There were 98 press releases posted in the last 24 hours and 403,521 in the last 365 days.

Cayetano congratulates EJ Obiena, renews call to revitalize grassroots sports program

PHILIPPINES, January 28 - Press Release
January 27, 2023

Cayetano congratulates EJ Obiena, renews call to revitalize grassroots sports program

Senator Alan Peter Cayetano on Friday congratulated Filipino Olympian EJ Obiena, currently the world's No. 3 pole vaulter, for bagging silver at the just-concluded Internationales Springer-Meeting at Cottbus, Germany in his first outing of the 2023 indoor season.

"We are proud of you EJ! Thank you for being an inspiration and a hero for young Filipinos who now have someone they can point to and say, 'I want to be like him too!'" Cayetano said on January 27, 2023.

At the same time, the independent senator urged the government to set the stage for the rise of next-generation Filipino sports champions by stepping up efforts to build a nationwide grassroots sports program.

"We really need to revitalize our grassroots sports program. The next generation of EJ Obienas is out there, pero mag-uumpisa 'yan with our schools and communities rallying behind their local sports programs," he said.

Noting that Obiena started training when he was only 8 years old, the senator said the training of young athletes can only happen if all schools are equipped with the facilities, equipment, and teachers needed to establish active sports programs at the school district level.

"Children are inspired by what they readily see. So sana hindi lang nila nakikita sa TV or sa social media ang sports kundi nalalaro at nagagawa din nila itong mga ito sa school kung kumpleto ang facilities, equipment, at staff," he said.

He also said the country needs to support athletes early in their training years instead of "racing to help only when they are already champions."

"The future Hidilyn Diaz, the future Manny Pacquiaos are all there. Minsan hindi lang napapansin until sikat na sila," he said.

A sports enthusiast and former chairman of the Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), Cayetano has long pushed for a nationwide grassroots program in order to enable budding athletes to receive formal education and training as early as possible.

The senator has also been named head of the Philippine volleyball delegation to the 2023 Southeast Asian (SEA) Games in Cambodia and has pledged to continue advocating for Filipino athletes in the Senate.

"Patuloy tayong tapat sa commitment natin sa ating athletes, that as they pour out their hearts and do their best in their respective sports, we will also do our best in the Senate to make sure the support you need gets to you," he said. ####


Cayetano, saludo kay EJ Obiena, nanawagang magkaroon ng grassroots sports program

Pinuri ni Senador Alan Peter Cayetano noong Biyernes ang Filipino Olympian na si EJ Obiena matapos makakuha ng silver medal nitong nakaraang Internationales Springer-Meeting sa Cottbus, Germany.

"We are proud of you EJ! Thank you for being an inspiration and a hero for young Filipinos who now have someone they can point to and say, 'I want to be like him too!'" sinabi ni Cayetano noong January 27, 2023.

Kasabay nito, sinabi ng senador na panahon na para pagtuunan ng gobyerno ang isang nationwide grassroots sports program upang hubugin ang susunod na henerasyon ng mga kampyong Pilipino sa larangan ng sports.

"We really need to revitalize our grassroots sports program. The next generation of EJ Obienas is out there, pero mag-uumpisa 'yan with our schools and communities rallying behind their local sports programs," sinabi niya.

Nagsimulang mag-training si Obiena noong siya ay walong taong gulang pa lamang at ngayong ay pangatlo na sa lahat ng mga pole vaulter sa buong mundo.

Ayon kay Cayetano, maaga rin dapat magsimula ang pagsasanay ng mga atleta ng bansa, pero mangyayari lamang ito kung ang mga paaralan ay may maayos na pasilidad, kagamitan, at mga guro sa larangan ng sports.

"Children are inspired by what they readily see. So sana hindi lang nila nakikita sa TV or sa social media ang sports kundi nalalaro at nagagawa din nila itong mga ito sa school kung kumpleto ang facilities, equipment, at staff," sinabi niya.

Sinabi rin ni Cayetano na kailangang suportahan ang mga atleta sa mas maagang panahon at hindi kung kailan kampiyon na sila.

"The future Hidilyn Diaz, the future Manny Pacquiaos are all there. Minsan hindi lang napapansin until sikat na sila," sinabi niya.

Bilang isang taong mahilig sa sports at dating tagapangulo ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), isinusulong na noon pa man ni Cayetano ang pagkakaroon ng grassroots program sa buong bansa para magkaroon ng pormal na edukasyon at ensayo ang mga atletang nagsisimula pa lamang sa mas maagang panahon.

Nangako rin si Cayetano, na siyang magiging head ng Philippine volleyball delegation sa 2023 Southeast Asian (SEA) Games sa Cambodia, na itutuloy niya ang pagtaguyod sa mga atletang Pilipino sa Senado.

"Patuloy tayong tapat sa commitment natin sa ating athletes, that as they pour out their hearts and do their best in their respective sports, we will also do our best in the Senate to make sure the support you need gets to you," sinabi niya.