PRIB: Senate President Juan Miguel "Migz" F. Zubiri's interview Balitanghali, GTV News
March 15, 2023
SENATE PRESIDENT JUAN MIGUEL "MIGZ" F. ZUBIRI'S INTERVIEW BALITANGHALI, GTV NEWS
MARCH 15, 2023
QUESTION: Ano ho ba ang naging basehan ninyo sa panukalang dagdag na P150 sahod sa private sector at papaano tutukuyin kung qualified ba sa all-across board increase na ito?
SENATE PRESIDENT JUAN MIGUEL "MIGZ" ZUBIRI: Alam mo Connie, sa ating mga kababayang nakikinig ngayon. Napakababa na sa tingin namin ng minimum wage ngayon dahil sa inflation. Dahil sa inflation, pagtaas po ng presyo ng bilihin parang halos wala na pong nararamdaman ang ating mga kababayan. Gusto po nating palitan at gawin pong living wage. Ang living wage na sahod para makabuhay ng isang pamilya sa isang araw nang disente. Yung disente kasi ngayon naghahabol sila ng pambayad sa kuryente, pambayad sa tubig, pambayad sa kanilang mga pagkain.Tumaas pa ang presyo ng kuryente, tumaas ang presyo ng langis so talaga pati yung binabayad natin sa public utilities tumaas na rin kaya hindi na po nila nararamdaman ang kanilang mga sweldo.
Kaya ang sabi ko nga sa ating mga kababayan, lalo na sa business sector, share share naman, sana makashare din po kayo sa inyong tinatawag na income right now, pinapanood ko lahat ng business news, napakarami sa ating industriya ay nakabalik na o nakabangon na po after the pandemic. Napakadami po naglalabas na ng net profit rating na napakataas, napakataas na po ng income nila. Aba pwede naman siguro natin bigyan din ang ating mga kababayan, ang ating mga manggagawa ng konting increase ng sahod para it will become a living wage na nararamdaman nila, ramdam na ramdam nila itong pagtaas ng kanilang sahod. Ngayon ang regional wage boards, P20, P15 to P20 ng a year daily wage ang increase. Hindi nararamdaman yan. Sa totoo nga kulang na kulang pa yan ano pa kaya sa iba't ibang gastusin ng ating mga manggawa. So we need to look into that, we need to increase it, we need to come up with inflationary measures such as a revision of their allowance and an increase in their salary for living wage.
Q: Kakayanin po ng mga negosyante kasi sinasabi ng business sector baka mas marami ang magsara, ang sabi baka hanggang P50 kaya pa?
SP ZUBIRI: Kaya ang akin po is P150 across the board. Right now, ngayon po P570 po ang daily wage ng non-agricultural workers dito sa Metro Manila, kung daragdagan mo ng P150 that's about P720. Ginawa kong P150 kasi doon sa Mindanao syempre mas mababa po ang sweldo doon, it's about P350 so kung daragdagan mo ng P150 yan magiging P500 doon sa Mindanao at ang inflation naman is not only in Metro Manila. Ang inflation ay sa buong Pilipinas. Yung pag-akyat po ng presyo ng gulay, pag-akyat po ng presyo ng sibuyas, ay hindi lamang sa Metro Manila kundi sa Cagayan de Oro, sa Cebu, sa Davao, sa buong Pilipinas po yan so kailangan din po nila ng konting wage increase din. At sa tingin ko kayang maabsorb ng ating mga negosyante ito dahil nakikita naman natin na bumabangon muli ang ekonomiya as a matter of fact napakataas ng ating GDP growth rate which is about 6.8 in the last count, aabot pa tayo ng 7% in the next few months. Kapag ganun, my dear sa ating mga kababayan, tumaas nga ang GDP hindi naman nararamdaman ng ating mga manggagawa, hindi naman nararamdaman ng masang Pilipino, para que pa, bakit pa tayo magkakaroon ng ganitong numero kung hindi naman nila nararamdaman kaya kailangan din nating tulungan ang ating mga manggagawa.
It's about time. Ginawa ko nga po dito sa Senado, binatikos ako ng binatikos, nung nagsagawa po kami ng inflationary bonus sa aming mga staff which is basically about P130 a day if you compute it. So sana all ito na nga po ang sana all, gawin na po natin ito and it has been done in the past. The last legislative wage hike was in 1989 under Republic Act 6727 since 1951 yan. 1951 to 1989 nagkaroon po ng legislative wage hike para mabigyan po their minimum ang ating mga manggagawa na pwede namang iincrease uli ng ating regional wage boards.
Q: Ano ang masasabi niyo ngayong pasado na sa Kongreso ang resolusyong amiyendahan ang 1987 Constitution?
SP ZUBIRI: Well, ang sabi po nila wag daw namin idedma ang kanilang mga ginagawang pag-amyenda ng Constitution. But the truth on the matters, ang ating committee chairman Robinhood Padilla ay tuloy tuloy pa rin ang kanyang mga hearings at public hearings at road show on charter change. So hindi po namin dinededma ang charter change. Yun nga lang sinabi nga ko sa iba't ibang interview parang wala rintalaga tayong numero dito sa Senado para pag-usapan ito dahil 3/4 votes ang kailangan dyan and we don't have 3/4 votes.
Ang sinabi nga ng isang senador in one of his interviews, parang apat o lima lang ang pumapabor sa charter change at ang 3/4 votes you need 18 senators. Kaya wala pong numero kung pwede pag-usapan muna namin ang mga panukala na makakatulong na angatin ang buhay ng ating taumbayan. Itong LEDAC priorities na ginagawa naman po namin ngayon. Kagabi lima na po ang inaprub namin on 2nd readings. Ngayon po siguro mga 10 na mga bills both local and national ay maipapasa namin on 2nd reading and next week 3rd reading na po lahat yan. Pero pag pag-usapan namin ang charter change, magkakagulo, napakadivisive, napakainit at sa tingin ko unahin na muna natin itong mga panukala na makakabigay ng tulong sa ating mga kababayan. Like this legislative wage hike, let's give them the inflationary measure that they need to help them live their lives decently.
