There were 1,549 press releases posted in the last 24 hours and 453,808 in the last 365 days.

Transcript of interpellation of Senator Risa Hontiveros on the confirmation of PCO Secretary Cheloy Velicaria-Garafil

PHILIPPINES, March 15 - Press Release
March 15, 2023

TRANSCRIPT OF INTERPELLATION OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON THE CONFIRMATION OF PCO SECRETARY CHELOY VELICARIA-GARAFIL

Senator Risa Hontiveros (SRH): Just a few policy questions for the record. Una po, what are the views of the secretary regarding fake news? Which she already mentioned in her opening remarks. Paano po makakatulong ang PCO sa paglaban sa problemang ito at at least isiguro na ang opisina ay hindi gagamitin bilang instrumento para kumalat ang fake news?

Sec. Garafil: Ang fake news ay hindi itotolerate ng PCO. Actually, talagang inaabhor po namin ang fake news. In fact, in the past several days, madami po ding fake news na naranasan po ang PCO at mga members ng Office of the President kaya talaga po isa ito sa mga lalabanan po natin sa aking termino bilang secretary ng PCO.

In fact, meron po kami ngayong binubuo na media literacy program upang ito po ay tutukan natin. Pupunta po kami sa grassroots para tutukan itong problema ng fake news para wala na pong mabiktima at maturuan po ang ating mga kababayan na maging mapanuri po sa mga nakikita nila at nababasa sa social media.

SRH: Salamat po Sec. At I do note Mr. Chair na bilang PCO chief, nangako na si Sec. na ipromote yung transparency, accuracy, at saka accountability and specifically yung paglabag ng mga programa laban sa fake news.

To my next question, Mr. Chair, early in the administration of the president, yung dating head po ng PCOO, ay nagsulong ng polisiya na mag-accredit ng vloggers bilang bahagi ng Malacanang Press Corps. Gaano po ka-iba o ka-pareho ang magiging approach ni Sec tungkol sa bagay na ito?

Sec. Garafil: Ang pag-accredit po sa ating mga vloggers ay patuloy po nating pinag-aaralan, kasama po iyan sa ating mga programa na pinag-aaralan po ngayon. In time, pag nagkaroon na kami ng malawakang pag-aaral, ibibigay po namin ang aming sagot with respect to that issue.

SRH: Fair enough. Salamat at aabangan nalang po ng aming kumite, through the chair, o yung buong Kongreso, yung magiging desisyon ng secretary, ng opisina, at sana po yung desisyon at polisiya na maiiba sa dati at mas magsisiguro nga doon sa pagsulong ng kanilang opisina ng transparency, accuracy, and accountability in the most optimal ways possible, given traditional at saka social media.