There were 1,102 press releases posted in the last 24 hours and 400,908 in the last 365 days.

Cayetano extends aid to more than a hundred indigent patients, pregnant women in Benguet

PHILIPPINES, March 8 - Press Release
March 7, 2023

Cayetano extends aid to more than a hundred indigent patients, pregnant women in Benguet

As part of Senator Alan Peter Cayetano's efforts to make health care services available to all Filipinos, a team from his office on Friday extended help to more than a hundred pregnant women and indigent patients in Benguet who are suffering from chronic illnesses.

Cayetano's team visited Benguet General Hospital (BGH) on March 3, 2023 to help selected Bengueteños cover their medical expenses such as hospital bills, laboratory fees, medical procedures fees, and medicine costs.

The indigent patients, who came from various parts of Benguet like La Trinidad, Atok, Bakun, and Tuba, are in need of continuous medical attention for their hypertension, chronic kidney disease, and diabetes.

Employees of BGH who are taking maintenance medicine also received assistance from Cayetano's office.

One of the recipients was Jesus Fernandez, a massage therapist in La Trinidad who suffers from hypertension.

As a father of three students, he said it is difficult for him to afford continuous medication.

"'Yung pagme-maintenance ko po, ilang taong tinigil ko po. Nag-maintenance lang po ulit kasi ni-require na po [ng doktor ko]," Fernandez told the team.

"Napakahirap po kasi kapag nagkasakit tayong mga ama, syempre matitigil po y'ung trabaho, walang maibibigay na pambaon [sa eskwela], at wala akong maipapakain sa pamilya," he added.

Fernandez thanked Cayetano for the medical assistance he received and said he is hoping for the continuous operation of the senator's program.

"Napakagaan po sa pakiramdam. Imbes na iisipin talaga namin 'yung gastusin, ngayon nandyan po si Senator Alan Cayetano... Sana po patuloy niyo pong ipagpatuloy na tulungan ang kapos-palad na tulad namin," he said.

Providing medical assistance to needy Filipinos across the country is one of Cayetano's long-standing flagship programs.

Along with his personal initiatives, the Senator filed Senate Bill No. 303 in July last year with the aim of providing a health center in every barangay all over the country so that all Filipinos would be able to access quality primary health care for free.


Cayetano nagpaabot ng tulong sa higit isandaang mahihirap na pasyente, mga buntis sa Benguet

Bilang bahagi ng pagsisikap ni Senador Alan Peter Cayetano na mailapit ang serbisyong medikal sa bawat Pilipino, nag-abot ng tulong ang opisina ng senador nitong nakaraang Biyernes sa mahigit isandaang buntis at mahihirap na maysakit pasyente sa Benguet.

Bumisita ang team ni Cayetano sa Benguet General Hospital (BGH) noong Marso 3, 2023 upang tulungan ang mga piling Bengueteño na mabayaran ang kanilang mga gastusin sa pagpapagamot tulad ng hospital bills, laboratory fees, medical procedures fees, at gastos para sa gamot.

Ang mga pasyente, na nagmula sa iba't ibang bahagi ng Benguet tulad ng La Trinidad, Atok, Bakun, at Tuba, ay nangangailangan ng tuloy-tuloy na atensyong medikal para sa pagpapagamot ng kanilang hypertension, chronic kidney disease, at diabetes.

Nakatanggap din ng tulong mula sa opisina ni Cayetano ang mga empleyado ng BGH na kailangan ng maintenance medicine.

Isa sa mga nakatanggap ay si Jesus Fernandez, isang massage therapist sa La Trinidad na may hypertension.

Bilang ama sa tatlong anak, hirap aniya siyang makabili ng kanyang maintenance medicine.

"'Yung pagme-maintenance ko po, ilang taong tinigil ko po. Nag-maintenance lang po ulit kasi ni-require na po [ng doktor ko]," kwento ni Fernandez.

"Napakahirap po kasi kapag nagkasakit tayong mga ama, syempre matitigil po y'ung trabaho, walang maibibigay na pambaon [sa eskwela], at wala akong maipapakain sa pamilya," dagdag niya.

Nagpasalamat si Fernandez kay Cayetano sa natanggap niyang tulong-medikal at umaasang patuloy na ipatutupad ng senador ang kanyang programa.

"Napakagaan po sa pakiramdam. Imbes na iisipin talaga namin 'yung gastusin, ngayon nandyan po si Senator Alan Cayetano... Sana po patuloy niyo pong ipagpatuloy na tulungan ang kapos-palad na tulad namin," aniya.

Ang pagbibigay ng tulong-medikal sa mga nangangailangang Pilipino sa buong bansa ay isa sa mga flagship program ni Cayetano.

Kasabay ng kanyang mga personal initiatives, naghain ni Cayetano ang Senate Bill No. 303 noong Hulyo ng nakaraang taon na naglalayong magtayo ng health center sa bawat barangay sa buong bansa upang lahat ng Pilipino ay magkaroon ng pagkakataong makatanggap ng primary health care nang libre at may mataas na kalidad.