There were 1,282 press releases posted in the last 24 hours and 401,184 in the last 365 days.

Increasing statutory rape age ratified; Gatchalian hails victory for children's rights

PHILIPPINES, December 27 - Press Release December 27, 2021

Increasing statutory rape age ratified; Gatchalian hails victory for children's rights

Senator Win Gatchalian hailed the ratification of the bicameral conference committee report on a measure that increases the statutory rape age to 16, calling it a big leap forward in upholding the rights of Filipino children.

The bicameral conference committee report resolved differences between House Bill No. 7836 and Senate Bill No. 2332. Gatchalian is one of the authors of the bill that seeks to increase the age for determining statutory rape. The current age of sexual consent in the Philippines is 12, the lowest in Asia and one of the lowest in the world.

Gatchalian reiterated that increasing the statutory rape age will be crucial in curbing teenage pregnancies nationwide, noting that many young mothers are victims of sexual violence.

Earlier this year, Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director Juan Antonio Perez III said that based on the 2019 data from the Philippine Statistics Authority (PSA), two out of three adolescents who got pregnant have partners who are older by 20 years. The POPCOM chief added that this points to a degree of power play and seduction among girls aged 11 and 12.

POPCOM reported this year that the number of girls aged 15 and below who gave birth increased by seven percent from 2018 to 2019. From 62,341 in 2018, the number of minors who gave birth in 2019 rose to 62,510. POPCOM also reported that in 2019, 2,411 girls aged 10 to 14 gave birth, an equivalent of seven per day. This is triple the number recorded in 2000 when 755 girls from the same age group gave birth.

The POPCOM has also warned that teenage pregnancies will likely surge because of COVID-related lockdown measures.

"Napapanahon nang isabatas natin ang panukalang itaas ang statutory rape age upang mabigyan ng proteksyon ang ating mga kabataan mula sa karahasan at pang-aabuso. Hindi na natin dapat palampasin ang ganitong uri ng karahasan sa ating mga kabataan," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

The reconciled version of the measure adopts the Senate's "sweetheart provision," which would not penalize consensual sexual activity between young couples in love.


Gatchalian: Pagtaas sa edad para sa statutory rape malapit nang maisabatas

Isang malaking tagumpay para sa mga kabataang Pilipino. Ganito maituturing ni Senador Win Gatchalian ang pag-ratipika ng bicameral conference committee sa panukalang itaas ang statutory rape age sa edad na labing-anim (16).

Niresolba ng bicameral conference committee report ang mga pagkakaiba sa

House Bill No. 7836 st Senate Bill No. 2332. Isa si Gatchalian sa mga senador na may akda ng panukalang batas. Ang kasalukuyang edad ng sexual consent sa Pilipinas ay labindalawa (12), ang pinakamababa sa Asya at isa sa mga pinakamababa sa buong mundo.

Paliwanag ni Gatchalian, mahalaga ang hakbang na ito sa pagsugpo sa mga teenage pregnancy o maagang pagbubuntis, lalo na't karamihan sa mga batang ina ay biktima ng pang-aabuso at karahasan.

Matatandaang ipinaliwanag ni Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director Juan Antonio Perez III na kung susuriin ang datos ng Philippine Statistics Authority para sa taong 2019, dalawa sa tatlong mga kabataan ang nabubuntis ng mas nakatatanda ng dalawampung taon. Paliwanag ni Perez, ipinakikita nito na may power play at seduction na nagaganap pagdating sa sitwasyon ng mga batang babaeng may edad na 11 hanggang 12.

Ayon sa POPCOM, umakyat ng pitong porsyento ang bilang ng mga batang babaeng may edad na 15 pababa na nanganak mula 2018 hanggang 2019. Mula animapu't dalawang libo at tatlong daan (62,341) noong 2018, ang bilang ng mga menor de edad na nanganak noong 2019 ay pumalo sa animnapu't dalawang libo at limang daan (62,510) noong 2019. Ayon pa sa POPCOM, mahigit dalawang libo at apat na raang (2,411) batang babaeng may edad na sampu 10 hanggang 14 ang nanganak noong 2019 o katumbas ng pito kada araw. Ang bilang na ito ay mas mataas ng tatlong beses sa 755 na naitala noong 2000.

Ayon pa sa POPCOM, mataas din ang posibilidad na dumami ang mga batang ina dahil sa mga lockdown na dulot ng COVID-19.

"Napapanahon nang isabatas natin ang panukalang itaas ang statutory rape age upang mabigyan ng proteksyon ang ating mga kabataan mula sa karahasan at pang-aabuso. Hindi na natin dapat palampasin ang ganitong uri ng karahasan sa ating mga kabataan," ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Nakasaad din sa bicam version ng panukalang batas ang "sweetheart provision" kung saan hindi ituturing na krimen ang consensual na pagtatalik sa pagitan ng dalawang kabataang nasa isang relasyon.