There were 1,659 press releases posted in the last 24 hours and 413,679 in the last 365 days.

Gatchalian expresses grave concern over Malampaya's fate in reported sale of stakes

PHILIPPINES, May 17 - Press Release May 15, 2022

Gatchalian expresses grave concern over Malampaya's fate in reported sale of stakes

Senator Win Gatchalian expressed grave concern over the country's power situation following reports that businessman Dennis Uy of Udenna Corporation is mulling selling his controlling stakes in the Malampaya deep water gas-to-power project.

"With the expiration of Malampaya's service contract in 2024, the depletion of the remaining reserves in the gas field by 2027, and now the possible sale of participating interests of Udenna in the country's most important energy source -- there's so much uncertainty ahead of us insofar as our energy security is concerned. Are we looking at rotational brownouts again?" Gatchalian asked.

"I have proven myself right after all, over the apparent financial incapacity of Udenna's subsidiaries that acquired the 45% stake of Chevron Philippines, Ltd. and 45% stake of Shell Philippines Exploration B.V. (SPEX)," the senator said, pointing out that he had red-flagged the entry of Udenna Corporation in the operations of Malampaya due to reports of debt and cash problems as well as its technical incompetence.

Udenna's Malampaya buyout hit a snag last December after the Philippine National Oil Company-Exploration Corp. (PNOC-EC), which owns 10 percent of Malampaya shares, withheld its consent to the transaction between SPEX and Udenna's Malampaya Energy XP Pte. Ltd.

A critical energy asset, Malampaya powers more than four and a half million homes and businesses in Mega Manila alone or six out of every 10 customers in Meralco franchise area. It contributes almost 20% of the entire country's power generation mix.

Malampaya has also provided significant income to the government, totaling P290.76 billion from January 2002 until June 30, 2021.

"Lubhang nakababahala ito. Ang Malampaya ang kaisa-isang pinagkukunan natin ng natural gas sa bansa. Lumabas sa imbestigasyon ng Senado na baon sa utang ang nagmamay-ari ng Udenna bukod pa sa walang technical expertise sa ganitong klase ng negosyo. Nasabi ko na noon pa na kung mapapasakamay lang ng hindi maayos na kumpanya ang Malampaya, tayong lahat ang magiging dehado dito," Gatchalian said, citing reports that Uy is considering selling his stakes in Malampaya.


Gatchalian naalarma sa planong pagbenta ni Dennis Uy ng shares sa Malampaya

Nagpahayag ng matinding pagkabahala si Senador Win Gatchalian sa magiging lagay ng suplay ng enerhiya sa bansa matapos maiulat ang planong pagbenta ng negosyanteng si Dennis Uy ng Udenna Corporation ng kanyang controlling stake sa Malampaya deep water gas-to-power project.

"Mapapaso ang service contract ng Malampaya sa 2024, mauubos ang natitirang reserba ng natural gas dito pagdating ng 2027, at ngayon ay posibleng ibenta ang participating interests dito ng Udenna. Walang kasiguruhan ang hinaharap natin. Babalik ba tayo uli sa pagkakaroon ng rotational brownouts?" tanong ni Gatchalian.

"Sa simula pa lang ay iniimbestigahan na namin sa Senado ang kawalan ng kakayahan ng mga subsidiary ng Udenna na nakakuha ng 45% ng stake ng Chevron Philippines, Ltd. at 45% stake ng Shell Philippines Exploration B.V. (SPEX)," sabi ng senador, tungkol sa kanyang babala noon pa man ng pagpasok sa operasyon ng Malampaya ng Udenna Corp. dahil sa mga ulat na baon ito sa utang at walang teknikal na kapasidad.

Matatandaang naudlot ang pagbili ng Udenna sa stake ng Shell matapos harangin noong Disyembre ng nakaraang taon ng Philippine National Oil Company-Exploration Corp. (PNOC-EC), na nagmamay-ari ng 10 porsiyento ng shares ng Malampaya, ang transaksyon.

Itinuturing na napakahalang energy asset ang Malampaya dahil umaasa dito ng suplay ang mga planta ng kuryente na nagseserbisyo sa apat at kalahating milyong tahanan at negosyo sa Mega Manila o anim sa bawat 10 kostumer sa franchise area ng Meralco. Sa kabuuang pangangailangan ng suplay ng enerhiya ng bansa, nasa halos 20% ang naiaambag ng Malampaya.

Malaki rin ang kontribusyon ng Malampaya sa koleksyon ng gobyerno dahil umabot sa P290.76 bilyon ang kita nito mula Enero 2002 hanggang Hunyo 30, 2021.

"Lubhang nakababahala ito. Ang Malampaya ang kaisa-isang pinagkukunan natin ng natural gas sa bansa. Lumabas sa imbestigasyon ng Senado na baon sa utang ang nagmamay-ari ng Udenna bukod pa sa walang technical expertise sa ganitong klase ng negosyo. Nasabi ko na noon pa na kung mapapasakamay ng hindi maayos na kumpanya ang Malampaya, tayong lahat ang magiging dehado dito," sabi ni Gatchalian matapos maiulat ang plano ni Uy na ibenta ang pag-aari niyang shares sa Malampaya.