdulot ng mga panganib sa seguridad ng pagkain habang ang mga magsasaka ay nakikipagbuno sa mababang kondisyon ng pag-ulan at maaaring makaapekto sa mga ekonomiya ng buong mundo.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.